Chapter One

107K 2.1K 148
                                    

Chapter One

Kung hindi lang siguro niya kailangang sumali sa isang sorority para sa kanyang extracurricular ay hindi niya kailanman gagawin ang bagay na ito. Ni hindi niya lubos maisip na magagawa niya ang kahindik-hindik na bagay na iyon for God sake! Mas gusto niyang panoorin ang mga babaeng naka-two piece na may mahahabang legs keysa sa siya mismo ang magsusuot ng two piece at rarampa sa harap ng maraming tao.

And what's worst!? Iyong kapatid niyang bugaw yata ay dinala pa ang mga kaibigan nito bilang suporta sa kanya. Bakit ba kasi naisip ng leader ng sorority na ganito ang i-dare sa kanya? Bakit hindi nalang iyong kumain ng bubog o kaya naman ay umiyak ng popcorn mas feel niyang gawin iyon keysa sa sumali sa isang tagisan ng pagandahan at pasexy-han at isa pa ang hindi niya maintindihan hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ng mga ito o hindi dahil sinabi sa sulat na kailangan niyang Manalo. Paano naman kaya mangyayari iyon kung siya mismo alam niyang wala siyang panama sa mga babaeng sasali sa contest.

Mas gusto pa rin niyang manood keysa panoorin at saka, mas gusto niyang kuhanin ang isa sa mga nagagandahang chicks sa contest at idate. Hindi naman niya itinatanggi sa sarili niya na iba ang tipo niya. Ayaw niya sa lalaki that's given, hindi niya maisip kung bakit maraming gustong makipagdate sa mga lalaki samantalang mas kaya naman nilang mga babae na pasayahin ang kanilang mga idinedate.

Kung bading iyan, isang babae na natrap sa katawan ng lalaki. Eh siya, lalaki siya na natrap sa katawan ng isang babaeng walang boobs.

"Ang gwapo talaga ni Caleb ano? Kakambal siya ni Chloe eh." Kumunot ang noo niya ng marinig niya ang kinikilig na boses ng babaeng kanina pa niya sinusulyapan ang legs. Naghahanda sila para sa swimsuit competition at nagkataon naman na ang babaeng katabi niya sa dressing room ay hindi man lang nagsuot ng roba, confident na ibalandra ang katawan nito. Kaya nga enjoy na enjoy ang mga mata niya.

"Si Chloe? Sa nursing department? Hindi ba freshman din iyon si Caleb ay second year college na yata iyon sa London. Nagbabakasyon lang kaya siya dito."

"Third year na si Caleb ano ka ba, third year na siya sa pasukan iyan ang nasagap kong balita. Si Chloe ay nagshift at lumipat dito sa school natin, alam mo naman na kapag lilipat ka dito balik freshman ka kahit na anong year ka pa."

"Really, sayang naman."

"Hindi naman nursing ang major ni Chloe sa previous school niya eh kaya okay lang. At saka mayaman naman sila kahit na ilang beses silang umulit ay okay lang dahil mababayaran nila ang tuition nila. Ang yaman kaya ng mga Santillan kapag napangasawa mo si Caleb for sure secure na ang future mo."

"Marami ka pang outfits." At ang dalawa tila kiniliti ng uod mula sa basurahan iyong kulay puti kung makakilig, wagas na wagas. "At pwede mo pa pang ipangdisplay kapag namamasyal ka."

"Kung ako ang magustuhan ni Caleb kahit na ibitin niya ako patiwarik ay magiging masaya ako." Tuluyan na siyang naturn off sa mga babaeng maganda ang legs. Nakakabuwisit lang, naiinis siya kapag lalaki ang pinag-uusapan. Buwisit talaga! At saka ano ba ang sinasabi nilang gwapo samantalang wala naman talagang gwapo, define gwapo? Gwapo is just a biglaang tingin moment, akala mo may hitsura pero nabulagan ka lang pala.

"Hi Miss." Bati sa kanya ng babaeng may maganda sanang legs. "Kilala mo ba si Caleb Santillan?"

"Nag-aaral ba iyan dito?" nakangiting tanong niya.

"Nope, all girls school ito eh."

"Hindi ko siya kilala hindi pala siya tagarito."

Sumimangot ang babae sa kanya. "Ang sungit mo naman akala naman nito." sabay irap sa kanya. She just rolled her eyes, naisip pa naman niyang maganda ito at pwede niyang pagpantasyahan tapos ang pangit pala. Define maganda, maganda is just biglaang tingin moment, akala mo may hitsura pero nabulagan ka lang pala. Legs lang nito ang maganda kapag pinapak ng maraming halimaw na lamok ay wala na itong panlaban.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Where stories live. Discover now