Extra#2: God Gave Me You

132K 2.8K 170
                                    

Extra#2: God Gave Me You

"BAKIT?" takang tanong niya sa kapatid niya ng bigla siya nitong harangin, papalabas na siya ng bahay nito ng bigla nalang itong nanghaharang. "Malelate na ako sa Little Devil's."

"Tayo ang may-ari ng Devils kaya kahit malate ka walang kokontra sa iyo."

"Fine, ano ba ang gusto mo?"

May kinuha itong brown envelope mula sa kung saan at ibinigay sa kanya. Kunot-noong kinuha niya iyon at tiningnan ang laman.

"Little Devil's is yours to begin with ng magdesisyon si daddy na itayo ang LD ay ikaw na agad ang naisip niya kaya ipinangalan niya sa iyo. Ako lang ang nagpapatakbo but I guess it's the right time for you to know na mahal ka ni daddy. Hindi ka niya nakalimutan nagkataon lang siguro na nabulag siya sa pagmamahal niya kay mommy kaya nagawa niya ang mga ganoong bagay. Kaya huwag kanng mag-isip na kahit kailan ay hindi ka minahal ni daddy dahil mahal ka niya at mahal din kita Crischelle. Kahit na pasaway ka pero mahal kita at hindi ako makakapayag na may nanakit sa iyo."

"Kaya pala hinayaan mo si Caleb noon ikaw pa ang nagplano." Sumbat niya dito.

"Dahil alam kong totoo siya at nakaganti na ako sa kanya."

Inirapan lang niya ito, totoo naman kasing gumaganti talaga ito. Kapag umaakyat ng ligaw si Caleb sa kanya noong una ay sinuntok pa nito ang boyfriend niya, they are already couple, legal na pero may limitasyon pa rin. Sa mga sumunod na dalaw ni Caleb ay nag-set up ng mesa sa harap ng bahay ang kapatid niya dahil bawal itong pumasok. At dahil nga sa hinuhuli ng kasintahan ang loob ng kapatid kaya hindi na ito nagreklamo. Ang sabi naman ni Caleb mas sweet daw iyong nasa labas at nakatingin sa langit kaso linalamok nama siya. Ayaw siyang papasukin ng kapatid hangga't hindi aalis si Caleb kaya ibinigay ni Caleb sa kanya ang jacket nito para hindi siya papakin ng lamok. Ito naman ang pinagpiyestahan mabuti nalang at hindi ito nagkadengue.

Sa mga sumunod na linggo ay sinadya ng kapatid niyang putulin ang water line kaya walang tubig sa buong bahay at ang pinaggawa nito kay Caleb ay pina-igib ng tubig at pinuno ang mga drams at pati na rin ang bath tub sa lahat ng banyo sa bahay. Pinabuhat pa ito ng mga container ng mineral water dahil hindi raw makakapagdeliver ng mineral water.

Minsan pa nga ay pinasibak pa ng kuya niya ng kahoy na kailangan ay pareho ang sizes kung hindi niya ito nasapok malamang ay baka niruler na nga ni Caleb ang mga kahoy. Gusto niyang matawa dahil nga alam niyang pinagtitripan ng kapatid niya si Caleb. At hindi naman nagrereklamo ang gago dahil mukhang natutuwa naman ito sa ginagawa.

At ilang gabi din itong nambubulahaw sa labas ng bahay niya, noong unang gabi ay kausap niya si Zyrene at tinutulungan niya itong magdesign ng nursery ng future pamangkin niya ng biglang sumigaw ang kapatid niya na may bisita daw siya at sa bintana na tumingin. Pagtingin niya sa bintana ay nandoon si Caleb, nakasuot ng sinaunang damit akala niya ay buwan ng wika sa bahay niya.

May kasama itong mga lalaki mukhang mga pinsan at kaibigan ni Caleb na nakasuot din ng ganoong outfit at kumanta ng 'Oh hirang sa gabing madilim' na hindi niya maalala dahil sa hindi naman siya nahaharana minsan at malay ba niya sa mga bagay na ganyan.

"You still love him."

"It never cease my dear brother."

"Hindi mo ba naisip na baka kaya niyang gawin na saktan ka ulit sa hinaharap?"

Isang maliit na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang kapatid, batid niyang mahal siya nito at nag-aalala ito sa kanya. "Bakit kuya nasaktan mo rin naman si Zyrene dati? Ginamit mo siya hindi ba? Ano ang assurance ni Zyrene na hindi mo nga siya sasaktan pang ulit?" balik na tanong niya dito.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon