Kumuha pa ako ng isa para roon ipatong ang phone, inaantok na ako. Umayos na lang ako ng higa habang naghihintay ng sagot niya.
"Naku, akala mo naman talaga ay hindi ka nasanay..." she laughed. "Minsan lang naman 'to, alam mo na, malapit na rin ang fiesta rito at dapat nagbabahagi tayo!"
Sa dami niyang scholars sa kompaniya, ewan ko nalang kung kulang pa ba iyon kung
pagbabahagi ang pag-uusapan. She's... so generous.
"Marami tayong pag-uusapan kapag nakauwi kana, lalo at malapit na rin ang pasko!" she giggled, masayang-masaya sa naiisip niya. "Kaya umuwi ka na!"
I laughed too. "Bukas ng madaling araw siguro ako makakarating d'yan, ngayong gabi ako aalis, eh."
"Delikado! Ipagpabukas mo nalang ang uwi!" pagkontra niya agad. "Baka makatulog ka habang nagmamaneho!"
Alam ko naman na ganito ang magiging reaskyon niya pero kasi, hindi naman pwedeng umaga ako dahil traffic na at isa pa, rush hour ang madaling araw didto dahil maraming nagtatrabaho.
"Kaya nga matutulog ako ngayon, La. At, tahimik ang daan kapag malalim na ang gabi kaya deritso ang byahe ko. Hindi naman ako mabilis magmaneho kaya ayos lang 'yon. Don't worry about me, La. Nagawa ko nga 'yong naconfine ka sa hospital at nagmamadali ako no'n. See? I can do this."
Bumuntong-hininga siya. "Fine, but be careful, okay?"
"Yes, master! Good night, La." I turned off the call after she bid her good bye and good night too.
I dozed off to sleep after that. Nagising lang ako bandang alas-dyes. Naghanda na agad ako ng pagkain. I just decided to have a short-live while eating.
Nasa tabi ng plato ko ang isang maliit na notebook dahil isusulat ko ang mga request songs nila. Medyo matagal ang bakasyon dahil semestral break at may paparating pang-undas. Doon ko aaralin sa bahay ang mga music covers ko using electric guitars, at... susubukan ko ring gumamit ng guitar lang kung kaya ko ba lalo pa at may isang gitara roon sa kwarto ko.
I listed some songs in the small notebook. Marami-rami rin akong nalagay at mukhang mabababad ako sa gitara sa mga susunod na araw.
"Huh?" I was so confused when someone asked me if I was the owner of the convenience store near Ateneo. "Sa Lola ko, siya ang may-ari."
reicalics_: Song request: Seasons by Wave 2 Earth!
trzsaurus: You belong with me!!!!!!
lalalamovein: ang pogi, parang mahihimatay ako!
1ndruiji: watching from convenience store, beijing
My brows furrowed as soon as I saw his comment. The hell is he doing here? But then... I could apologize now before I go to the province.
I ended it after that and prepared for going home. Isang bag lang ang dala ko dahil marami naman akong damit roon.
Huminto ako sa convenience store para bumili ng mga pagkain. I saw him eating at one of the tables inside. Nakaputing damit at may pin sa bandang kanan ng dibdib niya, naroon ang pangalan niya. Hindi niya ako napansin kaya dumiretso lang ako sa mga shelf.
Nang umikot ako papuntang counter ay naroon na siya dahil may bumili. Nang ako na ang nakatapat niya ay seryoso lang siya roon. Hindi ko alam kung sigurado ako pero nakita ko kung paano siya bahagyang nagulat nang makita ako roon.
Wala siyang sinabi hanggang sa matapos niyang ilagay sa isang supot ang bili kong pagkain at mga inumin. Bumalik na rin siya agad sa table niya nang maiabot ulit ang card ko.
I exhaled deeply before reaching for the orange juice inside. Naglakad ako papunta sa table niya at umupo roon. Nagulat siya kaya napatingin siya sa gawi ko.
I stared at his face. Ganoon pa rin. Nakakainis. Ewan, wala naman masyadong nagbago sa kaniya.
Tinulak ko sa harap niya ang inumin. I cleared my throat before speaking. "Uh, I just want to say sorry for punching you at the parking lot. It was never my intention to hurt anyone but I guess, that punch is a muscle memory whenever someone needs help."
Mahina siyang tinanong. "'Yan lang ang pinunta mo rito? Nagpangggap pa talagang bumibili. Pwede mo naman akong i-chat," mahina siyang tumawa kaya nagkasalubong ang kilay ko.
"Hey, I'm serious here. I am so sorry, I learned from my mistakes now. Again, I am wrong for that and I apologize for what happened."
"Wala na 'yon, hindi naman namaga ng malala." Pinakita niya pa ang pisngi niya sa akin. "Hindi rin naman ako nagalit, nagbibiro lang ako sa paghingi ng tawad pero masaya ako dahil humingi ka talaga at alam mo ang naging pagkakamali mo."
"I am okay. Thank you for reaching out." He said before flashing a smile.
I nodded. "Thank you. Uh, I won't be staying long since I needed to go home. I'll go now." Tumayo na ako bitbit ang binili ko.
Nang palabas na ako ay narinig ko pa ang sinabi niya. Hindi na ako lumingon dahil nagmamadali na ako. "Ingat, Euseff!"
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 13
Start from the beginning
