Chapter Ten-B

95.3K 2.2K 177
                                    

Chapter Ten-B

"HINDI mo kakainin iyan akin nalang." Aagawin na sana ni Ashton sa kanya ang cake na kulang nalang ay ipaframe na niya. Hindi niya iyon nilalabas sa box dahil hindi niya kayang mawala iyon sa kanya. "Pambihira ang damot mo talaga kahit kailan Caleb."

"Bumili ka ng iyo akin lang to." Binasa niya ang nakasulat sa ibabaw ng cake na 'I love you' at muli na naman siyang nakaramdam ng guilt at sakit. Lalo na ng maalala ang mukha ng babaeng nagbigay niyon sa kanya, ilang araw na ba?

"Hindi na naman babalik ang may-ari niyan kaya kainin na natin iyan." Insist pa nito pero sinamaan lang niya ito ng tingin. He is really mad, galit nag alit na siya sa kanyang sarili. "At saka sa dami ng natanggap mon a cake na tinatapon mo lang kainin nalang natin iyan." Aagawin sana nito ang cake pero mabilis niya itong nailayo sa kaibigan.

"She loves me right?" wala sa sariling tanong niya dito habang nakatitig sa cake, habang nakatitig siya sa cake ay naalala na naman niya ang huling pagkikita nila ni Crischelle kung saan nasaktan talaga niya ito. Ano pa ang mukhang maihaharap niya sa babaeng mahal niya kung ganoon ang mga salitang nabitawan niya?

"She loves you halata naman iyon masyado kang pabebe at naisip mo pang pahirapan siya. Dude, babae si Crischelle she doesn't deserved to be treated the way you treated her." Alam niya iyon, alam niya ang nagawa niya. Nasaktan siya sa sariling ginagawa niya at alam din niya kung gaano siya kalaking tanga. "And she doesn't deserve to be hurt like that alam mo bang nakita ko siya sa bahay ni Georgette."

Agad siyang napatingin sa kausap niya. "She looks suicidal kahit na nakangiti pa siya at ikaw ang sumira sa babaeng iyon Caleb."

"Yeah and you fucked up," napatingin siya sa nagsalita na kapatid niya. Ilanga raw din siya nitong hindi pinapansin at naiintindihan niya iyon. May bitbit itong mga papel tapos ay ibinigay sa kanya. "Here."

"Ano ito?"

"Ipinapasauli ni Hexel." Kumunot ang noo niya at binasa ang laman ng papel, it's the exchange scheme of the group.

"Why?" takang tanong niya, humarap na siya sa ZBS para sana humingi ng permiso na ligawan niya si Crischelle. Ito iyong araw na narinig niya si Crischelle na nagtatapat ng damdamin sa babaeng tomboy na iyon. Iyon din ang araw biglang sumabog ang mundo niya at nawalan siya ng lakas. Talagang nasaktan siya ng mga oras na iyon kaya nga siguro noong sabihin ni Crischelle na mali ang narinig niya ay hindi siya naniwala, naging mahirap sa kanya ang maniwala at bigla siyang nakaramdam ng pagod. Bigla siyang naging manhid at dahil narin sa pagiging bulag at tanga niya kaya nasaktan niya si Crischelle.

"Basahin mo." May nakasulat sa ibabaw ng papel na malaking letrang DENIED.

"Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhan na tanong niya.

"No exchange policy Caleb, one chance per sister and you wasted yours. Confident na confident ka noong puntahan mo ang lungga namin at sabihin mong ipagkatiwala namin si C sa iyo pero anong ginawa mo sinayang mo kaya ayan. The sisterhood forever band you to get near with Crischelle."

Napatayo siya sa sinabi nito. "Hindi pwede!"

"Yes, pwede siya actually." May inilabas itong isa pang folder. "May isang article na lumabas tungkol sa amin Caleb, sabi sa article na kapag nakakuha ka ng isang member ng ZBS ay parang nakakuha ka rin ng isa genie at pwede kang mag-wish. Alam mob a kung paano mo makukuha iyon? Iyon ay kapag napaibig mo ang isa sa mga members, the member will grant you your wish and guess what, hiniling mo na hindi na siya magpakita sa iyo kaya hayan. We are granting you your wish."

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now