Chapter XXVI - One Sweet Day

Começar do início
                                    

“Bulaklak? Ah, idiniliver lang ‘yun dito kaninang umaga. Wala namang sinabi kung kanino galing. May card naman ‘yun ‘di ba? Wala bang nakasulat kung kanino galing?” Umiling ako. “Kung ganu’n, kanino kaya galing ‘yun?” Napaisip kami ni Manang kung kanino galing. Kanino nga ba?

Habang kumakain, kinuha ko ang diyaryo na nakapatong sa mesa. Wala kasi akong panahon manood ng T.V. kaya magbabasa na lang ako ng newspapers.

Hindi ko maintindihan kung bakit puro mga masasamang balita ang laman ng diyaryo. Ganito na ba talaga kagulo ang Pilipinas? Kung hindi tungkol sa mga samu’t saring krimen, puro political issues. Kaya hindi umaasenso ang bansa eh.

Ibinuklat ko ang Entertainment Section. Nagulat na lang ako ng bumulagtang ang pangalan ko.

“International Model/TV Host Kim Chiu, Pinaghihinalaang Buntis!”

Wow! Tignan mo nga naman, ang bilis kumalat ng balita. Tama nga ang sabi nila na may tenga ang lupa at may pakpak ang balita. Kahapon ko lang nga nakumpirma, tapos ngayon, widespread na. Hindi na ako magtataka. Ganito naman sa mundo ng showbiz eh. Hahanap at hahanap sila ng pwede maibalita tungkol sa’yo. Kasabay ng pagkalat ng balita ay ang dahan-dahang pagkasira ng career ko. I love my job. I certainly do. Kaya natatakot ako sa magiging epekto nito. Hindi ko pa nakakausap ang mga big bosses ko tungkol dito. Hindi pa rin nagsasalita si Ate Sandra.

Kahit legal akong magdalang-tao, pakiramdam ko, hindi pa rin pwede dahil nga sa kontratang pinirmahan ko. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang gusot na ‘to. Bahala na. Siguro, gagawin ko na lang kung ano ang sa tingin ko ang makakabuti sa akin.

Ibinaba ko ang tingin ko sa ilalim na bahagi ng pahayagan. Kita ang mga litratong kuha kahapon habang nasa mall kami ni Xian na namimili. Paparazzi shots. Nakakainis. For sure, marami na namang tatawag na media sa akin upang hingin ang pahayag ko tungkol dito. Somehow, I need some privacy lalo pa’t may asawa na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maibigay ng media ang konteng privacy na hinihingi ko. May iilang kuha rin nu’ng nasa hospital kami. Nakatalikod kami ni Xian at magkahawak ang kamay. Hindi ko alam na may sumusunod pala sa akin. Oh well.

Malamang, sa oras na ito, alam na ni Ate Sandra ang pagbubuntis ko kahit wala pa namang confirmation from me and Xian. Natatakot ako sa maaaring reaksyon niya tungkol dito. I know that she’ll be upset lalo pa at ako ang pinakapaborito niyang alaga.

Tumayo ako sa hapagkainan kahit hindi pa naman ako tapos kumain. Umakyat ako sa kwarto namin at humiga. Nawalan ako bigla ng gana. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Pero nang dahil sa sinabi sa akin ni Xian kagabi na hindi niya ako hahayaang solohin ang problema ko, bigla akong nabuhayan ng loob. It’s good to know that someone is willing to be with you through good times or bad.

May kumatok sa pintuan. I bet it’s Manang Cecile.

“Ah hija, pasensya na sa istorbo. Nasa kabilang linya si Steph, best friend mo raw. Gusto ka niyang makausap.” Kinuha ko kay Manang ang telepono at nagpasalamat. Ano na naman kaya ang kailangan nitong si Steph?

“Hello?”

(HOY BABAE! Ang sama-sama mo! Huhuhu!)

“Oh, napatawag ka? Tsaka teka nga, bakit ka ba sumisigaw? Kung makasigaw ka, parang wala kang sakit ah!”

(Hindi na tayo kampi!)

“Hoy Panyang! Ano na namang kadramahan ‘yan?!”

(EEEEEWWWW! Stop calling me Panyang! It’s Stephanie! Not StePANYANG! Anyway, ano ‘tong napanood ko kanina sa T.V. na buntis ka na raw? Aba! Aba! Na-ospital lang ako, wala na akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa’yo. Kung hindi ko pa binuksan ang T.V., hindi ko pa malalaman!)

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora