Chapter Nine-A

75.3K 1.9K 67
                                    

Chapter Nine-A

"ANG tagal na nating hindi nagkita," bungad sa kanya ni Pj ng makarating siya sa bar na pagmamay-ari nito. Gusto lang niya itong makausap kasi gusto niyang inconfirm kung tunay ba ang hinala niya tungkol sa kanyang sarili.

"Oo nga eh masyadong naging busy." Nakangiting ani niya dito, busy naman talaga siya. Busy siya kay Caleb.

"Busy saan?" panunukso nito habang binibigyan siya nito ng drinks. "Light drink lang iyan para makauwi ka ng maayos."

"Thanks Pj," ngumiti siya dito.

"Wow, look at you. Kailan ka pa natutong magjeans?"

"Since the day I realized what I really like in life."

"Like lang?"

"Baka naman love na iyan."

Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay niya dito na naging dahilan kung bakit ito napasinghap ng malakas at napapukpok ng mesa.

"Bull-crap! Hindi nga inlove ka na?" Tumango lang siya dito at sumimsim ng alak mula sa kanyang baso. "What a lucky bastard!" palatak nito. "Mukhang nakuha ka na nga niya one hundred percent-."

"Hep, not one hundred percent but one thousdand percent." Tumawa ito ng malakas sa sinabi niya.

"What the-." Kulang nalang ay tumili ito na para bang nararamdaman din ang saya na nararamdaman niya. "Hey, huwag mong isipin na babae na rin ako dahil kinikilig ako. Pambihira sa tagal-tagal ng mga buwan na magkasama kayo ngayon mo lang narealized na may nararamdaman ka na nga sa kanya."

"Pasensya naman alam mo namang hindi madali sa akin na aminin iyon. Buong buhay ko akala ko babae din ang gusto ko because of my feelings toward my sister-in-law."

Napangisi lang ito. "Minsan kasi may mga bagay na akala natin totoo dahil iyon ang tinatanim natin sa isip natin, pinaninindigan nalang din natin dahil natatakot tayong magbago at natatakot tayo na masira ang mundo na naging safezone natin. Pero may darating at darating din sa buhay natin na gigiba sa safezone natin para gawan tayo ng bagong mundo. Sa mundong iyon hindi ka na nagtatago, hindi ka na nag-iisa, dahil kasama mo na ang taong bumuo sa mundong iyon."

"Ang lalim naman Patricia Jane mabuti at hindi ka nalunod." Biro niya dito, iningusan lang siya nito dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan nito. Kahit kailan hindi niya maiisip na makakausap niya ng ganito ang pinakadahilan kung bakit siya nasuong sa masayang gulong kinasasangkutan niya ngayon.

Tumikhim ito at saka tumingin sa kanya. "Sa mga taong tulad kong marami ng experience sa mundo marami talaga akong natutunan na pwede kong gamitin sa hinaharap. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo, kasali ng bawat saya ang sakit. Alam kong nakakatakot pero kung masaktan ka man sana isipin mo ang dahilan kung bakit mo siya minahal. Kapag alam mo kung saan kayo nagsimula, babalik sa iyo ang masasayang ala-ala na kasama kayo at magkakaroon ka ng lakas na makayanan ang lahat ng sakit na naramdaman mo."

Napangiti lang siya sa sinabi nito, sa ngayon ang masasayang pakiramdam lang ang gusto niyang maramdaman. Hindi pa siya nasaktan ng todo-todo at hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin ni Caleb na pwedeng makasakit sa kanya ng husto na hindi na niya kayanin.  Sana naman hindi kasing lala ng kay Hexel, she's afraid of being hurt because she doesn't know how to cope up with it.

"Thanks for the piece of advice." Napangalumbaba siya habang nakatingin sa kawalan. "May problema nga lang." aniya dito.

"Halata nga, so what's the catch?"

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu