Chapter 38: Christmas Ball

Start from the beginning
                                    

Kahit sabihin ni Mhie na ieenjoy ko lang ang araw na ito at kalimutan siya, mahirap parin para sa aking gawin. lalo na kanina ng makita ko siya.. Nakawhite suit siya at bagay na bagay sakanya yung damit nya. Pati ang pagkakaayos ng buhok nya. Iniwasan kong magkatinginan kami or makita man lang nya ako. sana katulad nalang dati.. walang pakielamanan....

Tahimik... walang tao.. dito ako nararapat. Yung walang nakakita sa akin, walang nakakapansin.. walang nakakaalam sa nararamdaman ko ngayon.

Naglalakad lakad ako ngayon hanggang sa mapunta ako sa lugar kung saan nag-simula ang lahat....

Sa bench.

Naaalala ko yung lahat, yung court kung saan siya naglalaro habang ako nakaupo lang dito at tinatanaw siya...dito rin yung unang beses ko siyang nakausap ng matagal.. yung tinanong nya ako kung pwede bang manligaw..yung every lunch or may free time dito kami madalas tumambay kasama ng iba...nung birthday ko ito rin ang pinili nyang place.. Ang lugar na ito ang naging saksi kung paano ako naging masaya.. nakaramdam ng bagong pagmamahal.. naranasan yung feeling na mainlove.. at heto ako ngayon, lumuluha dahil sa taong mahal ko... sa lalaking pinaasa lang ako.

"Dito nalang tayo..

"Wag dito mamaya may makakita pa sa atin!"

"tss. hindi yan!"

naaninag ko yung apat na lalaking papalapit. Hindi siguro nila napansing andito ako.

Pinunasan ko agad yung luha ko at tumayo para lapitan sila.

"Hoy! anong gagawin nyo!?!"

"Sht! may tao!"

"Si...si... A-Ashley yan.. yung Vice President!"

"malalagot tayo pre! nangbugbog yan eh!"

"Tungek ka ba! Babae yan, apat tayo!

nak ng tipaklong yan. parang hindi ko naririnig sinasabi nila. Psh..

"Excuse me.. pakilakasan nyo pa.. hindi ko naririnig eh!"

naglakad pa ako para makita sila.. pero napahinto ako ng makita kung ano yung hawak nila…….

*******

VINCE's POV

"Pag-isipan nyong mabuti. maganda ang opportunity na ito sa inyo.. kung ako sa inyo iggrab ko na. Minsan lang yan at bibihira ang nakakatanggap."

"sige po Sir, pag-iisipan po namin"

"sige, coach!"

Nagpaalam na kami at bumaba na agad. Nagkakasiyahan yung lahat. Nakakabingi na nga yung tugtog, sobrang dami pa ng tao. Hindi ko alam kung na saan siya ngayon.

Psh. badtrip! Kung tutuusin wala naman talaga akong balak  pumunta kung hindi lang dahil sakanya. Tumawag pa sa akin si Tita kagabi para lang sabihing tignan tignan ko si Ashley. Alam narin nyang hindi kami nag-uusp, matagal narin naman din nilang alam na hindi lang bestfriend tingin ko kay Ashley. Pero ako lang daw talaga kilala nilang magbabantay kay Ashley.. mag-aalaga ngayon. Pero asan na nga ba siya? Pinatingin ko siya kay Lawrence sandali dahil bigla kaming tinawag ni Sir Edward...wrong timing naman..! psh. Pwede namang next time nalang nya sabihin, hindi rin naman ako interesado. 

Asan na ba si Lawrence?! tokwa yun! psh.

"Vince, Tol...yung kay Ashley.. Tulungan mo naman akong makausap man lang sya"

"Alam mo yung ugali nya, wala akong magagawa dyan."

"Please Vince, ayokong mawala sya sa akin...."

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now