Chapter Ten-C

91.5K 2.1K 178
                                    

Chapter Ten-C


July 29, 20xx

Dear C,

Good morning, hindi ko alam kung nababasa mo ito pero kahit ilang beses mo pang punitin ang mga sulat ko hindi ako magsasawang sumulat sa iyo. Nakita kita kahapon, mas lalo kang gumanda keysa noong una kitang makita. Paulit-ulit nalang ako 'no? Hindi ako magsasawang sabihin sa iyo kung gaano ka kaganda.

Tinitingnan lang kita sa malayo dahil alam kong bawal, alam kong galit ka pa rin sa akin at alam kong nasasaktan pa rin kita. Hihingi lang uli ako ng sorry sa iyo, gusto kitang makausap at gusto kitang lapitan pero hindi pwede kasi ayokong mawala ka sa paningin ko.

Nakita kita na may hawak ng malaking cake na kamukha ng cake na ibinigay mo sa akin. Gusto pa rin iyong kainin ni Ashton pero hindi ako pumayag pwede ko ba iyong ipreserved? Ayokong kainin iyon hindi dahil sa hindi masarap dahil alam kong masarap kapag ikaw ang gumawa.

143.

Caleb




July 30, 20xx

Dear C,

Ang ganda talaga ng mga ngiti mo, ang tanga-tanga ko talaga no? Pwede mo ba akong gulpihin hanggang sa hindi na ako makahinga? Nakita kita sa labas ng Little Devil kanina may kausap kang mga bata, ang ganda ng ngiti mo sana nakikita ko iyan ng malapitan kung hindi ako naging gago. Kumusta ka na? Kumain ka ba ng nasa oras? Huwag kang pagutom ha, hindi pa sapat ang paghingi ko ng sorry sa iyo. Marami pa akong kailangang ihingi ng tawad. Alam mo bang nakasalubong ko si Heinz sa supermarket kasama si Zyrene, ang laki ng tiyan ni Zy para siyang nakalunok ng malaking bola. Parang si Chloe lang, magkakaroon na siya ng babies. Lalaki ang dalawa, hindi ko kasi siya malapitan dahil sabi ni mommy huwag muna. Kapag nakikita kasi niya ako ay nagagalit siya sa ginawa ko.

Ang laki talaga ng nagawa kong pagkakamali. Pasensya ka na dahil sa duwag ako, agad akong sumuko dahil sa takot ko. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kaya nga kahit na gustuhin kong mawala sa mundo hindi pwede kasi hindi sapat iyon para mabawasan ang kasalanan na nagawa ko kaya mananatili ako sa mundo at mamahalin kita sa malayo hangga't kaya mo na akong patawarin.

143.

Caleb




July 31, 2oxx

Bakit ka malungkot? Sana hindi ako ang dahilan ng lungkot na iyan C, nakita kita sa LD kanina nakatingin ka lang sa malayo. Gusto sana kitang lapitan para yakapin pero hindi ako pwedeng lumapit sa iyo, kahit na nasa malayo ako nakita ko ang lungkot sa mga mata mo. Pwede bang gumawa ng gamot si Georgette kung saan pwede niyang ilipat ang lahat ng sakit na nararamdaman mo doon at saka iinumin ko para ako nalang ang magdala sa sakit na nararamdaman mo?

Sana ngumiti ka na, ako nalang ang masasaktan para sa ating dalawa Crischelle huwag lang ikaw. Masyado ka ng nasasaktan ng dahil sa kagaguhan ko kaya pwede bang akin na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo? Ingatan mo ang sarili mo at huwag kang magpakagapagod.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now