15

1 0 0
                                    

Ikalawang araw ng pagiging mag-asawa nila Cyan at Giovianni. Unang beses na magkakasalo ang dalawang pamilya sa hapag. At unang beses rin na magkakasabay sa hapag ang mag aamang Giovan, Giovanni, Gio at Gelo simula noong namatay si Marcela--ang kaninang Ina.

Bago pa man makarating sa designated, long table para sa kanilang pamilya ang bagong mag-asawa ay kumuha na sila ng tig-isang plato at dumiretso na sa buffet table.

Nauna nang nakakuha sa kani-kanilang pagkain ang mga kapatid ni Giovanni kaya iniwan na sila nito roon.

"Sa kabila ka na magsimulang kumuha ng pagkain."

"What? Ako'ng nauna rito--"

"Hipon, gusto mo?" Ngumisi si Giovanni.

Napasimangot naman si Cyan dahil allergy siya sa hipon at talangka.

Walang nagawa si Cyan kundi sumunod sa asawa.

Dalawang slice ng club house sandwich na nilagyan ng butter sa ibabaw; dalawang toasted bread; isang strawberry flavored croissant; waffle with blueberry toppings at tatlong piraso ng ensaymada ang inilagay ni Giovanni sa isang plato niyang dala.

Kumuha pa ng isang plato ang lalaki dahil alam na niya ang mangyayari--na aagawan siya ng asawa sa mga kinuha niyang pagkain.

Sa kabilang plato ay nahati-hating prutas naman ang nilagay nya kasama ang tasa ng kape at baso ng gatas.

Naunang ibinaba ni Giovanni ang dalang dalawang plato sa lamesa bago pinuntahan si Cyan na sinangag, itlog, bacon, dalawang hotdog, tocino at fried chicken ang laman ng plato.

"Nagutom ka?" Ngumisi si Giovanni.

"Oo! Hindi mo naman kasi ako pinakain kagabi!" Ganting bulong ni Cyan.

Pirming nakahawak sa bewang ni Cyan ang lalaki. Wala itong pakialam kahit na sila na ang pinagtitinginan ng ibang kumukuha rin ng pagkain.

"Hindi 'ko na tatanungin kung kamusta ang tulog n'yo dahil alam 'ko naman hindi pa kayo natutulog." Panimula ni Giovan.

"Pero sinabi mo pa rin." Giovanni hissed.

"Pwede namang 'wag ng mag-react!" Bulong rin ni Cyan sa katabi.

"Welcome to the family, Cyan! This would be our fiest breakfaat as a whole."

"Masusundan pa 'to, Papa?" Sarkastikong tanong ni Giovanni sa ama.

"Ano ba! Wag ka naman magpahalatang inis na inis ka." Kinurot ni Cyan ang asawa.

"Nagugutom na rin ako, dami pang sinasabi."

"Shh."

Ang tatay Azure naman ni Cyan ay tahimik lang katabi ng kakambal niya na si Magenta. Parehong sumisimsim ang dalawa sa tasa ng kape nito.

Iniabot ni Giovan ang isang white envelope sa anak ngunit si Cyan pa ang umabot niyon dahil halatang bwisit na bwisit na ang asawa niya.

"Para sa'n 'to, Papa?"

"Regalo 'ko sa inyo, sa honeymoon n'yo. Buksan mo." May pagmamalaki pa sa tinig ni Giovan.

Umiling si Giovanni, tanda ng pagtutol na buksan iyon ni Cyan ngunit para hindi mapahiya ang biyenan ay binuksan niya rin.

Round trip tickets for two iyon papunta sa America!

Nagtatakang ipinakita iyon ni Cyan sa asawa. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Keep it for now, we'll talk about it later." Si Giovanni na mismo ang nagbalik no'n sa loob sobre. Halata rin na mas lalong sumama ang mood nito kaya hindi na nag-usisa si Cyan.

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now