Chapter 31 - Vigan-Pagudpud

Start from the beginning
                                    

Nagtawanan kami tapos inasar-asar nila si Janella. Ako naman nakasmile lang, Psh! Sanay na ako sa mga nagkakacrush kay Daniel ‘no!

“Nakakahiya kay Kath!” narinig kong bulong niya sa tatlo

“No, it’s okay!” bawi ko naman tapos hinawakan ko yung kamay niya

Nagsmile ulit siya saakin, “Thanks”


After that wala nang ilangan. Lumalabas na yung mga tunay na kulay namin, mga red horse din pala yung mga yun. Ang lakas ng sipa!

“Nako Kath! Ingatan mo ‘yang boyfriend mo! Pag talaga pinabayaan mo yan, aagawin ko yan!” biro niya saakin

Nagbelat ako, “Sorry ka na lang, hawak ko na puso niya!”


Nanlaki yung mga mata niya, “Oh my gee! Paano ko nasobrahan yung higpit ng hawak mo? Edi nahirapan magbeat yun, baka mamatay siya!!”


“oh di heart mo na lang hahawakan ko, para Masaya!”


Nag made face siya. Pero biruan lang saaming lima yun. Inabot kami ng 11pm sa pagkekwentuhan, ang dadaldal kase nila eh. mga pinaglihi kay Talking tom! Nung medyo inaantok na kami, pumasok na sila sa kwarto ng girls. Nagpaiwan muna ako, ichcheck ko lang si Dj, I heard kase na may balak silang mag-inuman. Baka mapano yun, tanga pa naman yun!

“Oh kath” nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko, “bat gising ka pa?”


“Ah, I’m just checking kung okay lang si Daniel” sagot ko kay Sed

“Naks, loving and caring girlfriend! Just like my Anikka!” inakbayan niya ako at tinawag si Daniel, “Brader! Hanap ka na ng girlfriend mo oh!”


Pero hindi niya narinig. Mukha naman okay lang siya kaya kampante na ako, “Sige okay lang. thank you, sed” sabi ko na lang at bumalik na si Sed sa pwesto nila. pupunta na sana ako sa kwarto ng girls pero narinig kong nagsalita si Daniel, hindi naman ganun kalakas pero tama lang para marinig ko.

“Gago, ayoko na!” napakamot nanaman ako ng ulo. Minsan lang kase magmura yan, “Tama na, anjan si Kath. Di ako pwede malasing. Walang magpoprotekta sakanya!”


Napangiti ako sa sinabi niya kaya naman kampante na talaga akong makakatulog ngayong gabi. Pagpasok ko sa girls room, tulog na sila.kaya natulog na rin ako, tumabi na lang ako kay Liza wala kasi siyang katabi eh

***

The next day, maaga akong ginising ni Daniel. Kailangan na daw kase naming umalis. Dahil tulog pa ang mga girls hindi na ako nakapag-paalam, kaya nag iwan na lang ako ng note. 6am pa lang pero madami nang tao dito. Para ngang wala ka sa Pilipinas kase ang daming taong hilaw.

My Yaya's DaughterWhere stories live. Discover now