EPILOGUE

94.9K 2.1K 94
                                    

EPILOGUE


Love is a simple four letter word. It defines everything, it defines a person, it defines life. Falling in love is what makes the world go round, it blinded people. It can make things easy become hard, it can make people happy, sad, and mad. Love isn't just a simple emotion, it's all the emotion.

"Gising ka na, hindi ka pa ba napapagod matulog?" hinawakan niya ang palad ni Caleb. "Pinapatawad na kita kaya gising ka na." napakurap siya upang alisin ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Hija." Tawag sa kanya ng mommy ni Caleb. Noong una ay natatakot siyang puntahan si Caleb sa bahay nito, natatakot siyang baka magalit ang mga magulang nito sa kanya. Nang nangyari ang aksidente ay gusto na rin niyang mamatay pero mas pinili niyang iligtas si Caleb. Nasa kritikal itong sitwasyon, halos wala na itong buhay pero kumapit pa rin ito. He was barely hanging back then, umabot pa nga sa puntong tumigil na ang pagpitik ng puso nito ng ilang minuto but miracles do happen.

Akala niya hindi totoo ang milagro, akala niya ay wala na pero ito mismo ang hindi sumuko kaya bigla siyang nahiya sa sarili niya. Caleb is fighting for his life and she wants to fight with him too. Ayaw niyang sumuko dahil hindi naman ito sumuko sa kanya, nagpahinga lang siguro ang puso nito ng mahalin siya pero lumaban uli ito.

"Tita Sab." Tumayo siya, naka-confine si Caleb sa sariling silid nito. May kaya ang pamilya ni Caleb at mas gusto ng mga ito doon dahil naaalagaan si Caleb. Mukhang sanay na ang pamilya nito sa mga ganitong sitwasyon.

"Ang gwapo pa rin ng anak ko kahit na nakahiga siya diyan at walang malay." Hinawakan nito ang braso niya. "Kamukhang-kamukha siya ng kanyang ama noong medyo bata pa kami. Alam mo ba sa aming dalawa ng asawa ko tinatanong namin kung saan nagmana ang kambal." Tumawa ito sa sinabi nito. "Si Chloe napakahinhin at mahiyain, mas gusto niyang nasa kwarto lang at gumagawa ng mga bagay-bagay. Hindi rin palakaibigan kaya nga ng makilala niya kayo kahit papaano ay napanatag ako. Dahil sa sakit ni Caleb ay napabayaan namin si Chloe. Bilang ina iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko, ang hirap maging ina Crischelle. Lumaki din akong walang mga magulang kaya hindi ko alam kung paano maging isang magulang kahit papaano ay naaalalayan naman ako ni Rajeev. Itong si Caleb, tahimik lang din ito. Kapag may gusto ito ay agad niyang nakukuha." Tumingin ito sa kanya. "Ikaw ang kauna-unahang gustong-gusto ng anak ko na pinaghirapan niyang kunin. Kilala ka namin hindi dahil kay Chloe kundi dahil kay Caleb. Pasensya ka na rin sa mga nagawa ng anak ko nasabi na ni Chloe ang lahat. Gago din minsan itong anak ko mana sa daddy niya pero isa lang ang masasabi ko ang mga lalaki sa pamilya ko harsh kung magmahal, namimilit, nakakapanakit pero kapag mahal ka nila, ikaw lang talaga ang mahal nila." Yumakap ito sa kanya.

"Sorry din tita sa lahat-lahat."

"Wala kang kasalanan Criselle dahil kung ako ang nasa lugar mo gagawin ko rin ang mga bagay na nagawa ko. They can't blame us nasanay na kasi tayo na sinasabihan ng mahina kaya naitanim na rin natin sa utak natin na baka nga mahina tayo at iiyak nalang natin ang lahat. But you proved it wrong katangahan man sa iba pero naging matapang ka, naging matapang kang kayanin ang lahat at hindi ka sumuko. You cried yes, but you didn't give up on your life. I am really happy my son choose someone like you, my children are blessings to me dahil akala namin hindi na talaga ako magkakaanak. Kapag nagising na siya, kapag handa na siya pwede bang ikaw na ang mag-alaga sa kanya?"

"Tita-."

"Love my son Crischelle, wala siyang ibang gustong makasama kundi ikaw lang. Bigyan mo siya ng isa pang chance I want you to be happy too alam ko na mahal na mahal mo rin ang anak ko."

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz