Chapter Ten-D

94.4K 2.1K 111
                                    

Chapter Ten-D


"DALAWANG buwan na ang nakakalipas hindi ka pa rin ba nakakarecover?" tanong sa kanya ni Diana Rose ng samahan niya ito sa prenatal check-up nito dahil wala si Warren. Nagkaroon kasi ng biglaang problema sa isa sa branch ng Archers at kailangan muna nitong umalis. Dahil nga sa buntis si Diana kaya kahit na gusto nito ay hindi pumayag ang asawa nitong sumama at dahil nga sa prenatal check up nito kaya sa kanya ito nagpasama.

"Saan ako makakarecover?" patay-malisyang tanong niya. Sa dalawang buwan na nakakalipas ay mas lalo niyang nakilala ang sarili niya. Ang bago at tunay na siya, noon kasi para siyang nakakulong sa isang cocoon at noong mga panahon na iyon may pilit na humila sa kanya palabas sa cocoon na iyon kaya hindi siya naging fully developed. Naging dependent siya sa humila sa kanya kaya nga noong bitiwan siya nito ay saka pala niya nalaman na hindi pa siya nakakalipad, hindi pa malakas ang mga pakpak niya kaya bumagsak siya.

Sa mga panahon na bumagsak siya naging sandigan niya ang kanyang sarili, natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa at itaas ang kanyang mga pakpak. Unti-unti ay nakakalipad na siya, noong una mababa lang at bumabagsak pa siya. Pero kalaunan nakakalipad na siya ng mas mataas, bumabagsak pa rin siya hindi naman iyon pwedeng ikaila pero ngayon kapag bumabagsak siya kaya na niyang tumayo at lumipad muli.

It's the wonder of life, she's like a dragonfly indeed.

"Kay Caleb." Tinaasan lang niya ito ng kilay.

"I don't know what you are talking about."

"Ay sus, as if naman hindi ko alam na punong-puno pa rin iyang gallery mo ng mga pictures ng mga sulat niya. At saka alam na halos ng lahat iyang secret admirer mo na palaging nagpapadala ng mga letters sa iyo ng walang mintis, at may mga flowers pa and chocolates and stuff toys na nasa basurahan akala ng mga stuffs mo locker room mo na iyong basurahan kaya hindi na sila nagtangkang itapon iyon."

"I don't want to talk about it." Iwas niya sa topic, paano ba naman kasi ayaw na sana niyang pag-usapan si Caleb. Ang mga pinagagawa nito ang dahilan kung bakit hindi siya makamove on ng maayos, nakakaasar na ito.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nagpapalipad hangin lang ang ginagawa niya sa iyo?"

"Dahil guilty pa rin siya sa ginawa niya."

Tumawa lang ito. "Alam mo ba si Warren nasabihan na rin niya ako ng masakit, sa totoo lang hindi kami nagsimula sa ligawan at kung anu-ano pa. Katulad ninyo ni Caleb nagsimula din kami sa hindi maganda, blinack mail ako ng gagong iyon alam mo naman iyon. Hindi kami nagsimula sa mahal na namin ang isa't isa, sabi nga ni Hexel we are the slow couple kasi ramdam na namin ang sintomas pero hindi pa rin namin alam kung ano ang pakiramdam na nagmahal dahil pareho kaming hindi pa nagmahal. Kaya kahit na sinabi naming maging couple kami kahit walang exchange ng I love you's ay wala pa ring assurance na hindi kami masasaktan. Ganyan naman sa love, masasaktan ka at makakasakit ka. May naalala akong nagsabi sa akin, kapag nagmahal ka masasaktan at makakasakit kang talaga normal lang iyon."

"Halos ikamatay ko na ang sakit na naramdaman ko."

"Pero buhay ka ibig sabihin may rason kung bakit ka buhay ngayon, you are brave enough my dear. Kung nakayanan moa ng sakit na naranasan mo ngayon for sure marami ka pang makakayang harapin sa hinaharap." Tinapik siya nito. "Your father become your greatest fear, dahil sa ginawa niya ay naging matatakutin ka dahil ayaw mong maging katulad ka ng mommy mo. Nasaktan ka dahil hindi ka pinaniwalaan ng kapatid mo, at nasaksihan mo kung paano masira si Hexel ng dahil lang sa isang lalaki. Nakita mo kung paano siya nassaktan at nawala sa sarili na dumating na sa point na sirang-sira na siya at kahit sa isip ay hindi mo maiisip na mabubuo pa pala siya. Mas lalong lumaki ang takot mo dahil sa mga nasaksihan mo at ayaw mong maranasan ang naranasan nila. Itinago mo ang sarili mo sa amin at sa sarili mo mismo kaya nga hindi ko rin masisisi kung bakit iyon ang nagawa ni Caleb."

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon