Chapter Nine-B

70.7K 1.8K 109
                                    

Chapter Nine-B


"I WANT YOUR HELP."

Napatanga ang kanyang mga kaibigan sa kanya dahil sa biglaang pag-ipon niya sa mga ito. Ngayon lang kasi siya naging sobrang aggressive. Naiinis siya dahil ang tigas ng bungo ni Caleb dahil hindi man lang nito pinakinggan ang paliwanag niya. Nang sabihin niyang papatunayan niyang mahal niya ito ay basta nalang itong umalis sa harap niya.

As if naman susuko agad siya, hindi ngayon na alam na niyang mahal siya nito. Bakit niya sasayangin ang nararamdaman nito sa kanya gayong pareho naman pala sila ng nararamdaman. She just want to be with him just like the old times kahit hindi naman iyon gaano katagal.

"Kung makasigaw lang wagas?"

Biro ni Chloe, pinaningkitan niya ito ng mga mata dahil kamukha nito ang lalaking laman ng puso niya.

"Damn it! Damn it! Tulungan niyo ako."

Tumawa lang ang mga ito sa outburst niya. "Sa paanong paraan ka namin matutulungan mahal na prinsesa?" pang-aasar ni Karylle.

"Kay Caleb."

Natigilan ang mga ito at biglang napadako ang tingin sa iba't ibang bahagi ng conference room nila sa Little Devil. Para kasing may alam na ang mga ito.

"Don't tell me na alam niyo na?" paninigurado niya.

Nagtaas ng kamay si Zyrene. "Sister I'm sorry actually matagal ko ng alam plano kasi ito ni Heinz eh."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Zyrene. "Anong plano?"

"Alam kasi ni Heinz na gusto mong maging tomboy for life kaya kinausap niya si Caleb na gawin kang babae."

Pakiramdam niya ay may kumuha ng natitirang hangin sa puso niya sa sinabi ni Zyrene. Para kasing...

"Pero actually si Caleb ang nakiusap sa kuya mo na makipaglapit sa iyo. My brother loves you Crischelle, natotorpe lang siya. Sa kasamaang palad sa halip na magtapat agad sa iyo una niyang nalapitan ang kuya mo. Tapos si Heinz--."

"Tapos si hubby biniro si Caleb, sinabihan niya si Caleb na inorder to get you hindi siya pwedeng magtapat agad dahil baka matakot ka at bastedin moa gad siya." Her brother really knew her dahil kung totoong nagtapat agad si Caleb sa kanya noong mga panahon na akala niya ay babae ang gusto niya malamang basted na agad ito. Iba ang technique nito, kinuha nito ang loob niya ng pailalim.

"Totoo naman iyon." bumuntong-hininga siya mukhang kailangan na niyang magsabi ng totoo. It seems that falling in love with Caleb brings her enough courage to face everyone, to face her fear and to face everything even face herself.

"I would like to tell you something girls." Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa nagtatakang mukha ng mga kaibigan niya. "Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang initiation ko ay ang sumali sa Miss Winhlan?"

Sabay na umiling ang mga kaibigan niya at hindi namna nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Hindi niyo ba naitanong ng, 'Bakit ang dali ng initiation niya?' na kung tutuusin ako naman iyong sobrang makapal ang mukha hindi lang halata?"

Tumango naman ang mga ito na parang baliw. "Ang totoo niyang ang pagsali sa contest ang pinakamahirap na bahagi na napagdaanan ko sa buhay ko noong tumuntong na ako ng college. Bakit ko naman gugustuhing maglakad ng nakatwo piece sa harap ng maraming tao kung pwede naman akong manood ng mga babaeng may magagandang legs hindi ba?"

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now