Chapter Seven

Beginne am Anfang
                                    

"Natatakot ako."

Pumalatak ito. "Ikaw? Natatakot?"

"Bakit impossible bang makaramdam ako ng takot Caleb? Kahit sabihin na natin na nalilito kung ano talaga ako, basehan ba ng kasarian ng tao ang karapatan niyang matakot? Mapababae man o lalaki, bakla man o tulad ko tao lang din naman kami. Natatakot din ako, natatakot ako na baka kapag may nagawa akong masama sa iyo, na kapag isang beses kong hindi sinunod ang gusto mo ay isisiwalat mo iyong picture na iyon. I am scared when I already knew that my friends will condemned me when they'll know who really I am. Natatakot akong mawala sila sa akin they are all I have now."

Kahit na nanlalagkit ang mga kamay niya sa frosting ay nagamit niya iyon para punasan ang luha niya.

"Come here." Naramdaman niya ang masuyong pagdampi ng malambot na bagay sa mukha niya. "I was just joking Crischelle," pinunasan nito ang luha sa pisngi iya at pati na rin ang nanlalagkit na icing sa mukha niya. He did it gently that all she could do is to stare at his handsome face. "Huwag kang iiyak I am sorry." Hinagkan nito ang tungki ng ilong niya. Nang makita ang hitsura niya ay napabuntong-hininga ito. "Let's get you clean."

Nanlaki ang mga mata niya sa suhestiyon nito, iba kasi ang dating sa kanya kapag sinasabi nitong 'Let's get you clean'.

"Ayoko."

"Alam kong pagod ka kaya hindi muna natin gagawin iyon, I just want to clean you. Maraming icing na kumapit sa balat mo paano kung mapagtripan ka ng mga langgam at papakin ka nila ano sila sinuswerte? Ako lang ay may karapatan na papakin ka." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"You don't own me Caleb."

"Baby bear, daddy bear already owns you a long time ago. Hindi mo palang nadidiscover pero alam kong alam mo na kung ano talaga ako sa buhay mo." Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito at bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. "Let's go before they got busy." At nagpatianod nalang din siya sa kung saan siya nito dalhin.




NAPAPITLAG siya ng biglang magring ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon at saka inaccept ang call. She knew the number kahit na walang name na nakaregister doon. Isang tao lang naman ang kilala niya na tumatawag na iba-iba ang number.

"Hexel." Bati niya sa kaibigan na nasa kabilang linya.

"How's the wedding?" magiliw na tanong nito sa kanya, naririnig niya ang pagtipa nito sa kabilang linya kaya alam niyang may ginagawa ito. Siya naman ay tiningnan ang buong paligid, tiningnan niya ang masayang deck ng cruise ship na napapalamutian ng mga disenyong pangkasal na ang theme ay white and yellow, it's a very nice shade of yellow. Hindi masakit sa mata, hindi rin patay ang kulay, Ainsley did her job very well.

"It's very nice, Ainsley did the job very well." Aniya dito.

"Is she happy?"

"Chloe?"

"Yup." Hinanap ng mga mata niya si Chloe na masayang kasama si Rye at kausap ang mga magulang nito at si Caleb. Bakit napakadaling mahanap ni Caleb?

"She's happy, very happy."

"Good, I am happy to hear that." Bakas sa boses nito ang saya. She doesn't know how did Hexel managed to be okay after what happened to her. Kung siya ang nasa kalagayan nito malamang hindi na rin niya kayanin na mabuhay pa kaya nga bilib na bilib siya dito. It's very rare to knew someone who can carry all the baggage and live up to now.

Hindi niya kayang gawin ang nagawa nito, Hexel lost everything. Kung iisipin mong mabuti nawala talaga lahat dito. Kung hindi nila ito naligtas sa tamang oras baka pati buhay nito ay nawala na rin, during that time Hexel was barely hanging. Kung sa math pa, sa one hundred percent na buhay na meron ang isang tao ang kay Hexel ay iyong 0.001 percent nalang ang natira.

ZBS#5: Violet Dragonfly's Sweet Kisses (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt