2

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay hindi mapakali si Cyan. Tinatawagan niya ang kapatid na si Magenta ngunit hindi ito sumasagot sa tawag.

Mabuti na lang dahil kilala niya ang kaibigan nitong si Millie. Kinompirma ng babae na doon nga nagpalipas ng gabi ang kapatid niya.

"Wag mong hahayaang umalis si Maggie sa bahay n'yo hanggang wala pa ako, Millie."

"Oo ate. Pwede bang magpasabay ng isang bungkos na talong sa talipapa? Dito 'ko na lang babayaran."

"Sige, Millie. Makikikain na rin kami sa inyo."

Pagkarating ni Cyan sa bahay nila Millie ay inabot na niya rito ang dalang talong, itlog at kaunting gulay na galing sa bukid nila. Ipinadala iyon ng tatay nila.

"Salamat, ate!"

"Wag mo ng bayaran. Pasasalamat namin iyan sa pagpapatuloy mo sa'min."

Ngumiti lang si Millie at itinuro nito si Magenta na nasa ilalim ng puno ng mangga, nagduduyan habang nakatingin sa dagat sa hindi kalayuan.

Humugot ng malalim na hininga si Cyan bago nilapitan ang kakambal. Tumigil siya isang dipa ang layo sa kinaupuan ng kapatid.

Identical twins silang dalawa. Magkamukha, magkaboses, halos parehas sila ng istilo ng damit at ang pinagkaiba lang nila ay ang paraan ng pag-aayos sa buhok--si Magenta ay pirming nakalugay ang buhok samantalang siya ay laging may suot na headband o kaya ay pirming nakapusod pataas ang buhok.

"Ate, alam 'kong tinititigan mo na naman ang buhok ko!"

Natawa si Cyan. "Aakalain ng ibang tao na kinakausap 'ko ang sarili ko dahil magkaboses rin tayo!" Umupo siya sa kahoy na bangkito sa tabi ng kapatid.

"Kaya nga lagi tayong nagpapalit tuwing exam para pumasa ako, haha! Nakakatawa lang na kahit kailan ay hindi tayo nahuli ng mga propesor."

Napapailing na lang rin si Cyan. Mahina kasi siya sa math samantalang si Magenta ay magaling roon. Pinupunan nila ang kakulangan ng bawat isa.

"Maiba ako--"

"Sinabi ni tatay na ako raw ang natitipuhan ni gobernor Giovan na mapangasawa ng anak niyang si Giovanni. Isang linggo na rin akong balisa sa kakaisip doon, ate. Hindi ako makapagdesisyon hanggang sa masunog nga ang bahay natin kahapon." Tumulo ang luha ni Magenta.

"Ano'ng desisyon mo?" Hinimas ni Cyan ang likod ng kapatid.

"M-mas maganda nga na pumayag na lang akong magpakasal..." Gumaralgal ang boses nito na nauwi na rin sa paghagulgol.

Bumuka ang mga bibig ni Cyan ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig.

Malaking desisyon ang pagpapakasal. Hindi rin niya masisisi ang kapatid sa pagpayag roon. At kung siya ang mapupunta sa posisyon ng kapatid--ah, hindi niya alam ang gagawin.

"Pupunta ako sa opisina ng gobernador mamaya. Tulungan mo naman akong mag-ayos, ate. Sa ating dalawa, ikaw ang laging mukhang presentable."

Humagalpak ng tawa si Cyan, hindi na niya napigilan ang sarili. "Sinasabi 'ko naman sa'yo lagi na ipusod mo ang buhok mo para hindi ka mukhang multo. Sa haba ng buhok na'tin, mapagkakamalan tayong--"

"Kaya nga nagpapatulong 'yung tao eh! Tapos tatawanan mo pa 'ko!" Padaskol na tumayo si Magenta mula sa duyan saka nagmartsa paalis.

Hinabol ito ni Cyan. Pinigilan niya ang kapatid sa braso nito. "Hindi ka na mabiro. Sumama ka sa'kin. Bibili tayo ng ilang pirasong damit. Bilhan na rin natin si tatay."

Nakangiting tumango si Magenta.

Pagkatapos nilang makikain ng pananghalian kila Millie ay isinama na rin nila ito sa pamimili ng damit. Mabuti na lang ay may kaunting pera pang naitatabi si Cyan mula sa naging baon nila noong college. Hindi naman kasi siya palabili.

Nakisiksik sila sa makitid na bangketa para makabili ng mumurahin ngunit may magandang kalidad na damit.

Isang round neck, short sleeve, dark pink dress; black sleeve less polka dots dress; limang pares ng sando at shorts; isang dosenang soen panties at bra; tatlong pares ng sapatos: isang synthetic leather, plastic at high heels; tatlong pares ng beach slippers; tatlong pares ng tshirt, sando at shorts para sa tatay Azure nila at dalawang identical heart-shape necklace para naman sa accessories nila. Magkaiba lang ang kulay niyon: isang cyan at magenta.

Napunta kay Magenta ang kulay Cyan samantalang napunta naman sa kanya ang isa pa.

"Gusto 'kong laging maalala ka  ate. Kaya ito ang para sa'kin." Matamis na ngumit si Magenta.

Wala ng nagawa si Cyan kundi sumang-ayon sa kapatid.

Si Millie naman ay isang pares lang ng sando at shorts ang kinuha dahil nahihiya ito sa kanya. Dinagdagan pa ni Cyan iyon ng dalawang pares bago sila nagbayad.

Hapon na ng matapos sila sa pamimili kaya sa bahay na ng tiya Tiffany nila nagbihis si Magenta.

Ipinagamit ni Cyan ang suot na purple headband na may pink ribbon sa gitna sa kapatid. Nilagyan niya rin ito ng manipis na foundation, eyeliner saka lipstick. Naglagay rin siya ng kaunti blush sa pisngi nito gamit ang kaparehong lipstick.

"Naku! 'Kay gaganda talaga ng mga pamangkin 'ko! Walang itulak kabigin!" Patiling niyakap ni Tiffany ang dalawa.

"Si tiya naman! Mapagkakamalan na ba akong si ate Cyan?" Binuntutan iyon ng tawa ni Magenta.

"Walang makakapagsabi kung sino ang sino sa inyong dalawa! Kahit nga siguro si Azure ay hindi kayo mapapansin kung magpalit man kayong dalawa!"

Napangiti si Magenta. "Oh siya, baka hindi 'ko na ho maabutan ang pakay 'kong tao. Salamat sa pagpapatuloy, tiya." Muling niyakap no Cyan ang tiyahin.

"Sinabihan 'ko na ang tatay n'yo na dumito muna kayo. Ang kaso, siya pa ang matigas ang ulo!"

"Tiya, nagmana lang ho sa inyo, haha!" Pabirong kantiyaw ni Magenta.

"Aba'y hindi matigas ang ulo 'ko noon. Ang tatay niyo ang laging kumokontra sa mga magulang namin, sa mga lolo at lola n'yo.  Kung sakaling gabihin kayong dalawa sa bayan, alam niyo namang laging bukas itong bahay 'ko para sa inyo."

"Syempre naman ho, tiya. Hayaan niyo, kapag nakabawi bawi kami sa buhay, hindi namin kayo kakalimutan."

"Aba'y dapat lamang naman! Halos ako na ang nanay niyo simula noong mamatay si Belleza--"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Cyan. Ang nanay nila ang tinutukoy nito.

"Sige ho, tiya. Kami'y lalakad na! Salamat ho, ulit!" Si Magenta na ang umakay sa kapatid palabas ng bahay ng tiyahin.

Alam kasi ni Magenta na may sama ng loob si Cyan sa tiyahin dahil sa hindi magandang turing nito sa nanay nila noong bubay pa ito.

"Ate, sasamahan mo ba 'ko?"

"Sabay na tayo para makatipid sa pamasahe. Sa munisipyo rin naman ako pupunta para mag time out."

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now