Chapter Eight-B

82.1K 2.1K 117
                                    

Chapter Eight-B

MASAKIT ang ulo niya dahil sa maraming alak na nainom niya madaling araw na kasi siyang nakauwi mula sa bar, inihatid pa kasi sila ni Aizen. Nauna nilang inihatid si Pj dahil hindi na raw nito kayang magdrive pa at saka may chicks itong kasama na nakilala nito last night. Matinik talaga sa babae si Pj maganda kasi iyong babae.

Nasa bahay siya ni Monique dahil ayaw nitong tumigil sa pag-iyak, naiintindihan naman niya ang naging kalagayan ni Monique kaya hinayaan nalang niya ito. She might look strong outside but she's definitely the weakest among them. Kaya nga sinamahan na niya itong matulog sa apartment nito, natutulog lang naman ito siguro dahil lasing na ri at sobrang pagod na pagod na rin kaya hindi niya ito masisisi.

Nanghiram siya ng damit nito at saka nagluto na rin ng pagkain para sa kaibigan at pati na rin advil kung sakaling sumakit ang ulo nito. Kung si Georgette ay ayaw na ayaw na nakikitang nagkakasakit si Monique ang tipo ng taong gustong inaalagaan dahil lumaki kasi si G na hindi talaga naalagaan ng mga magulang nito hindi na nga nito naalala, si Monique kasi ay may pamilya pero hindi naman inaalagaan sa halip ay kinasusuklaman pa ito. And it started when her dad died and everyone in the family blamed her for it, Monique was five when it happened. Minsan naisip din niya kung paano kakikitd mag-isip ang mga pamilya nito, how could they blame a five year old kid sa pagkamatay ng isang tao.

Hindi na siya dumaan sa bahay nila ni hindi na siya nagtangkang icharge ang kanyang cellphone. Ayaw niya muna ng may kausap ngayon, pagdating niya sa Little Devil's ay mabilis siyang nagkulong sa kanyang kitchen ni hindi na niya binati ang mga staffs dahil medyo busy din. Gumawa siya ng mga cheesecakes na iba-iba ang variations dahil iyon ang halos inoorder ng mga customers nila. Dumating si Diana Rose at nagkulong sa kanyang kitchen kasama siya kung hindi lang niya ito kilala at kung hindi niya alam na ayos na ito at ang asawa nito baka isipin niyang may pagnanasa ito sa kanya dahil kanina pa siya tinititigan nito.

"Kailan ba ang kasal mo?" tanong niya habang naglalagay siya ng frostings and designs sa mga cupcakes na order ng isang company na magcecelebrate ng kanilang isang dekada, kaso mukhang liliparin nalang yata ng hangin ang tanong niya dahil wala naman itong naging reaksyon. "Nakikinig ka ba?"

Ngumiti ito sa kanya na pagkatamis-tamis. "Crischelle, pwede ka bang sumayaw iyong pangK-pop?" pinandilatan niya ito at alam niya ay namumula na rin siya. Minsan na kasi siya nitong nakitang naka-Girl's Generation na outfit at sumasayaw.

"Baliw ka nagbuntis ka lang kung anu-ano na ang gusto mob aka gusto mo ng cupcakes?" alok niya dito.

"Nge, ayoko niyan. Sige sayaw ka na." pangungulit nito.

"Sasayawan kita ng pangclub na sayaw." Aniya sabay irap dito.

"Alam kong magaling kang sumayaw nakikita kaya kita kapag nagpapractice ka sa dance studio. May abs ka pa nga eh." Tinuro pa nito ang tiyan niya.

"Shut up, pwede ba balikan mo na iyong asawa mong siyang nakakaintindi sa iyo?" taboy niya dito pero hinid na naman nito pinansin ang sinabi niya.

"May boyfriend ka na?" hindi niya ito pinansin. "Or may lover ka na-." natigilan ito ng biglang mahulog ang mga gamit niya na nasa kamay niya.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?"

"May lover ka?"

Bigla niyang naisip si Caleb, they are fuck buddies but they are obviously not lovers.

"Wa-wala no!"

"Wehhhh... so virgin ka pa?" napakurap siya sa tanong nito, nagdududa siya kung may alam na ba ito o wala. Baka kasi nasabi ni Caleb sa mga ito o kaya naman ay nakita sila ng mga ito na magkasama. Napaparanoid na siya.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now