Tumango naman si Kairo, he gladly accepted the comment. I smiled when I saw how my teammates really took the role seriously.
Napangiti rin si Coach dahil ito ang gusto niya. Stepping up. Minsan kasi, tahimik lang sila at may mga sariling mundo. Kez on the other hand, enjoyed being the leader.
"Astig, Tres! Paturo ako no'n!" Kez said.
Mukha lang siyang bata na naatasan na manguna sa laro. Nagbibigay din naman siya nang advices sa mga kasamahan niya but he's more on enjoying the leadership.
The next few minutes, our team won the first set of the game so the other team became serious. Bumawi sila agad sa ikalawang set pero pahirapan dahil ako ang nangunguna sa pagtalon kaya nagdadabog na si Tres.
"Eh, parang hindi naman lulusot mga palo natin d'yan, paalisin mo na yan siya, Coach!" sumimangot siya.
Humalakhak ako. "Gaya ka sa 'kin," I said and licked my lower lip. Itinaas ko ang manggas ng suot kong puting t-shirt para punasan ang pawis ko sa braso.
Nang tumingala ako ay napansin ko ang pag-iwas ng titig sa akin ni Kez. Hindi na siya makatingin sa akin hanggang sa natapos na namin ang unang laro.
We took a break after that game. Kami ang nanalo, umabot sa ikalimang set ang naging habulan namin at sa loob ng larong iyon, ilang buhok din yata ni Coach ang natanggal sa sobrang stress. Maayos na sana ang laro kaso may mga errors talaga na kaya naman iwasan kaso nagpadalos-dalos talaga sila minsan.
"Pizza! May bitbit na Pizza si Coach!" napabalikwas ang iba sa amin sa narinig na sigaw mula kay Frat.
"Basta pagkain ka talaga, eh, 'no!" sabi ko sa kaniya nang makalapit sa pwesto namin ni Tres. Nakangiti pa kasi alam niyang sobrang late na niya.
Kakarating niya lang pero iyon na agad ang ibinungad niya. Pagkapasok niya kasi sa court ay pagdating din ni Coach na may dalang mga pagkain.
"Snacks galing sa office of the Dean. Kai at Caleb, pakikuha ang drinks sa labas, bilis!" mabilis na nagsitakbuhan ang mga mokong palabas.
"Galingan sa training para everyday ang masarap na snacks. Goodluck, fighting maroons! Tatak UP, go for champion, Team!" pagbabasa ni Tres sa nakasulat sa maliit na sticky note sa unang box ng pizza.
May mga kasamang softdrinks 'yon kaya masayang masaya kaming lahat. Minsan lang kami pinapainom, eh. Nakakabigat daw ng katawan.
"Next time, tubig na ang ire-request ko kay Dean. Mahihirapan kayong tumalon nito, eh." Coach intervened.
Humalakhak kaming lahat pero si Frat, ayaw magpapigil ang bibig.
"Coach naman. 'Wag ganyan, Coach! Masama 'yan!" angal niya pa sa isang accent na hindi ko alam kung saan niya nakuha kaya mas lalong nag-ingay ang lahat.
"Seryoso, mahihirapan kayong tumalon kapag araw-araw kayong umiinom nito!"
After that, we continued our practice. Sa amin napunta si Frat dahil wala naman siyang choice. Nagkunwari pang nagtatampo si Tres dahil sa amin napunta si Frat at iniwan daw namin siya sa ere!
"Facial hit kayo sa 'kin," deliryo niya. "Akala ko ba magkaibigan tayo!"
Ngumiwi si Frat sa kaniya. "Friends tayo oy, sasabay ka rin naman sa sasakyan ko ngayon!"
Tumawa ako sa bawi niya, binato ko siya ng bitbit kong bola kaya napamura siya. He even stick his tongue out to tease Tres more.
I gave Tres a quick middle finger when he rolled his eyes on us.
Natapos lang ang biruan namin nang makita kami ni Coach na hindi pa nagsisimula.
We call it a day when Tres shouted that it's already eight p.m. Nagbihis kami saglit before heading to the parking lot.
"Tangina mo, yabang mo kanina! Flat nga 'to, eh!"
"Hindi naman 'yan Flat kanina! Ewan ko!" nagkakamot ng ulo si Frat dahil sa nadatnan niya.
In the end, ako ang naghatid sa kanilang dalawa sa mga bahay nila. Si Frat ang huli kong hinatid kaya dumaan kami sa convenience store. Nang maibaba ko siya roon, hindi na rin ako nagulat ng may makita akong pamilyar na mukha. I saw Uno again.
Naglalakad siya papasok sa store. Probably, ready to duty. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
But on my way to my unit, I received an unexpected text from Lola's assistant.
From: Gelo Prestano
Good evening, Sir! I am texting here to inform you that your Lola, Ma'am Crezsie got admitted to the hospital.
From: Gelo Prestano
Ayaw niya sana ipasabi pero hindi ko kayang ilihim 'to lalo na ikaw lang po ang apo niya. Salamat po, Sir!
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 10
Start from the beginning
