4

1 0 0
                                    

Nagmamadaling umakyat pabalik sa opisina ng ama si Giovanni Guillermo.

Nakita niya kung paanong natakot ang babaeng nanggaling sa opisina ng ama kaya hindi niya napigilan ang sarili na komprontahin ito.

Kasalukuyang nakatayo sa harap ng maliit na bintana ang ama, paharap sa pilahan ng mga tricycle habang may kausap sa cellphone nito.

"Itigil mo na ang pagmamanman sa mag-aama. Nakuha 'ko na ang gusto 'ko sa kanila. H'wag mong kakalimutan na imbitado ka sa kasal--" Bigla itong humarap dahil narinig ang pagbukas sara ng pintuan. "Sa susunod na tayo ulit mag-usap. May dumating akong bisita." Saka nito pinatay ang tawag.

"Papa! Ano na naman ang ginawa mo? Wala ka ba talagang pinipili ng taong inaagrabyado? Pati babae?"

"Hindi 'ko alam ang sinasabi mo, Giovanni. At kailan ka pa dumating? Sakto ang pag-uwi mo dahil nakapili na 'ko ng mapapangasawa mo." Nakangiting sinalubong siya ng yakap ng ama.

Tinanggal ni Giovanni ang yakap ng ama. "Ano'ng mapapangasawa, Papa?! Sinabi 'ko ng hindi ako papayag! Ikaw lang naman ang makikinabang--"

Masama ang tingin na ipinukol ni Giovan sa anak bago ito naupo sa pang-isahang leather na upuan.

"Makikinabang ka rin naman sa mga plano 'ko, anak. Ikaw ang susunod na magmamana ng posisyon ko! Sa inyo ng mga kapatid mo mapupunta ang lahat ng yaman at impluwensya 'ko."

"Ilang beses 'ko ng sinabi na hindi ako papasok sa pagkapolitiko, Papa! Baka nakakalimutan mong ang matalik mong karibal sa politika ang nang-ambush sa sasakyan nila Mama noon?"

Tumigas ang panga ni Giovan dahil sa sinabi ng anak.

"Kaya nga ngayon pa lang, tinitipon 'ko na ang lahat ng mga tao ko! Para hindi na muling mangyari iyon--"

"I don't think so, Papa. Mangyayari at mangyayari pa rin iyan. Ang politika ang papatay sayo, kahit magpustahan pa tayo!"

"Kahit anong sabihin mo, Giovanni, wala kang magagawa kundi sumunod sa'kin! Magpapakasal ka sa napili 'kong babae at hindi magbabago iyon!"

"At pa'no kung hindi ako sumunod sa'yo, Papa? Ipapapatay mo rin ba 'ko?"

Mariing pumikit si Giovan bago gigil na nagsalita, "Kung hindi ka titigil sa kung anu-anong sinasabi mo ay baka gawin ko nga! Wag mong sabihing anak kita!"

Kuyom ang mga kamao na nagmartsa palabas ng opisina si Giovanni.

Kahit noon pa ay tutol na ang Mama Marcela nila sa pagpasok sa politika ng ama nila.

Palibhasa galing rin sa politikal na pamilya ang Mama nila kaya nahikayat ng lolo Marcelino--ang tatay ni Marcela--na pumasok rin sa politika ang ama niya.

At ngayon nga ay idadamay pa sila. Siguradong kapag hindi siya pumayag na magpakasal sa kung sino mang babaeng napili nito ay ang kapatid naman niya ang iipitin ng ama.

Hindi makakayanan ni Giovanni na madawit sa maduming kalakaran sa politika ang mga kapatid niyang sina Gio at Gelo.

Simula noong na-ambush ang sasakyan ng tatay niya--na si Marcela ang nakasakay kasama ang best friend at ninang niyang si Antonina--ay sinisi niya ang ama.

Hindi niya alam kung totoong ang kalaban nito sa politika ang may pakana ng ambush ngunit sa malamang nga ay ganon ang nangyari.

Sobrang sama ng loob ang bumalot sa pagkatao niya at ipinangako niya sa Ina na kahit anong mangyari ay pipilitin niyang wakasan ang politikal na karera ng ama.

Base kasi sa kwento ng Mama Marcela niya ay hindi naman daw ganoon ang ugali ng ama. Nagbago lang raw ito noong napasok sa maruming kalakaran ng politika.

Dumiretso si Guovanni sa bahay nila--ang bahay na ipinamana ng lolo Marcelino noong nagpakasal ang mga magulang nila.

Kita ang karangyaan ng bahay. Ginto ang pintura sa labas na gate. Nakahilera ang mga mamahaling bulaklak sa pathway ng sasakyan hanggang sa matutumbok nitong pangalawang gate. Nasa tatlong libong metro kwadrado ang buong sukat niyon.

Mula sa malaking chandelier sa sala, mamahaling mga sofa, salaming lamesa, sa mga kabinet, kubyertos at kahit saang sulok ng bahay ay kita ang karangyaan.

At hindi maatim ni Giovanni na ang bahay nila ay galing rin sa maruming kalakaran ng politika. Hindi niya iyon maialis sa isip dahil kilalang politiko rin ang lolo nila.

Iyon rin ang dahilan kaya mas pinili ni Giovanni na maglagi sa Amerika at doon mag-aral. Doon na rin niya piniling magtrabaho.

Hindi na nga sana siya uuwi pabalik sa Pilipinas kung hindi lang niya iniisip ang mga kapatid na nasa poder pa ng ama.

Napailing na lang si Giovanni bago tumakbo sa hagdan. Nasa ikalawang palapag kasi ang mga kwarto nilang magkakapatid.

Pagkabukas niya sa pintuan ay dinaluhong siya nina Gio at Gelo ng mahigpit na yakap.

"Kuya! Akala 'ko nakalimutan mo na kami!"

"Oo nga kuya! Puro ka nalang kasi video call samin!"

Ginulo niya ang buhok ng dalawa saka tumawa.

"Tumatawag naman ako palagi, 'di ba? Hindi ako nakakalimot. Kayo lang naman ang ayaw mag-aral sa Amerika. Sama-sama na sana tayo roon--"

Sumibangot si Gio. "Na-confiscate ni Papa ang tablet 'ko dahil narinig niya ang sinabi mo, kuya! Sinabihan niya kaming hindi raw kami makakalabas ng bansa ng walang permission niya."

"Oo nga, kuya. Kaya hindi kami maka-oo sayo." Malungkot na sumampa sa kama si Gelo.

"Si Papa talaga!" Muling napailing na lang si Giovanni.

Kung tutuusin, nasa tamang edad na ang dalawa niyang kapatid para magdesisyon kung saan nito gustong mag-aral.

Nasa ikalawang taon na si Gio sa kursong Politikal Science. Balak nitong mag abogado. Si Gelo naman ay magtatapos na sa Senior High sa susunod na taon. Siya naman ay apat na taon ng graduate ng Law at kasalukuyang assistant ng judge sa isang American Law Firm.

"Kuya, totoo bang umuwi ka para mag-asawa?"

"Dito ka na ba mag-i stay for good?"

Hindi alam ni Giovanni kung paano sasagutin ang dalawang kapatid. Sa huli ay sinabi rin niya ang totoo dahil karapatan rin ng mga ito na malaman iyon.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"I don't have a choice. Kailangan 'kong sumunod kay Papa dahil alam 'kong kayo ang iipitin niya. Alam niya kung gaano ko kayo kamahal eh, hmm? Wala namang kaso sa akin kung magsakripisyo ako para sa inyo."

Muli siyang niyakap ni Gio. "Salamat, kuya! Pero gawin mong kundisyon kay Papa na sa Amerika na kami mag-aral. Para sama-sama na tayo roon!"

"Oo nga, kuya!"

Ngumiti lang si Giovanni. Alam niya ang ugali ng Ama. Hindi ito papayag sa gusto niya ng ganoon na lang. Siguradong mayroon na naman siyang dapat isakripisyo bago ito pumayag...

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now