17

1 0 0
                                    

Mag aalas otso na ngunit nasa daan pa rin sina Cyan at Giovanni. Alas cinco na nang makaalis sila sa hotel.

"Matagal pa ba, darling? Nagugutom na 'ko." Nakayukong reklamo ni Cyan.

Natawa si Giovanni. "Hinintay lang kitang magsabi."

Hinampas ni Cyan ang asawa. "Nakakainis ka!"

Huminto sila sa gilid ng highway. May karinderya roon na nagtitinda ng bulalo, pares, at iba pang ulam.

"Chopseuy sa'kin saka sisig."

Wala namang gaanong tao roon kaya malapit sa kotseng nirentahan na lang sila pumuwesto. Baka kasi mayroon ring magloko at butasin ang gulong ng kotse.

Umuusok pa ang bulalo at pares kasama ng ibang order nila ng mailapag ito sa lamesang napili ni Giovanni.

Siyempre, ang lalaki ang nagbayad sa lahat ng order.

"Ano'ng plano?" Curious na tanong ni Cyan habang sumusubo siya ng pagkain.

"Kumain na muna tayo. Pwede namang ipagpaliban ang pagpaplano na'tin."

Hindi na nagreklamo si Cyan. Bukod kasi sa gutom siya ay masakit na rin ang puwet at katawan niya kakaupo dahil ilang oras na rin silang nasa daan.

"Malayo pa ba ang hotel?" Tanong ni Cyan habang humihigop ng sabaw ng bulalo.

"Kulang isang oras pa. Nakapag-booo naman na 'ko. Sakto, pagkadating natin doon ay magche-check-in naman na tayo agad."

Sampung minuto pa silang nanatili sa kainan pagkatapos nilang maubos ang mga pagkain bago muling nagbyahe ang dalawa.

Hindi nga nagkamali si Giovanni dahil saktong alas nwebe ng gabi ng marating nila ang Belmont Hotel Manila na limang minuto lang ang layo sa NAIA kung lalakarin nila.

Regular room lang ang pinili ni Giovanni ngunit inabot na iyon ng halos limang libong piso!

"Kamahal naman. Pwede namang sa--"

"Wag ka ng magreklamo, darling."

"Sabi 'ko nga. Hindi naman ako ang magbabayad."

Pagkakuha sa key card ay inakbayan na ni Giovanni ang asawa. Si Cyan naman ay tinanggal ito dahil hindi naman siya sanay.

"Ayaw mo magpaakbay?" Mariing tanong ni Giovanni.

"Hindi ako sanay--"

"Masanay ka na, wife. Dahil ayokong pinagtitinginan ka ng ibang lalaki sa harap ko!" Mqriing bulong ni Giovanni sa tapat ng kaliwang tenga niya.

Ngumiti si Cyan at gumanti rin ng bulong. "Patunay lang 'yon na maganda talaga ako, husband."

Hinigit ni Giovanni ang bewang niya--kaya ang likod ni Cyan ay napasandal bigla sa loob ng elevator habang ang dalawang braso nito ay nasa magkabilang gilid niya. "Wag mo 'kong galitin, darling. You know what I do to you, right?"

Ngumisi si Cyan. "Right. Kaya ipasok mo na rin ang mga maleta na'tin."

Nakabusangot na sumunod naman si Giovanni sa kanya.

Pagdating nila sa hotel ay tinawagan agad ni Cyan ang pamilya niya.

"Papa, may biglaang lakad kami ni Giovanni bukas. Hindi 'ko alam kung kailan kami makakabalik dito."

"Natural lang iyon anak dahil honeymoon niyo naman. Ako na ang bahala sa kapatid mo at sa tiya mo."

"Papa, walang kasiguraduhan na makakabalik pa ako ng Pilipinas. Kailangan naming magpunta sa Amerika--"

"Pinapabalik na si Giovanni sa trabaho niya? Ang alam 'ko nakabakasyon ang asawa mo. Umuwi siya dahil kailangan niyang tumulong sa pangangampanya--"

Inagaw ni Giovanni ang cellphone ni Cyan. "Tatay, may sasabihin ho ako--"

Hindi na naituloy ni Giovanni ang sasabihin dahil narinig niya ang boses ng ama na mukhang kadarating lang.

"Mag-iingat ho kayo, tatay. Bukas na ang flight namin, alas siyete ng umaga. Magpapadala na lang ho kami ng regalo sa inyo."

"Ay sige anak, magpahinga na kayo para hindi kayo pagod sa byahe bukas."

Nanlalambot na napaupo si Giovanni sa kama. Hindi na niya alintana na bumagsak ang dalawang maleta sa sahig.

Nanlalaki ang mata na nilapitan ito ni Cyan. "Bakit?"

"Tama ang hinala 'ko, sa bahay niyo dumiretso si Papa. Kailangan na nating pag-usapan ang plano."

Tumango si Cyan saka sumampa na rin sa kama.

Magkayakap silang nag-usap.

*****

Alas cinco y medya nagising si Cyan. Kahit ala una na ng madaling araw silang nakatulog ay maaga pa rin siyang gumising.

Alas sais kasi ay darating ang magde-deliver ng wessing gown niya pabalik sa shop ni Aimee. Napagdesisyunan nilang parentahan ang gown kahit na nabayaran na ng buo iyon ni Giovanni.

Pumayag rin naman si Aimee dahil naging in-demand raw ang style ng dress na naiauot niya simula noong makita iyon ng mga tao.

Sa Airport na sila mag-aalmusal dahil siguradong hindi agad magigising si Giovanni.

Katulad ng inaasahan, alas said y media na nagising si Giovanni. Naghilamos at nag-toothbrush na lang ito saka nagpalit ng damit.

"Sigurado ka bang kailangan talaga nating pumunta sa Amerika? Mapagkakatiwalaan ba ang mga taong nakuha mo na magsasagawa sa plano?" Nag-aalalang tanong ni Cyan.

"Hindi 'ko alam. Siguradong may magsusumbong kay Papa. Pwede naman tayong bumalik agad kung sakaling magkaaberya ang plano."

Pagdating sa airport ay kinailangan nilang magpa-rebook ng ticket dahil nakaalis na ang eroplano ng makalagpas sila sa immigration.

Business class ang nasa ticket nila kaya sa VIP Lounge na rin sila kumain.

Saktong alas diyes ng umaga--boarding time na nila--ay nakatanggap ng text si Giovanni.

From unknown:

Umalis na ang tao ni Gob sa airport. May tauhan rin si Gob sa bababaan niyong airport.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago naglakad papasok sa eroplano.

Magkatabi ang upuan nila sa gitna. Tanging ang sling bag ni Cyan ang dala nila. Mabuti na lang at dala rin ni Cyan ang passport niya. Si Giovanni kasi, kaya pala makapal ang wallet nito ay dahil nandoon lahat ng papeles niya.

"Matulog ka muna. Eighteen hours mahigit ang ibabyahe natin. May stop over pang apat oras sa Los Angeles bago tayo makarating sa Chicago."

Mabilis na nakatulog si Cyan dahil malamig naman at masyadong malambot ang kumot na ibinigay sa kanilang dalawa.

Si Giovanni ay nagkape pa nga bago nahiga at natulog sa tabi niya.

Pagkalipas ng anim na oras ay ginising ang mag-asawa dahil nagbigay ang flight stewardess ng pagkain na naka-preorder na pala bago ba sila sumakay : fried salmon with caviar, tatlong pirasong toasted bread and butter, dalawang slice ng strawberry cake for dessert at dalawang fillet mignon.

Natatawa si Giovanni dahil siya rin ang umubos ng pagkain. Hindi kaya si Cyan na kumain ng marami dahil antok na antok ito.

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniOnde histórias criam vida. Descubra agora