7

1 0 0
                                    

Dumiretso si Cyan sa kwarto niya--may nakalagay na kasi roong 'Cy' sa pinto.

Kaso wala pang kama roon. Ni banig ay wala.

Lumipat siya sa kabilang kwarto na may 'Mage' sa pinto.

Hindi nga siya nagkamali! Kumpleto na sa kagamitan ang kwarto. Pati ang binili nilang damit ng kakambal ay nandoon lahat--naka-hanger na ng maayos sa plastic na kabinet.

"Si tatay na siguro ang nag-ayos."

Kinuha niya ang isang pares ng dark pink na spaghetti strap sando at shorts na umabot lang sa kalahing hita niya.

Kasusuot lang niya sa manipis na sando nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalaking kasama niya kanina!

Napatakip ng towel ang dalaga dahil hindi naman niya ugaling magsuot ng bra kapag nasa kwarto. Parehas sila ni Magenta.

Tumuloy pa rin sa loob ang lalaki. Humarap nga lang ito sa pintuan.

"Pinapasok na 'ko ni Mang Toto. Dito niya ako pinapakuha ng tuwalya--"

"Letse! Wala ka bang dila para magsalita bago pumasok? Alam mo namang nabasa ako, malamang magbibihis ako!"

"Sorry. Akala ko nakabihis ka na."

"Sorry, sorry!"

Mabilis na hinubad ni Cyan ang manipis na sando saka nagsuot ng bra bago muling isinuot ang sando.

Dahil walang pajama ay hindi na niya pinalitan ang suot na shorts.

Kumuha rin siya ng isa pang malinis na tuwalya.

"Nakabihis na 'ko."

Saka pa lang humarap ang lalaki.

Inabot ni Cyan ang tuwalya sa lalaki. Kaso ang mata nito, hindi mapirmi sa isang lugar.

Humagod ang mapanuring mata nito sa katawan niya. "Nice body!"

"Manyak!"

Naglakad palapit ang lalaki sa kinatatayuan ni Cyan, habang siya naman ay todo ang paghakbang patalikod.

Tumigil lang ang lalaki sa paglapit sa kanya nang tumama ang likod niya sa cabinet. Ihinarang nito ang dalawang kamay sa pagitan ng katawan niya. Wala na siyang kawala!

"I'm being gentleman as long as I can. Pero nauubos ang pasensiya ko, Cy. Hindi ako santo, pero kung uubusin mo ang pasensiya 'ko, magpapakamanyak talaga 'ko." Sinabayan pa nito iyon ng ngising may pagbabanta.

Matapang na nakipagtitigan rin si Cyan sa lalaki. "Pa'no mo nalaman ang pangalan 'ko? I mean, kita naman siguro sa labas na 'Mage' ang nakalagay, pa'no mo nasabing ako si 'Cy?"

Lalong mgumisi ang lalaki. "Your twin never had the guts to talk back to me, Cy. Only you did."

Napaawang ang mga labi ni Cyan. Noon lang may ibang tao na nakapag-differentiate sa kanila ng kakambal niya.

"Kaya hindi mo ako maloloko, kung binabalak mo mang gawin." Dumilim ang maamong mata ng binata.

Si Cyan naman ay nanginig ang tuhod.

Kahit sino ang tititig sa mata ng lalaking kaharap niya ay hindi makakatayo ng diretso, lalo na siyang ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila.

Pumikit si Cyan, tanda ng pagsuko.

Kung sa una pa lang, kilala na niya ako, malamang alam na rin niyang si Magenta ang papakasalan niya at hindi ako.

Pero bakit may panghihinayang akong nararamdaman? Nagkagusto na ba ako sa kanya?

"Hindi, hindi maaari!" Itinulak ni Cyan ang lalaki saka siya nakalabas sa bisig nito.

"Hindi maaaring ano? Magba-back out ka sa kasal?" Natawa ng pagak ang lalaki. "Nobody can disobey Giovan Guillermo."

Muling napatingin si Cyan sa matalim na titig ng lalaki. "Hi-hindi ako ang pakakasalan mo, si--"

"Wala akong pakialam!"

Napapiksi si Cyan sa sigaw ng lalaki. Tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod niya kaya napadausdos na siya sa mismong likod ng pintuan.

Muli niyang tinitigan ang lalaki, mata sa mata. "Mag-ama nga kayo ni gob, magkaparehas kayo ng ugali! Nasa pamamahay ka namin, kaya 'wag na 'wag mo 'kong pinagtataasan ng boses! Kung inaakala mong tatay mo lang ang marunong manunog, pwes ako kaya kitang patayin!" Mariing pagbabanta ni Cyan sa lalaki saka niya ibinaling ang mukha sa ibang direksyon.

Narinig na lang niya ang pagbukas sara ng maliit na palikuran.

*****

"Fuck! Giovanni, hindi ka katulad ng tatay mo! Why did you even do that?" Pinagsasabunutan niya ang sarili habang nakabukas ang gripo mula sa shower.

Kahit kailan ay hindi siya nagtaas ng boses sa babae, sa Papa lang niya!

Nagpunta siya sa bahay ng babaeng mapapangasawa niya sa pag-asang makakasundo niya ito o na masusulsulan niya ang babae na magpakalayo layo na lang sila ng pamilya nito. Ngunit taliwas sa gusto niyang mangyari ang nagawa niya.

"Fuck! Damn it!"

May kumatok sa pinto kaya napatigil siya sa pagmumura.

"Kumain ka na raw bago ka umalis sabi ni tatay. Lumabas ka na lang kapag tapos ka na. May damit sa kama, 'yon na lang muna isuot mo." Malumanay na ang boses ng babae.

"Okay."

Inabala na lang ni Giovanni ang sarili sa paglilinis ng katawan. Sanay naman siyang mabasa ng ulan kaso makati ang tubig ulan at hindi niya kayang hindi maligo agad dahil mahapdi iyon sa balat niya.

Mabilisan siyang nag-shower. Paglabas ay nakita niya ang naka-plastic pang itim na tshirt at basketball short.

Himalang nagkasya iyon sa kanya.

Pa'nong nagkaroon siya ng damit ng lalaki sa kwarto? May iba bang lalaki na nagpupunta rito sa bahay nila?

Bakit affected ka, Giovanni?

Ipinilig niya ang ulo saka nagsimulang tuyuin ang buhok gamit ang parehas na towel.

Nakita niyang maayos na nakasampay ang pink towel na ginamit ng babae kanina sa isang rattan na upuan.

Hindi niya alam kung bakit lumapit ang mga paa niya roon saka kinuha ang towel at inamoy.

Kaparehas ng amoy ng sabon sa banyo...

"Fuck! Why am I doing this?!" Nagsimula na naman siyang magmura.

Mabilis niyang ihinagis ang tuwalya pabalik sa upuan saka dumiretso sa pinto.

Sakto namang nagsalita si Cyan sa likod niyon. "Hindi ba kasya sayo ang damit?"

Hindi nakasagot si Giovanni. May halong pag-aalala at pagkasarkastiko ang tinig ng babae.

Bumukas ang pinto at nagsalubong ang mga titig nila.

Doon lang na-realize ni Giovanni na mas matangkad pala siya rito.

"Akala 'ko naman hindi kasya. Ano pang itinatayo tayo mo d'yan? Nahihiya ka? Marunong ka palang mahiya." Inirapan siya ni Cyan saka ito muling umalis sa pinto.

Kakamot kamot namang sumunod na rin si Giovanni.

Nabungaran niya ang mag-ama na magkaharap na sa lamesang gawa rin sa kahoy na may dilaw na barnis. May maliliit pang bulaklak na pattern iyon.

"Umupo ka na hijo. Iyan lang ang pagkaing natira kanina kaya ininit 'ko na lang."

"Hindi naman ho ako mapili sa pagkain--"

Nakita niyang pasimpleng inilayo ni Cyan ang plato ng pancit bihon.  Gayundin ang plato na may pancit palabok.

Nagkatitigan pa sila saka nahihiyang nagbaba ng tingin ang babae.

"Tatay, wala akong gana kumain. Pwede bang matulog na 'ko? May tree planting kami bukas sa munisipyo. Kailangan 'kong magising ng maaga."

Tumango lang ang matandang lalaki saka nagpatuloy sa pagkain.

Sinundan ni Giovanni ng tingin ang babae. Alam niyang hindi ito kumain kanina, kaya paanong wala itong ganang kumain?

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz