Nadatnan ko si Lyndex na nakabihis na at handa ng umalis. Naguluhan ako dahil parang wala namang n asabi Lola sa akin na aalis kami ngayong araw.
“Saan ang punta niyo?” I asked Lyndex, who’s now ready to go out. “Pormadong-pormado mo naman, pare!” pagpuri ko sa kaniya.
Naglakad papunta sa kitchen kaya sumunod na siya sa akin. “Uuwi na raw kami, eh. ‘Yun ang sabi ni Kuya!” sagot niya habang nakayakap sa notebook niya at mga papel.
Mabilis akong napatingin sa kaniya. “Huh?” naguguluhang tanong ko. “Ngayon na agad kayo uuwi?”
Sino maghahatid sa kanila? Magco-commute ba sila? Pwede naman silang sumabay sa akin. Total bukas na rin naman ang alis ko pabalik sa unibersidad. But. . . I could go earlier. Para naman hindi na sila mapagod kung maghahanap pa ng sasakyan ngayon.
Nagkibit-balikat ang batang kausap ko. “Baka may gagawin pa siya, alam mo na. . . hindi naman ‘yon mapakali kapag walang ginagawa sa buhay.” He said honestly.
I nodded. Yeah, maybe he has other priorities. “Magco-commute kayo?”
Mula sa pagtutok sa phone niya ay tiningala niya ako. “Hindi,” umiling siya. “Ihahatid kami noong driver dito. Sabi ng Lola mo, eh. Nauna pa naman ang ibang mga kasama namin umuwi dahil uuwi pa sa mga bahay nila.
Kumunot ang noo ko. “Pwede ko naman kayo isabay? Aalis na talaga kayo?"
“Aba, bukas ka pa aalis, eh. Tapos, parang hindi na siguro mapipigilan si Kuya. Nagising lang siguro siya para umalis kaagad!" sumimangot siya.
“Bakit nagmamadali? Look, I can drive you guys home. Kahit pa ihatid ko kayo sa tapat ng pintuan niyo." I said promptly. “He said we’re already friends so. . . I think he will say ‘yes’ if I tell him na sumabay na lang kayo sa akin." I continued as I chewed my food.
Nang balingan ko ulit siya ng tingin ay nagbabasa na siya sa harap ko ng mga papel niya.
“Kausapin mo ‘yun, Ya! Nandoon siya sa labas, oh. . ." sabi niya habang patuloy na nagbabasa. “Ay, ayan na pala siya."
Mabilis akong napatingin sa pintuan ng ilabas no’n ang nagmamadaling si Uno.
"Dex, handa ka na ba? Magco-commute na lang tayo kasi nasiraan daw ang sasakyan ni Manong. Halika na—"
"Ihahatid ko na kayo," I said which made him stop from walking. "Mahirap makahanap ng pampasaherong sasakyan dito, pwede namang ako na lang." I offered.
Madalang lang ang pumasok na taxi sa village na 'to. Hindi naman kasi madalas nagpapasok ng mga tao rito lalo kapag hindi naman talaga taga-rito at walang mahalagang kailangan.
Maliban na lang kapag malapit na ang pasko at may mga batang gustong mangaroling. 'Yun lang ang hinahayaang pumasok ng mga guards. Doon lang may makikita kang mga pagala-galang mga bata sa paligid.
He stared at me for a while before opening his mouth. "'Wag na, pwede naman sigurong kami na lang ang bumyahe. Nakakahiya naman sa dami ng perwisyo na naidulot namin sa Lola mo at s a’yo," he showed a small smile.
Nahihiya na naman siya. He kept on thinking that way. I sighed and massaged the bridge of my nose.
"Trust me, mahihirapan kayong sumakay. And stop thinking na nakakadulot kayo ng perwisyo." I stood up and washed my hands on the sink. "We're friends, right? Pumayag ka kagabi, 'di ba?"
I saw his lips quivered. "Oo na, kailan ba uwi mo?" he finally gave up. "Sasabay na lang kami sa 'yo," I saw how his fist clenched the phone he was holding.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 17
Start from the beginning
