Chapter 31 - Vigan-Pagudpud

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hello” sabi naman ni Kath sakanila

Pumasok na kami sa bahay nila. actually rest house ‘to nila Sed. Nagbabakasyon lang din sila, sakto namang kami din ni Kath.

Pagkapasok namin sa loob may tatlong babae. Wag niyong sabihing nakabingwit na ‘tong tatlong itlog na ‘to?! eh ang totorpe ng mga ‘to eh!

“Brader, sino yang mga yan?” bulong ko kay Lester, “nakapang-gayuma ka na ba?” biro ko

“Gago!” bulong din niya saakin, “Kaibigan lang yan ni Anikka!”


Napatango naman ako, solid pa rin pala si Sed at si Anikka. Sa pagkakatanda ko Elementary kami nung naging sila eh, tapos hanggang ngayon paggraduate ng high school sila pa din!

Puro kwentuhan lang ang ginawa namin magdamag. Syempre may konting inuman. Yung mga babae naman may sariling mundo, girls talk daw. buti nga comfortable na si Kath sakanila eh, akala mo ilang taon nang magkakilala kung makapagchikahan. Mga babae talaga.

*Kath’s POV*


“Hi! Kath, right?” tanong saakin nung babaeng maganda tapos wavy yung hair.

Nagnod naman ako, “Yeah! And you’re?”


“Anikka, sed’s girlfriend” tapos nagshake hands kami, “And these are my friends Liza, Janella, and Julia”


“Hello, nice to meet you” sabi ko sakanila

“You’re so pretty! No wonder nagustuhan ka ni Daniel!” sabi nung Liza

“I agree! A true Filipina beauty!” sabi naman nung Julia

Nakita kong nagsmile lang saakin si Janella tapos yumuko na siya. Pero nevermind! Masayang kausap ‘tong apat na ‘to. kung titignan mo parang ang tataas ng pagkatao nila, pero kapag nakausap mo na normal lang. tapos ang bilis namin naging comfortable sa isa’t isa.

“Janella, okay lang yan” tapos hinaplos ni Liza yung likod niya, “There’s so many fish in the sea!” tapos nagtawanan kami

Tinignan ulit ako ni Janella tapos nagsmile lang siya. Kaya naman nabatukan siya ni Julia. Nagpout naman siya at hinaplos yung batok niya. Ang cute rin niya!

“Hay nako, Kath!” parangstress na stress na sabi ni Anikka, “Pagpasensyahan mo na si Janella, super duper ultra mega crush kasi niya si Daniel!”


“Heeey!” sawakas narinig ko rin ang boses ni Janella!

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon