Extra #1: MasterH's letter to Violet Dragonfly

73.5K 1.6K 74
                                    

Extra #1: MasterH's letter to Violet Dragonfly


Dear Violet Dragonfly,

Kung hahanapin moa ng isang dragonfly sa parang makakakita ka agad, sa unang tingin napaka-ordinary lang hindi ba? Parang hindi special kasi maraming katulad ng insektong iyon. Pero kung maghahanap ka ng kulay lila na tutubi mahihirapan kang talaga and that what makes you special my dear Crischelle.

I know from the start about your preference kaya nga ang ibinigay kong dare sa iyo ay medyo mahirap at labag na labag sa loob mo. Aminin ko man o hindi talagang natuwa ako sa ginawa ko, hindi naman ako sadista pero sayang kasi ang ganda mo at gusto kong marealized mong babae ka talaga.

Parang kailan lang noong mag-iwan ako ng letter sa locker mo, ngayon may bagong letter naman pero this time this is not a letter to recruit or something. This is a letter to inform you how blessed I am to have a sister like you in the sorority. Iyong sister na handang itago ang importanteng bagay lang para hindi masira ang buong samahan... I salute you for that. You are one of the youngest in the group and probably one of the toughest and I may say you passed the finally challenge and finally become a full pledge member of Zalpha Bri Sorority.

You proved to me na kaya mong magbago, na kahit nasaktan ka ay nagawa mong bumangon na hindi na kailangang lumayo pa. Kahit na napahiya ka ay taas-noong hinarap mo pa rin ang mga bagay-bagay. I really envy that characteristic of yours, it's so overwhelming and fascinating at the same time. Noong nalaman ko ang ginawa mo nagalit ako, I saw myself in you during tha time. Galit nag alit ako na gusto ko ng patayin si Caleb kung hindi lang talaga siya kapatid ni Chloe at kung hindi ko lang alam na mahal ka talaga niya.

I returned the 'exchange' thingy because I don't need it, kung kaligayahan moa ng kapalit ng bagay na iyon mas mabuting wala iyon. And then he asked for another chance, I told him to betray 'him' so he can get you. It's a test, isang test na naipasa niya. Sinabi niyang mahal na mahal ka niya pero hindi sagot ang pagtatraydor sa kaibigan para makuha ka niya. He gain my respect, naniniwala kasi akong ang taong hindi marunong magtraydor sa kaibigan ay kahit kailan hindi rin magtatangkang traydurin ang mahal niya sa buhay, he won't do the same mistake again of hurting you I assure you that.

Ang kwento mo na marahil ang isa sa naiiba sa mga kwentong nasaksihan ko sa mga sisters natin. Yoi were at your lowest and you managed to climb up the top and I think you deserve this kind of happiness. I want you to be happy, lima na sa inyo ay masaya na may apat pa akong bibigyan ng kaligayahan. Salamat Crischelle dahil tinuruan mo akong maging matapang na harapin muli ang mga anino mula sa aking nakaraan.

Malapit na... malapit na malapit na.

At sana maging matapang ka, darating ang panahon na kailangan ng mga kaibigan natin ng tulong sana hindi ka sumuko. Ikaw ang maging haligi nila, inaasahan kita sa bagay na ito C.

Thank you for being my sister, my friend, my angels and my savior. Thank you for showing me that revenge is not the answer of everything... not all the times.

Thank for everything.

Thank you very much.

Ma armastan sind mu ode

PS. Keep this letter a secret between the two of us.


FROM: MasterH


<<3 <<3 <<3

a/n: ang tagal ng update hahahaha... kaulayaw ko kasi si calculator at classrecord ngayon dahil alam niyo na iyong problema ng mga tulad ko 4 times per school year. Pwede na naman siyang electronic nalang, excel-based format ng class record pero ewan ko ba mas gusto ko pa ring gumamit ng pambobong calculator hindi siya scientific calc iyong lumang design ng calculator lang talaga, pwede ka kasi magshort cut ng percentage doon, naturuan ako ng techniqu kaya ayun iyon muna ang ginawa ko. Tapos nagletter cut pa ako para sa design ng classroom ko, pwede ko namang i-asa sa mga bata kaya lang sure akong hindi ako masasatisfy sa gawa nila kaya ako nalang mismo ang gumawa. Kaasar lnag minsan kasi pinaghirapan mong gawin pero sila kay dali lang na sirain ang gawa mo. 

Parang life lang iyan, pinaghirapan mong buuin pero sisirain lang din ng iba... ibang hugot na. Pero nainis pa rin ako kay lolanidora dahil pinipilit pa rin niyang ipakasal si Yaya Dub kay Frankie... ewwww.. mas bet ko pa rin ang #aldub kaysa sa #Yakie. Hahahaha.. affected much? Ang hinihintay ko talaga ay ang paghaharap nila yaya dub at alden sa personal., ay ewan. 

STATUS UPDATE: Nakakagutom ang sobrang lamig, nilagyan ko ng mainit na tubig ang ramyun na nabili sinubukan kong kainin at itinapon ko na kasi ang anghang! Huuuu! 

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon