Chapter 40: Like a Skyscraper

Start from the beginning
                                    

'♪Yeah

Go run, run, run----♪  

Napalingon ako ng biglang tumigil yung kanta.

"torturing yourself in music?"

Ngumiti siya ng mapang-asar.

Sinimangutan ko lang sya at bumalik na sa may kama.

"kung namimiss mo sya, bakit hindi mo nalang kasi sya kausapin?"

tinignan ko si Kuya Jake na nakatingin sa may bintana. Kinuha ko yung stuffedtoy ko na Piglet na nasa higaan ko lang din at humiga.

"hindi ko sya namimiss"

hindi nga ba?

Pinisil ko yung pisngi ni Piglet.. 

Do I really missed you?

"dalaga na bunso namin. Marunong ng magdrama."

hinablot ni kuya yung stuffedtoy ko at tinignan ako ng mapang-asar.

Aagawin ko pa sana pabalik sakin si piglet pero hinayaan ko nalang sya. Wala ako sa mood sa ngayon.

"you want to talk? I'll be your kuya this time.. Ok lang yatang malagyan ngayon ng uhog yung tshirt ko"

napabangon ako and curiously look him.  Umupo sya sa tabi ko at iniwasan lang nya yung tingin ko.

"wag mo kong tignan ng ganyan, babatukan kita, ano?choosy ka pa.sandal na"

hindi ko alam kung maaasar baka ako o matatouch sa sinabi nya, pero sinandal ko nalang yung ulo ko sa balikat nya at hinayaan ko na lang tumulo yung luha ko.

"kuya,bakit mahal mo si ate annika?"

I asked looking at the floor.

"dahil yun ang nararamdaman ko."

"bakit yun ang nararamdaman mo?"

"kasi mahal ko sya"

"ang gulo mo naman eh! Seryoso kasi!"

hinampas ko yung braso nya sa inis ko. Kainis kasi! Ayaw sagutin ng maayos. Ayan.. Patawa-tawa pa. Akala ko pa naman seryoso sya ngayon. Psh.

"Shaine," huminto na sya sa pagtawa. Pinunasan nya yung luha ko sa mga mata. "hindi lahat ng tanong may kasagutan. Parang tinanong mo na rin kung bakit isa lang yung puso natin,kung pwede namang dalawa.. Bakit dalawa lang ang mata kung pwede namang tatlo.." ngumiti sya at hinaplos yung buhok ko. "may mga tanong talaga na mahirap sagutin o hindi na kelangang sagutin.. Pero meron ding madaling sagutin dahil alam mo na agad yung sagot." hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "You know why they are important..why you need them and why you should take care of them."

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya. Muli kong naalala yung sinabi ni Daniel.

......Dahil mahal kita

"dyan ka na nga..nagutom ako bigla." ginulo nya pa yung buhok ko bago tumayo. "nga pala, kung magpapatugtog ka lang din itry mo yung Pusong bato. Ahahahaha!" 

"ewan ko sayo! Labas ka na nga!"

"kung ako'y muling iibig sana hindi yung katulad mo, tulad mo na may pusong bato oh oh--"

"KUYAAA!!"

sumilip pa sya bago nya sinara yung pinto. Binato ko tuloy yung unan sakanya. Kainis! Aasarin pa ako e!

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now