Chapter 13
—
Apologize
Parang nakalutang pa rin ako sa hangin kahit no'ng pauwi na ako sa condo. I just can't believe that we got the champion title again.
Noong isang araw lang, halos habol namin ang hininga namin sa bawat pagsasanay. Ngayon, mukhang iba na naman ang hahabulin namin.
"Good morning, Sir. I am here because I want to ask when I can take my final exam on your subject?" I heaved a breath when I said those. "Kung pwede po sana, before the week ends if you are not busy."
Kanina pa ako naghihintay at nag-iikot sa labas ng faculty para makita si Professor Henduxan para makakuha ng exam sa kaniya. Natapos ko na ang ilang subjects kaninang umaga kaso ang iba, busy on computing grades for their other students.
Bukas ko itutuloy ang dalawang natira at kapag hindi ako pinagtake ngayon ni Professor Henduxan ay magiging tatlo na ang tatapusin ko bukas.
Nagulat siya nang makita niya ako sa harap ng opisina niya. "Oh, Mr. Fernorei, glad to see you here. If you wanted to take the exam right here, right now. . . we can do that." Nagpamulsa siyang tumayo at umikot sa lamesa niya. "Okay lang sa 'yo na rito ka at ngayon mo na sagutan?"
"It would be great, Sir. I am planning to finish your exam today so I can have time to study for my other subjects tomorrow." Maayos kong sagot.
"Alright," tumango siya. Kumuha siya ng piraso ng papel sa mga envelopes niya. "Pwede ka umupo sa kabilang table since absent ang kasamahan ko."
Sumunod naman ako sa sinabi niya at agad na umupo sa isang office table sa loob ng opisina. Kung titingnan, mukha siyang masungit dahil hindi naman siya palangiti pero mabait naman talaga siya.
Takot nga lang ang ibang kaklase ko sa kaniya dahil seryoso at mukhang wala pa sa sampung beses namin nakita ang pagngiti niya.
Pinayagan niya naman ako na gumamit ng mga calculator. Sometimes in his class, he won't allow us to use calculators since he classified his subject as the easiest one.
Kaya naman siya i-solve sa papel lang kaso kumakain din 'yon ng oras pero nasanay na lang din kami. Wala naman kaming magagawa dahil patakaran niya naman ang masusunod.
"Hindi ka man lang nagpahinga muna, 'no? Isang araw lang ang lumipas at kumuha ka agad ng mga exams. Hindi ka ba mahihimatay sa pagod niyan?" he said when I passed the test paper and the answer sheet.
Maliit naman akong tumawa. "Kailangan po, eh. Para wala nang abala kapag bumalik na ulit ang klase pagkatapos ng semestral break," I answered.
Tumambay muna ako sa sunken garden pagkatapos kong makaalis sa faculty room. Bumili rin ako ng ice cream at kinain 'yon habang naghahanap ako nang bakanteng upuan.
Kakaunti na lang ang tumatambay ngayon pero kahit na gano'n, halos occupied pa rin ang mga upuan sa sunken garden dahil may mga iilang tumatambay galing sa labas ng unibersidad.
Bumili na rin ako ng ibang pagkain nang madaanan ko ang mga street foods doon. We don't have training anymore so I can somehow eat more foods now.
I just watched the sun go down. I even took a photo of it and uploaded it to my stories. Ngayon lang ulit ako nakaupo rito ng ganitong oras dahil minsan, puro training center ang nagiging tambayan ko lalo na kapag mga ganitong oras.
"Uh, hello po. . . pwede po magpapicture?" mabilis akong napalingon sa mga babaeng lumapit sa akin. Medyo nahiya pa ako dahil kumakain pa ako ng isaw at may hawak na ice cream sa kabilang kamay.
Tumango naman agad ako para matapos na dahil tumutulo na ng kaunti ang sauce ng isaw. Ngumiti lang ako ng maliit roon kasi iyon lang ang nailabas ng mukha ko.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
