10

1 0 0
                                    

Hindi na alam ni Giovanni kung paano siya nakauwi sa mansyon nila.

Marami na kasing nakatambay na kapit-bahay sa labas ng bahay-kubo kaya siguradong kumalat na ang chismis na doon siya natulog sa bahay nila Mang Toto.

Hindi naman niya balak magpalipas ng gabi roon. Kung timila lang sana ang ulan ng mas maaga--

Hindi nakaligtas sa kanya ang mga bulungan ng mga kapit-bahay.

"Hindi na nakatiis, sinungaban agad ang pagkakataon na maka-score sa anak ni Mang Toto!"

"Sino ba naman kasi ang hindi maglalaway kay Magenta? Kita mong 'kay ganda ng hugis ng katawan."

"Imposible namang walang nangyari sa kanila samantalang magkatabi nga raw na natulog. Ano 'yon, nagbahay bahayan lang?"

Gustuhin man ni Giovanni na mangatwiran sa mga usisero ay nakita niya ang pag-iling ni Cyan mula sa bintana ng kwarto nito.

Ngayon niya naiintindihan ang sobrang galit ng babae nang magkasagutan sila.

Naligo at nagbihis lang si Giovanni bago siya dumiretso sa opisina ng ama sa munisipyo.

Pabalya niyang binuksan ang pinto. Ang nakangising mukha ni Governor Giovan ang nabungaran niya.

"Ipagpapasalamat 'ko ba ang muling pagpunta mo rito, Giovanni?"

"Oo, Papa. Siguradong matutuwa ka." Sarkastikong pagsagot niya. "Alam 'ko namang umabot na sayo rito ang balita. Magpapakasal na kami, ngayon din. Kaya mo naman iyong isingit sa schedule ni Mayor Patrimoñio hindi ba?"

Tumango ang ama. "Good decision. Bumalik ka ng alas diyes para maikasal na kayo. Ipapahanda 'ko na ba ang dating kwarto mo sa mansyon?" Nanunuyang tanong ng ama.

Napatiim-bagang si Giovanni. "Sa bahay-kubo muna kami pansamantalang titira. Sa bahay nila Mang Toto. Kukunin 'ko na rin ang kaparte ko sa lupain para pagtayuan ng sarili 'kong bahay."

Napatango ulit ang gobernador. "Ano pa?"

"Saka 'ko na hihingin ang iba, Papa. Iyon muna sa ngayon."

"Siguraduhin mong hindi ka gagawa ng ikasisira 'ko sa darating na eleksyon, Giovanni, para magkasundo tayo."

"H'wag mo na rin sanang gawan ng masama ang magiging bagong pamilya 'ko, Papa. Para hindi ako gumawa ng ikasisira mo."

"Deal!"

Nag-abot ng kamay ang gobernador ngunit tinalikuran na iyon ni Giovanni.

Matitiis niya ang sama ng ugali ng ama ngunit hindi niya matitiis na may buhay ng tao ang masisira dahil sa kanya.

Pagkaalis sa munisipyo ay dumiretso si Giovanni sa kilalang Wedding Couture shop hindi kalayuan sa dating eskwelahan niya noong elementary. Iyon lang nag-iisang shop na mabibilhan niya ng simpleng wedding dress.

Malaki naman kasi ang sweldo niya sa trabaho sa Amerika kaya malaki rin ang ipon niya. Idagdag pa na may dumarating din siyang pera mula sa ama dahil nag-open account ito kahit na ayaw niyang tanggapin ang pera.

Sapat na iyon para makapagpatayo siya ng maayos na bahay nila ni Cyan. Kung magdedesiayon itong isama rin ang tatay sa bahay nila ay hindi naman siya tututol.

Nagmamadaling ipinarada niya ang motor sa gilid ng high-way saka naglakad papasok sa Wedding couture shop kahit na "closed" pa rin ang nakalagay doon.

Napatingin sa kanya ang dalawang babae na nanlalaki ang mata. Isa roon ang kababata niyang si Aimee.

"Nakauwi ka na pala? Kailan pa?"

Nakipag beso-beso naman siya sa babae. "Noong isang araw lang."

"Pero gumawa ka na agad ng eksena? Palibhasa may ipagmamalaki ka naman talaga."

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now