Chapter 50 - Talk of Responsibilities

Start from the beginning
                                    

" Bakit ito ang napunta sa akin ha? Alam mo namang di ako ganon katalino para gawin lahat yun. Isipin mo nga! Simula 1st year to 4th year gagawan ko ng quiz bee questions! " Bulyaw ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinignan ang parte na inirereklamo ko. Agad na kumunot ang noo niya.

" Huwag ka ngang mag-inarte dyan! Gawin mo muna bago ka magreklamo! Ano gusto mo? Palit tayo ng gagawin?! Kapag binigay ko ang part ko sayo, sigurado akong hindi mo magagawa yun! "

Paano naman kasi lahat ng quiz bee per year level ako ang gagawa ng mga questionnaires. Come to think of it na hindi din ako ganun katalino! Kahit na may kaharap akong mga libro sa paggawa niyan, mahihirapan pa din ako!

Medyo tumataas na ang pananalita at nagagawa na niya akong laitin. Ano bang part ang mga gagawin niya sa B. A Week?

Agad kong tinignan ang papel na hawak ko at mas lalong nagulat ako sa nabasa ko!

Gagawin lang naman niya ang printing ng tarpaulin, certificates, programs at mga questionnaires na gagawin ko. Siya rin ang gagawa ng mga posters na ipapaskil by 1st week of November ayon na din sa nakasulat dito sa papel. Tapos ako magrereklamo ng ganun kung alam ko lang na madami pala siya gagawin! Dapat nga maawa ako sa kanya dahil siya ang pinakabusy pero kung tutuusin ayos lang yan! Parusa niya sa sarili niya dahil mas inuuna niya si Nicole Anne kesa sakin!! -__-

* ting *

Biglang umilaw ang utak ko. May biglang pumasok na ideya. Alam kong gagana to! Alam kong makakaganti na ako sa kanya sa pananakit na ginawa niya sa akin! (~~,)

" Ahm. . Daniel? " Tawag ko sa kanya. Hawak hawak niya ang ibang mga papel. Mga draft ng design ng certificate at tarpaulin. Agad naman siyang lumingon sa akin.

" Di ba ako gagawa ng mga tanong sa quiz bee? "

" Tapos? " Seryosong tanong niya sa akin

" Ako na din ang magpapaprint nun para mabawasan na ang gagawin mo at tutukan mo na lang yang mga ipapaprint na advertisements for B.A Week. " Nakangiting sabi ko sa kanya.

Sana pumayag ka, Daniel !! Sabi ng utak ko habang nag-cross finger ako na hindi ko naman pinahalata sa kanya.

Gusto ko din maramdaman na makakagamit ako ng pondo dahil lahat ng accounting subjects na available ngayong trimester ang gagawin ko at ayon sa pagkakalagay sa papel, 10 subjects ang gagawan ng tanong at 20 questions each. Kaya alam ko, kailangan ko ng pondo pampaprint.

Matagal bago siya nakasagot. Mukhang pinag-iisipan pa talaga niya ah! Hmp!

" Buti naisip mo yan! Sige! Dahil ideya mo yan, ikaw ang gumawa pati na rin ang score sheets. "

Lumapad ang ngiti ko. Yes! Pumayag siya! Nadagdagan man ang gagawin ko, makakahawak ako ng pondo kahit na 10% lang nito!

Dinukot naman niya mula sa bulsa ang wallet niya at naglabas ng pera. Inabutan niya ako ng isang libo. Sobra sobra pa ito kung tutuusin!

" Next week ko na kailangan ang mga print outs! Iwasan muna anj makipagdate kay Nicko pati ang pagsama sama don! Unahin mo muna ang mga pinapagawa ko bago ang iba! Naintindihan mo ba?! " May halong galit ang pagkakasabi niyang iyon. Tumango ako bilang tugon pero biglang tumaas ang kilay ko at nagulat na din at halatang naiinis pa din siya sa nangyari kanina.

Heto na ang pagkakataong hinihintay ko! Hindi kami nakapag-usap kanina dahil nagbangayan sila ni Nicko at sa kagustuhan ko din na huwag muna siya kausapin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

" Ano kala mo sa akin?! Uunahin ang pakikipagharutan kesa sa importanteng bagay?! Huwag mo nga ko itulad sayo na sa harap pa ng liniligawan mo nakikipagharutan ! Mahiya ka nga, Daniel !! " Bulyaw ko sa kanya. Lalong nagsalubong ang kilay at galit na talaga siya.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now