"Mamaya," I said straight to his eyes. Nahihiya pa. "Pero. . . pwede namang ngayon na agad kung nagmamadali kayo." I added, nang tingnan ko siya ay agad niyang iniwas ang mga mata niya. 

Bukas pa sana ang alis ko pero parang mapapaaga. I mean, it was all fine with me. I don't have anything to do here. 

"Hindi na, mamaya na lang. Wala naman akong gagawin doon," he shrugged. "Ayos na 'yon, matutulog na lang muna ako. . ." he nodded and shifted his attention to his brother. 

"Magbihis ka na muna, sasabay na lang tayo kay. . ." he turned to me. "Euseff." 

Dang, Euseff. Parang ngayon ko pa lang siya narinig na tinawag ako sa pangalan ko. It feels so good to hear my real name from other people, huh. Madalis kasi palayaw ko ang gamit nila. 

"Ayaw mo sa first name ko?" I smirked. 

Nagkasalubong ang kilay niya. Nang tingnan ko ang kamao niya ay doon ko napagtanto ang pormado niyang damit. He's wearing his faded jeans partnered with his white sneakers and a plain beige shirt. 

Tumayo na bigla sa harapan namin si Lyndex at pasimpleng naglakad paalis habang nakasalampak sa taenga ang phone niya. 

"Ayoko ng mahaba. Nakakainis," kunot-noong sabi niya. 

I chuckled and licked my lower lip. "Talaga? Masarap kaya  pakinggan kapag mahaba. . ." I said bluntly. 

I didn't but I saw how his face turned red. Mabilis siyang umiling at nagsalubong ang kilay niya. Ano bang sinabi ko? 

"Bahala ka nga, magbibihis lang ako ng damit." He said and walked out, with his fist still clenched as fuck. "Gago, ambastos ng bibig." 

"Huh? Anong bastos?" agad na tanong ko. "Ano bang sinabi ko?" 

"Wala, manahimik ka nalang." Sabi niya pa habang umaakyat papuntang second floor bitbit na muli nag backpack niya. 

I kept on thinking what did I spit earlier for him to walk out but I can't really point it out. Wala naman akong sinabing bastos!

After fighting the urge to go upstairs and asking Uno about that 'bastos' thing, I just walked through the garage and cleaned my car instead. 

Hindi na muna ako babalik sa taas at mukhang mahihiya na naman ang kaibigan ko roon. Kaibigan ko siya pero para siyang kalaban dahil lahat na lang ng binibigay ko ay dapat nagi-guilty siya. 

I just want to share what I have. Hindi naman masama 'yon? 

"Manang, can you turn on the water in the garage?" I asked Manang when she suddenly appeared in the garage. Nagtaka raw siya kasi may mga maingay. 

Tumango naman siya. "Akala ko kung sino na. Oh, siya. Sige na at bubuksan ko pa ang tubig!" tumalikod na siya habang patuloy ako sa paghahanap ng mga gamit ko. "Nandiyan, naglilinis ng sasakyan!" napalingon ako sa kung sino ang kausap ni Manang, I somehow assumed that it was Uno but I saw Lyndex instead. 

Tapos na siyang magbihis. Akala ko mag-aaral siya pero nandito na naman ang batang 'to. 

"Wow, gara ng sasakyan mo, Ya!" bungad niya agad. "Iba 'to sa ginamit natin noong isang gabi no'n, 'no?" he asked. 

"Oo, nasa kabilang banda 'yon. Kaso, ito ang dadalhin at gagamitin natin pauwi mamaya. This is much more spacious than my other cars." Sagot ko habang naghihintay mapuno ang gagamitin kong balde para sa sabon. 

"Ayos, tulungan kitang maglinis!" he offered and I immediately shoved the one hand foam to his side. Agad niya namang nasalo iyon. "Pangarap ko 'to, eh. 'Pag lumaki ako, bibili ako ng ganito. Syempre, mas mabilis babyahe kapag may sasakyan!" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now