SIAP: Escape Plan #41

Start from the beginning
                                    

Ay anak ng!!!!!!!!!

Deep voice?!

Meaning...

KUYA ALEX?!

Ang hilig talaga mangidnap ng hinayupak na ‘toh! Panigurado sila rin ‘yung kasama ko sa van kanina! Gung-gong talaga! Pareho sila ni Kuya Migz na malakas ang sapak!

Bumukas ulit ‘yung t.v. pare ngayon naka-web cam na si Kuya Alex.

Takot atang masapok ko siya.

Kuya Alex: “anong ginawa mo sa kapatid ko?!”

Galit ‘yung tono niya. Lagot na mainit ang ulo.

Tor: “nakapag-usap na po kami.”

Kinuwento ko sa kanya ‘yung nangyari na ganyan,,, ganito,,, blahblah.

Kuya Alex: “mahal mo ba talaga ang kapatid ko??”

Tinatanong pa ba ‘yan?!

Tor: “opo.”

Kuya Alex: “bilis-bilisan mo. Sige ka ikaw rin.”

Tapos namatay ‘yung t.v.

Tor: “Kuya Alex! Pa’no ako lalabas dito?!

Biglang bumukas ulit ulit t.v. (ano ba ‘yan patay-bukas ‘yung t.v. masisira na ata ‘yan e)

???: “hahaha”

Tawa ni Becca ‘yun wah.

Napatingin tuloy ako sa t.v.

Nando’n siya nasa cafeteria nakain ng lunch...

Masaya siya ngayon...

Kasama si Louie.

Kuya Alex: “bakit kaya ‘yung lalaking ‘yan napapatawa ng gano’n ‘yung kapatid ko?”

Kinuha ko ‘yung phone ko tapos i-dinail ‘yung number niya.

Tor: “hi...okay na ba?...salamat talaga. I owe you one.”

Sana maihatid agad ‘yung inorder ko kay Mawi.

Kuya Alex: “sino ‘yung tinawagan mo?”

Tor: “a friend.”

Kuya Alex: “girl o boy?”

Tor: “girl.”

Kuya Alex: “ahhh... papakawalan na sana kita. Kaso nagbago ang isip ko. Panoorin mo muna sila.”

Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin sila.

No’ng una nainis ako pero no’ng makita kong mapangiti ko siya sa ginawa ko e masaya na ako. Sana magkaayos na kami.

Uwian na no’n. Pinalabas na nila ako. At eto pa hindi ko alam na nasa school grounds pa rin pala ako. Paglabas ko e nasa dulong part ako ng school. Sabi ni Kuya Alex na ako raw ang maghahatid kay Becca.

Excited na akong makita siya kaya naman binilisan ko ang takbo.

Nasaan nga ba siya?

Tor: “RED!”

Tumakbo ako papalapit sa kanila. Kasam niya si Yanie. Buti pa ‘tong si Red nasa next stage na kay Yanie.

Red: “p’re. Ba’t hindi ka pumasok kanina?”

Tor: “mahabang istorya. Si Becca?”

Red: “nasa rooftop.”

Hindi ko na siya pinatapos at tinapik ko na lang ‘yung braso niya at kumaripas ng takbo.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now