Chapter Two

92.3K 2.2K 127
                                    

Chapter Two


NAPANGITI siya ng makita ang buong paligid, it's cozy and pretty just the way she likes it. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng piano na pumailanlang sa buong paligid, marami ang mga tables na walang laman pero mas marami pa rin ang may laman. Napadaan siya sa isang malaking salamin kung saan nakikita ang hitsura niya, nakasuot siya ng sleeveless na puting bestida na hapit na hapit sa katawan niya, at maikli iyon kapag yumuko siya ay pwede na siyang makitaan. It's the different side of her, her friends known her as the innocent dragonfly but they don't know, dapat mas matakot sila sa inosente because she can be a vixen sometimes too.

It's natural instinct to dress sexy if you are looking for a prey, and she's looking for a prey too. Madalas siya dito at karamihan sa tumatambay dito ay mga katulad din niya although hindi halata dahil may mangilan-ngilan din nagdedate dito. Pumunta siya sa may counter at saka tiningnan ang mga drinks na nakadisplay na may iba-ibang kulay. Tiningnan niya ang bartender na babae din pero alam niyang katulad din niya ito.

"Hi, what do you want to drink gorgeous?" the bartender asked.

"Hmnnn..." she smiled sweetly at her. "What can you recommend?" napakagat siya ng labi, hindi niya alam kung ano pero sa tingin niya ay instinct na rin niya iyon kapag nakikipagflirt siya sa kapwa niya babae. May kumislap na kung ano sa mata ng babaeng kaharap niya and that's when she knew she already got her.

"Three berry margarita." And then she winked at her, umupo siya sa mahabang stool habang tinitingnan ang flawless movements nito. Ilang saglit pa ay nasa harap na niya ang inumin na iyon, it's red and it's beautiful. "Beautiful isn't it?" untag nito sa kanya pero sa kanya naman nakatitig.

"Very." She likes red, she really loves red. Pero hindi na red ang buhok ni Zyrene pero kahit ganoon ay gusto pa rin niya ng red because it reminds her of her first love and first heartbreak.

Hinawakan niya ang rim ng baso at tumingin sa babaeng nakamasid lang sa kanya. It's kinda weird actually but she doesn't mind being stared.

"You are alone." The bartender stated the matter of fact.

Tumango siya at ngumisi, "And I bet you aren't just a bartender."

"You bet, I owned the place."

"Oh, that's nice." Naging malagkit ang mga tingin nito sa kanya. She took a sip at lasang-lasa niya ang alak at mga prutas sa inumin na iyon.

"And I believe you are still single too."

"Uhuh."

"And..."

"Yes, I am." Alam niya ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya, lumawak ang ngisi nito sa sinabi niya na para bang may napanalunang mamahaling sasakyan.

"How about be my lover?" bilib din siya sa babaeng ito, very straightforward. Tinitigan niya ito, the woman is beautiful at hindi siya madedehado.

"I... don't know."

"Hindi ka pa ladlad?"

"Not yet." Pag-amin niya.

"We can keep this a secret, my previous lover fall in love with a guy you know." Pag-amin nito.

"Aw," biro niya na tinawanan nito. Lumabas ito mula sa counter at hinubad ang suot nitong vest. Agad na dumako ang tingin niya sa dibdib nito, parang gusto niyang mahiya. It's not that wala siyang boobs, meron naman pero gusto din kasi niya ng malaking boobs. Minsan nga ay binibiro siya ng kuya niya na wala siyang boobs, meron lang daw siya as washboard.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now