Chapter Three

90.6K 2K 233
                                    

Chapter Three


MAINGAT na inilapag niya ang dalagang bitbit niya sa kanyang mga braso, hindi niya inaalis ang tingin sa magandang mukha nito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay niya, ang mga kamay na gumawa ng katarantaduhan kanina. Habang papunta sila sa bahay niya ay napansin niyang tahimik lang ito kaya pala dahil nakatulog na pala ito.


Inalis niya ang ilang hibla ng mahabang buhok na nasa magandang mukha nito bago tuluyang kinumutan. Binuksan niya ang bintana at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa bahaging iyon ng katawan ni Crischelle. Hindi niya alam kung ilang oras din siyang nakatitig sa kamay niya basta ang alam niya ay may nagawa siyang masama.


It's not that he's innocent or something because he had done worst than that pero hindi minsan sumagi sa isip niya na gagawin niya iyon kay Crischelle at sa labas pa mismo. Naikuyom niya ang kanyang kamao ng biglang nagvibrate ang cellphone niya. Ayaw sana niyang pansinin iyon kahit na kanina pa iyon vibrate ng vibrate pero kailangan na niya iyong sagutin ngayon.


He sighed when he read the name on the screen before he answered it. "Heinz." Bungad niya sa nakakatandang kapatid ng babaeng nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama.


"How was it?"


Nagtagis ang kanyang bagang ng marinig na masayang-masaya ang boses nito na para bang nanalo ng lotto kahit hindi naman tumataya.


"Did you do it?"


"I'll kill you for this Heinz." Banta niya dito.


"Come on Caleb pareho nating alam na kahit na sinasabi mong ayaw mo pero ginagawa mo naman. Ganyan ka kabaliw sa kapatid ko, ano ang nangyari?"


"I saw her, she almost kissed a woman good thing I come on time." Hindi niya ito naringgan ng reaksyon na para bang hinahantay ang susunod na ikukwento niya. "I took a picture and blackmailed her."


Hindi na niya sinabi ang deal dahil wala naman sa pinag-usapan nila ni Heinz na gagawin niya ang bagay na iyon. Kaya nga galit siya sa kanyang sarili dahil lumabag siya sa pinag-usapan nila ng kapatid nito. Ang plano kasi nila ay itrap lang si Crischelle tapos ay takutin ito na isusumbong sa sorority dahil pareho nilang alam kung gaano kamahal nito ang mga members ng sorority.


When Heinz said that her sister is a lesbian hindi siya naniwala, Crischelle is an epitome of a modern lady. He always sees her wearing dresses and never even saw her wearing jeans. Kaya paano nito masasabing lesbian ang kapatid nito but his friend never lied to him lalo na pagdating kay Crischelle kaya pinasundan ni Heinz ang kapatid nito, he was shocked yes. Nagalit siya pakiramdam niya ay hindi tama hindi kasi bagay dito ang maging lesbian for God sake kung hindi lang siya nakapagtimpi kanina ay baka sinuntok na niya ang babaeng muntik ng halikan ang sa kanya.


Sinabi ni Heinz na kapag natrap na niya si Crischelle ay gawin niya ang lahat para mapaibig ito. Make her stay by his side, gawin niya ang lahat because this is a one chance for him to be near her.


Pero hindi sinabi ni Heinz na galawin niya si Crischelle. Hindi niya alam kung ano ang pumasok na kademonyohan sa isip niya kanina ng makita niya ito. Nang makita niya ito ay may nagtutulak sa kanya na hubaran ito at angkinin ng mga oras na iyon. Even now he can still feel her effect on him but he can wait.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now