16

1 0 0
                                    

Kinahapunan, kasalukuyang natutulog si Giovanni nang maalimpungatan si Cyan dahil sa nagmamadaling katok sa kanilang hotel honeymoon suite.

Mabilis na nagsuot si Cyan ng tshirt at shorts mula sa dinalang gamit ng asawa bago niya pinatungan iyon ng puting roba.

Matatalim na titig mula kay Governor Giovan ang sumalubong sa kanya.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa matatalim na titig? Kaya wala sa sariling napalakad patalikod si Cyan, sa pag aakalang may kung anong masamang gagawin sa kanya ang biyenan.

Isang pagak na tawa ang sumunod na narinig niya mula sa kaharap.

"Ano ho ang kailangan niyo? Ipinatawag niyo na lang sana ako sa ibaba sa staff--"

"Wala namang masama kung gusto kitang makausap, hindi ba? Manugang kita. May mahalaga lang tayong pag-uusapan dahil mukhang malaki ang naging impluwensya mo sa anak ko nitong mga nakaraang ilang araw. O baka naman gusto mong sa loob na lang ng kwarto niyo tayo mag-usap?"

Nanayo ang mga balahibo ni Cyan sa batok. Naiisip pa lang niya na may ibang taong makakakita na nagpapasok siya ng ibang lalaki sa kwarto nilang mag-asawa ay napapailing na siya agad.

Ano na lang ang iisipin ng asawa niya?

Mariing pumikit si Cyan saka tumango. "Magbibihis lang ho ako. Pakihintay na lang ako sa lobby."

Nakataas ang kilay na napatango rin si Giovan. "Five minutes." Saka ito tumalikod.

Nangigigil na isinara ni Cyan ang pinto.

Ganun na ba kasabik ang ama ni Giovanni na paalisin sila?

Bakit nga ba mukhang mabigat ang loob nito sa asawa niya?

Bago pa makaisip ng kung anu-ano si Cyan ay nahmamadali na niyang hinubad ang roba. Naglagay ng kaunting polbo galing sa gamit nila at nagpahid ng liptstick para naman may kulay ang labi niya.

Bago tuluyang umalis ay kinuha ni Cyan ang isang pamphlet at nagsulat sa likod no'n gamit ang lipstick--"Pinatawag ako ni Papa sa ibaba."----'yun lang ang inilagay niya.

*****
Mukhang mali yata ang naging desisyon ni Cyan na sa lobby sila mag-isap ng biyenan. Halos lahat kasi ng dumaraan ay napapatingin sa gobernador.

Naupo si Cyan dalawang upuan ang layo dito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Pilitin mong bumalik na pa-Amerika si Giovanni dahil hindi 'ko na siya kailangan dito."

"Magiging masama ho ang imahe ninyo lalo pa at bagong kasal lang kami. Ang iisipin ng mga tao'y hindi man lang tumulong ang pamilya namin sa pangangampanya--"

"Malinaw ang sinabi ko, Magenta! Hindi 'ko idinadamay ang pamilya mo sa usapan natin. Ang gusto 'ko, bumalik na sa Amerika si Giovanni!" Naningkit ang mga mata nito kasabay ng pagtiim-bagang.

Natawa si Cyan. "Madali pa lang itaboy paalis ang anak--"

"Hindi 'ko kailangang ipaliwanag sa'yo ang dahilan 'ko kung bakit--"

Napangisi si Cyan. "Eh 'di lumabas rin ho ang intensyon niyo. Na hindi n'yo naman talaga ako tinanggap na parte na rin ng pamilya niyo!"

Lalong nagdilim ang titig ng gobernador sa kanya. "Mas tuso ka pala sa inaakala 'ko. Akala 'ko no'ng hilingin mo na ipagawa 'ko ang bahay niyong nasunog ay--"

"Na madali niyo na rin akong mapapasunod sa lahat ng gusto niyo? Nagkakamali ka, Papa. Biyenan lang kita, hindi ikaw ang tatay 'ko." May diin ring sambit ni Cyan.

"Bueno, kung gan'on ay wala na akong magagawa. Sinabihan kita ng maayos na kumbisihin mong umalis na rito ang anak 'ko. Pasensiyahan na lang tayo."

"Subukan niyo ho na gumawa ng ikapapahamak alinman sa pamilya 'ko para magkasubukan tayo!"

Inunahan na ni Cyan ang biyenan na tumayo saka siya naglakad pabalik sa elevator para bumalik sa kwarto nila.

Nadatnan niya si Giovanni na matalim ang titig sa kanya pagpasok pa lang ni Cyan sa kwarto nila.

"Kagigising mo lang, darling?"

Hindi kumibo si Giovanni kaya nilapitan ito ni Cyan at tinabihan sa pagkakaupo sa kama.

Dumaan ang isang minutong katahimikan sa pagitan nila kaya si Cyan na rin ang hindi nakatiis na basagin iyon.

"Bakit ba gustong-gusto kang paalisin ng tatay mo? Bakit isinusuka ka niya pabalik sa Amerika? Ano'ng meron?"

Napapikit si Giovanni at niyakap siya ng mahigpit.

"Kailanman ay hindi siya naging ama sakin, saming magkakapatid.  Hindi 'ko alam kung bakit hindi pa rin siya nakukulong sa dami ng mga taong naagrabyado niya--"

"Ah, totoo pala 'yung mga balita galing sa kapit-bahay namin kung gano'n."

Napabitaw sa pagkakayakap si Giovanni sa asawa. "Ano'ng balita?"

"Na napag-initan ang pamilya namin dahil hindi pumayag si tatay na tumakbong konsehal ng bayan. Sinabi rin ni Jelly na kaparehas ng sitwasyon namin ang nangyari sa pamilya niya--"

"Sino'ng Jelly?"

"Kababata 'ko 'yon, namin ni Magenta, iyong sekretarya ni gob sa munisipyo. Inamin ni Magenta sa'kin ang sinabi sa kanya ni Jelly--"

"Pero bakit nasa munispyo pa rin siya?" Nakakunot-noong tanong ni Giovanni.

"Sa takot na baka sunugin muli ang bahay nila sa kabilang baranggay? Ewan 'ko. Hindi ko naman siya nakakausap--"

"Kailan na nga ang petsang nakalagay sa ticket na ibinigay sa'tin?"

Hinanap ni Cyan ang regalong one-way trip sa kanila ng biyenan na basta na lang ibinalibag ni Giovanni kung saan. Nakita niya ito malapit sa pinto ng banyo.

"Bukas na--"

"Kailangan na nating mag-check out. Magche-check in tayo sa hotel malapit sa airport. Tawagan mo na rin sila tatay na kailangan nating magpunta sa Amerika dahil tinawagan na 'ko ng boss 'ko--"

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" Natigilan si Cyan.

"Sumunod ka muna sa'kin ngayon, pwede ba? Mamaya 'ko na ipapaliwanag sa'yo. Siguradong may iniwang tao na magmamanman satin si Papa, sa mga ikinikilos natin na siyang magsasabi sa kanya."

Nagmamadaling hinagilap ni Cyan ang wedding dress na hinubad, gayundin ang ilang damit na nasuot nila saka iyon inilagay sa isang tabi.

"Kailangan natin ng dalawang maleta--"

"Nagpabili na 'ko sa staff kanina n'ong wala ka. Darating na 'yon maya maya."

"Wala na 'kong extrang panlakad na damit--"

"Nagpabili na rin ako." Kinuha na ni Giovanni ang tuwalyang nakasampay sa upuan saka dumiretso sa banyo.

Dalawampung minuto bago dumating ang mga pinabili ni Giovanni.

Maingat na inilagay ni Cyan ang wedding attire nila sa isnag maleta. Muntik na ngang hindi magkasya iyon dahil hindi ganoon kalaki ang nabiling maleta.

Sa kabilang maleta ay inilagay ni Cyan ang ilang maruruming damit nila na nakalagay sa plastic, kasama ang high heels na sinuot niya at black shoes ni Giovanni.

Pinagkasya niya sa bag niya ang makapal na wallet ng asawa kasama ang wallet niya at ang tatlong cellphone nila.

Inihanda na rin si Cyan ang damit ng asawa sa kama-- Gap na tshirt, Levi's na maong pantalon,  isang piraso ng briefs at ang brown havaianas sandals na galing rin sa pinamili ng staff sa kanila.

Samantala, ang damit niya--isang simpleng lavender dress, isang pares ng undergarments at isang black havaianas sandals.

Paglabas ng asawa sa banyo ay siya naman ang sumunod na gimayak.

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniWhere stories live. Discover now