11

1 0 0
                                    

Sa ikalawang pagkakataon ay umangkas muli si Cyan sa motor ng lalaki ng walang suot na helmet.

Inilapit niya ang bibig sa kaliwang tenga ng lalaki bago nagsalita. "Hindi ka na naman nagdala ng helmet!"

"Hindi 'ko na naisip dalhin dahil marami tayong dapat aaikasuhin ngayon. Babalik pa tayo sa munisipyo ng alas diyes."

"Bakit mo pa 'ko isinama kung may lakad ka naman pala?"

Tumawa si Giovanni. "Hindi mo ba narinig ang sinabi 'ko kanina? Magpapakasal na tayo ngayon! Natural, magsusukat ka ng wedding dress-- aray!"

Kinurot ni Cyan sa tagiliran ang lalaki. "Ora-orada?"

"Alam 'kong wala naman kayong tree planting sa munisipyo. Dahilan mo, Cyan! Hindi uubra sa'kin 'yan!"

Natawa na rin si Cyan. "Talagang hindi ka tumatanggap ng sagot na 'no', ano?"

"Nope. Never in my vocabulary."

Inihinto na ni Giovanni ang motor sa gilid ng high-way. Sa mismong pinagparadahan niya kanina noong unang pumasok siya sa Wedding Couture shop ni Aimee.

Inalalayan niya ang fiancè sa pagbaba sa motor at sabay silang pumasok sa loob kahit "closed" pa rin ang signag na nakalagau sa pintuan.

"Ano'ng klaseng shop ba 'to, Aimee? Tanghali na closes pa rin kayo?"

Natawa si Aimee sa komento ng lalaki. "By appointment po kami, sir. At mamaya pang alas diyes ang unang kliyentw namin." Lumapit si Aimee kay Cyan. "Ito na ba ang malas na bride?"

Pinanlakihan ng mata ni Giovanni ang kababata.

"Biruan na namin iyon ni Giovanni. By the way, I'm Aimee. Dati kaming magkaklase pati ng asawa 'kong si Ariel."

Tumango tango lang si Cyan.

"Anong wedding dress ba ang gusto mo? Anything that comes to your mind? Any style?"

Napangiwi si Cyan. "Hindi 'ko alam. Wala sa plano 'ko ang biglaan mamili ng wedding dress. Bigla na lang akong hinili niyan papunta rito--"

"Don't mind her nagging, Aimee. Ako ang kliyente mo, ako ang magbabayad kaya ako ang masusunod." Nakangising sabi ni Giovanni.

"Ah gano'n?" Tinalikuran ni Cyan si Aimee saka dumiretso sa pinto.

Tinakbo naman ni Giovanni si Cyan para pigilan itong umalis. "Matitiis mong makita na sa iba ako magpapakasal?"

"Oo! Hindi naman kasi dapat ako--"

Inilagay ni Giovanni ang hintuturo sa labi ng dalaga para matigil ito sa pagrereklamo. "I chose you, right? Do you need to question always questioned it?"

Inirapan na lang ni Cyan ang lalaki. Sa huli, nagpahila rin siya pabalik sa pwesto ni Aimee na hindi maitago ang tuwa sa kanilang dalawa.

"Alam mo, ganyang ganyan ako kay Ariel noong nagliligawan pa lang kami. Akala 'ko hindi 'ko makikitang gagawin rin ni Giovanni--"

"Shut up, Aimee. Just do your job, will you?" Inis na muling naupo si Giovanni sa visitor's chair.

"Don't mind him. He's too grumpy--"

"Hoy, Cyan! Baka nakakalimutan mong--"

"Manahimik ka, Giovanni Guillermo! Kung gusto mong matuloy ang kasal ngayon!"

"Sabi 'ko nga, mananahimik na 'ko." Iniamba pa nitong nag-zipper ng bibig bago tumalikod at nagsimulang magbuklat sa magazine sa ibabaw ng lamesa.

Si Aimee naman ay dinala na si Cyan sa fitting room.

Hindi mabilang sa dami ang ready-made wessing dress. Pagpasok pa lang ni Cyan ay hindi na magkamayaw ang mata niya sa pag-ikot.

"Masyado namang mukhang mamahalin ang mga damit. Wala bang mura lang?" Nakangiwing tanong ni Cyan.

"Skies the limit raw sabi ni Giovanni. Hindi mo kailangang mamroblema sa budget." Kinindatan pa siya ni Aimee.

"Kung tarantado lang ako, pinakamahal ang pipiliin ko." Natatawang sabi ni Cyan.

"If I were you, I will do that. Dahil siguradong hindi lang isa ang kakaharapin mong eskandalo sa pamilya nila pagkatapoa ng kasal niyo. Kaya ako umiwas makapangasawa ng politiko." Nakangiwing sabi ni Aimee.

"I don't have a choice--"

"I know. Guillermo always get what they want. Eto, try to fit this. Mukang bagay sa figure mo."

Isinuot ni Aimew ang damit. Ngunit hindi pa nakikita ni Giovanni ay umiiling na ito.

"Ito na lang, ayoko ng magsukat!"

"Cyan, darling, hindi bagay sayo. Nagmuka kang binalot na suman!" Binuntutan pa ng tawa iyon ni Giovanni.

Inirapan lang siya ni Cyan.

Sa pangalawang dress ay tumango ang lalaki ngunit sumenyas rin ng ekis gamit ang dalawang braso.

Sa pang-limang dress ay ganoon pa rin.

"Napapagod na 'kong magsuot at maghubad ng damit! Ikaw na lang kaya ang magpakasal sa sarili mo?!" Nakasimangot na sigaw ni Cyan. Halatang gusto na nitong sugurin ang lalaki sa inis.

Naglakad papasok sa fitting room si Giovanni. Niyakap niya si Cyan sa harap ni Aimee bago dumiretso sa mga gown.

Tumili naman sa kilig ang isang assistant ni Aimee dahil sa ginawa ng lalaking pagyakap sa kanya.

"Ayoko na! Huhubarin 'ko na talaga 'to!" Naiiyak na si Cyan.

"This will be the last one. Try it on." Marahang inabot ni Giovanni ang isa pang gown.

"Last na talaga 'to. Kapag hindi mo nagustuhan--"

Inilapit ni Giovanni ang bibig sa kaliwang tenga ni Cyan. Nakiliti siya ngunit hindi niya ipinahalata sa kaharap. "You'll love it, darling. I promise."

Muling isinuot ni Cyan ang huling gown. Fit na fit sa kanya iyon. Mas na-enhance ang maliit niyang bewang at nagmukhang malaki ang hinaharap niya dahil sa sweetheart cut ito. Umaabot hanggang sa kalahati ng binti niya iyon, bumagay sa makinis niyang balat.

Naglagay pa ng tiara si Aimee at ipinasuot ang necklace na gawa sa pure diamond.

"Hindi na kailangan ang necklace, Aimee. Sa munisipyo lang naman kami ikakasal--"

"Trust me, girl. Hindi ka mapapahiya kapag isinuot mo 'yan."

Ipinasuot rin ni Aimee sa kanya ang parahes na hikaw, at braclet niyon.

Naglagay rin ng hand gloves at ipinasuot ang singsing na may heart-shape diamond. Mukang three carat iyon.

"Ang tagal naman--" Pati si Giovanni ay napatigil sa pagbubukas ng kurtina. Napatanga ito sa kanya.

"Ano, napipi ka na, Giovanni?" Tukso ni Aimee.

"Parang nagkamali ako na pinasuot 'ko 'to sa'yo, Cyan. Parang mas gusto 'kong ako na lang ang makakakita sayo habang suot mo 'to."

Humagalpak ng tawa si Aimee kasama ang assistant nito.

"Card please?"

Wala sa sariling inabot ni Giovanni ang American Express card niya.

Nang makaalis na ang dalawa ay dali daling lumapit si Giovanni kay Cyan at bumulong, "I regret it, really. I just want you in my arms, darling. Naked under the sheets.."

"Giovanni! Tigilan mo 'ko. Iiwan talaga kita--"

"Don't you dare, darling." Dumilim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "You're only mine."

Nanlambot na naman ang tuhod ni Cyan. Hindi niya alam kung dahil sa hindi pa siya nag-aalmusal o dahil sa titig ng kaharap.

Mabilis naman siyang inalalayan ni Giovanni nang mapanain nitong hindi na stable ang pagkakatayo niya.

"Pwede bang kumain muna tayo? Mamaya mo na 'ko landiin."

Natawa na lang si Giovanni.

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now