19

1 0 0
                                    

Nag-alarm ang orasan ni Giovanni saktong alas siyete ng umaga kinabukasan.

Pinukpok niya ito para tumigil sa pag-iingay.

"Darling, wala pa tayong pang-almusal. Bumangon 'ka na!" Niyugyog ni Cyan ang asawa para idilat na nito ang mga mata.

"Mamaya na, hmm?" Hinili siya ni Giovanni saka mahigpit na yumakap sa bewang niya.

Ang mukha ng lalaki ay tumatama sa leeg ni Cyan at nakikili siya roon.

"Giov!"

Naglandas ang mga labi ng lalaki sa leeg ni Cyan. Sumisimsim, humahalik at nang-aakit. Ang mga kamay nito ay nanatili sa bewang niya, halatang nagtitimpi.

"Nakikiliti ako!" Muling sigaw ni Cyan.

Idinikit ni Giovanni ang pang ibabang katawan sa asawa saka niya kinubkob ang labi nito--mabagal, mapanuyo at may pananabik sa bawat dami ng labi.

Wala ng nagawa si Cyan kundi bumigay sa pangangailan ng asawa. Gusto rin naman niya...

Muling nakatulog ang dalawa pagkapos ng isang nag-aalab na pagsasanib ng kanilang mga katawan.

Alas diyes ng umaga ng magising ang dalawa sa sunod sunod na tunog ng cellphone ni Giovanni.

Si Cyan ang umabot ng cellphone sa gilid ng bedside table, malapit kay Giovanni.

Binasa niya ang isa sa mga text.

From unknown:

Bakit hindi mo sinasagot ang tawag?
Nasunog ang bahay-kubo! Kasalukuyan pang inaapula ang sunog!

Nabitawan ni Cyan ang cellphone, tumama iyon sa matigas na dibdib ni Giovanni--kaya nagising ang huli.

Mabilis na binasa ni Giovanni ang text. Pagkatapos ay sunod sunod na ang mga taong pinagtatawagan niya.

Si Cyan ay nanatiling nakatulala at nakatingin sa labas ng balkonahe. Hindi ito umiimik. Wala ring bakas ng pagluha o kahit anong emosyon sa mga mata nito. Nanginginig ang mga daliri niya sa magkabilang kamay.

"Fuck!" Ibinato ni Giovanni ang cellphone saka niyakap ang asawa.

"A-ano'ng nangyari? S-s-sino ang nasunugan, Giov?!"

"I'm sorry... I'm really, sorry, Cyan. Si tatay Azure, nasa ospital. Kritikal ang lagay niya. M-may bangkay ng babae na nakita sa labas ng kubo, hindi pa natutukoy kung sino--"

Napailing si Cyan. "Hindi 'yon si Magenta! Hindi pwedeng mamatay ang kapatid 'ko!" Garalgal ng nagsasalita si Cyan.

"Nagpapaimbestiga na ako, sa mga tauhan ni Papa--"

Biglang tumayo si Cyan sa gilid ng kama, nanlilisik ang mga mata saka humalakhak. "Hindi mo pa rin ba naiisip na ang Papa mo ang may pakana ng lahat ng 'to? Tapos sa tauhan niya pa, iyon pa ang inutusan mong mag-imbestiga? No'ng una pa lang, kontra na 'kong pumunta tayo rito. Sabi mo may plano ka! Na naiayos mo na bago tayo nagbyahe! Tapos ganito? Masamang balita pa ang makakarating sa'kin? Dapat pala hindi na 'ko pumayag na magpakasal sayo! Nagpakalayo layo na lang sana kami ng pamilya 'ko, kung alam 'ko lqng na ganito ang mangyayari!" Tinalikuran ni Cyan ang asawa saka dumiretso sa banyo.

Naiwang natitigilan si Giovanni sa sinabi ni Cyan. Sinabunutan niya ang sariling buhok.

Aminado naman si Giovanno na alam niyang hindi isang daang porsiyento ang magiging resulta ng plano niya. Hindi rin niya naisip ang magiging hakbang ng Papa niya!

"Damn it, Giovan! Kinasusuklaman 'kong ikaw pa naging ama 'ko!"

Nagmamadaling nagbihis si Giovanni. Ginamit niya ang telepono sa kabilang kwarto para tumawag sa Lawfirm nila na pupunta siya doon.

Malungkot na lumabas ng kwarto si Giovanni pagkatapos makatawag.

Ang inakala niya, magiging masaya ang pagsasama nila ngunit mali siya. Hindi niya akalain na dahil sa kasamaan ng tatay niya ay maagang magkakalamat ang relasyon nilang mag-asawa.

Kinuha ni Giovanni ang notebook niya sa bed side table at ang ballpen na souvenir ng L&L Lawfirm.

I'll fix everything, I promise. I'll be back as soon as I can.

Itinupi niya iyon sa apat para mailagay niya ang credit card doon saka iniipit sa magnet sa harapan ng ref bago siya lumabas ng bahay.

*****

Hindi alam ni Cyan kung ilang oras siyang umiyak at nagmukmok sa loob ng banyo.

Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya sa gutom ay hindi siya maghihilamos at mag-aayos ng sarili.

Pagkalabas ng banyo ay agad niya ring pinagsisihan ang mga salitang binitiwan niya sa asawa.

Alam naman ni Cyan na hindi perpekto ang planong sinabi sa kanya ng asawa kaya hindi niya dapat ito sinisi.

Agad niyang hinanap si Giovanni sa kwarto ngunit wala na ito. Tumakbo siya sa dreesing room, wala rin ito roon. Wala rin sa balkonahe...

Muling tumulo ang mga luha sa pisngi ni Cyan.

Iniwan na ba ako ni Giovanni?

Masyaso ba siyang nasaktan sa mga sinabi 'ko kaya niya ako iniwan?

Babalik pa ba siya?

Muling sumakit ang tiyan ng dalaga dahil gutom na siya.

Mabagal at walang buhay na naglakad pabalik sa kusina si Cyan. Nagsalang siya ng tubig sa rice cooker at nagpasyang kumain na lang muna ng noodles.

Sweet and spicy ang pinili niyang kunin.

Kahit hindi pa kumukulo ang tubig ay inilagay na niya roon ang tatlong pack ng noodles.

Nang kumulo na ay inilagay na niya ang seasoning, hindi na tinanggal ang kakaunting tubig na natira sa paglalaga. Hindi na rin niya isinalin sa mangkok ang noodles. Bagkus ay dinala na niya ang buong rice cooker at ipinatong ito sa carpeted floor.

Muling bumalik si Cyan sa banyo saka isinuot ang roba bago niya binuksan ang pintuan sa balkonahe. Binitbit niya ang rice cooker saka ipinatong sa lamesa sa labas.

"Mabuti pa ang lugar na 'to, mukhang tahimik at walang problema..."

Muling tumulo ang mga luha sa pisngi ni Cyan.

Dala ng gutom at sari saring emosyon ay pinilit niya ang sarili na sumubo ng pancit canton.

Hindi niya alam kung dahil ba sa luha niya kaya maalat ang kinakain niya o dahil talagang maalat ang pancit canton.

Gayunpaman ay ipinagpatuloy lang niya ang pagkain.

Malamig ang simoy ng hangin doon kaya kahit papa'no ay nakalimutan ni Cyan ang problema.

Hindi niya nga lang alam kung paano haharapin ang asawa sa pag-uwi nito.

Sasalubungin ba niya ng nakangiti?

Hindi niya papansinin?

O aasikasuhin niya pa rin?

Nakakapangalahati na si Cyan sa pancit canton ng may mag-doorbell.

Kung si Giovanni iyon ay hindi na magdo-doorbell.

Hinayaan niya lang iyon.

Nagpalipas pa si Cyan ng tatlumpung minuto bago binuksan ang pinto.

Isang paperbag ang nakita niya.

Kinuha ni Cyan ang paperbag at ipinasok sa loob.

May note doon. Sulat kamay.

Eat this for the mean time. I don't know what time I'll be home.
-Giovanni

Hindi na nag-inarte si Cyan. Kinain na niya ang nasa paperbag na fried chicken at garlic fried rice.

Babawi na lang siya sa asawa pagkauwi nito.

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now