12

1 0 0
                                    

Akala ni Cyan ay pangkaraniwan lang na kasalan sa hwes ang mangyayari. Ngunit pagdating nila sa munisipyo ay lahat ng empleyado ay imbitado. Naging reception area na ang make-shift stage kung saan nagkakaroon ng flag ceremony tuwing lunes!

At imbes na sa bridal car siya sumakay, sa motor pa rin!

"This is ridiculous!" Hindi makapaniwalang pahayag ni Cyan.

Tatawa-tawa lang naman si Giovanni sa tabi niya.

"How did you prepare all this?"

"Ikaw na ang maging anak ni gobernor. Hahaha!"

Kinurot ni Cyan ang katabi sa tagiliran.

Bumulong naman ang lalaki sa tenga niya. "Nakakarami ka na, darling my love. Lagot ka sa'kin mamaya." Binasa nito ang labi bago kinagat iyon.

"Pagtigil ka!"

Hindi naging kasal sa hwes ang kasal nila. Bagkus ay may inimbitahan pang pari mula sa simbahang katoliko na siyang na-officiate sa kasal nila.

Kahit na madalian ang naging preparasyon ng kasal, nakabarong tagalog rin naman ang tatay Azure niya, kasama si Magenta at ang tita Tiffany niya.

Bukod sa kapamilya ay hindi na kilala ni Cyan ang iba pang bisita.

Pagkatapos ng halos isang oras na misa ay dumating na sa exciting part--

"I know pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Humarap sila sa isa't isa.

Bakas ang pag-aalinlangan sa mata ni Cyan, samantalang si Giovanni ay parang wala lang sa kanya.

"I'll be gentle, darling my love."

Napapikit na lang si Cyan bago niya naramdamang marahan na lumapat ang labi ni Giovanni sa labi niya.

Sa nangingig na labi ay pilit na ginaya ni Cyan ang paraan ng paggalaw ng labi ng asawa, ngunit naramdaman lang niya na piniga ni Giovanni ang bewang niya bago bumulong, "Behave, wife. Just let me do the honor and you can fight me in later in bed."

Isang kurot muli ang ginawa ni Cyan sa tagiliran ni Giovanni.

Isa-isa ng lumapit para bumati ang mga bisita sa kanila.

Hindi pa nakakabati ang lahat ngunit nangangawit na ang paa ni Cyan dahil sa suot na three inches high heels shoes--para hindi siya magmukhang maliit sa picture katabi ang asawa.

Hindi niya na maitago ang pangangalay ng paa kaya binulungan na niya si Giovanni. "Masakit na ang paa 'ko."

Walang pasabi na bigla siyang binuhat nito habang hawak ang mic sa kabilang kamay. "Help yourself for the food. No need to greet us one by one. Masakit na ang paa ng asawa 'ko, hope you understand."

Umulan ng tawanan ang mga bisita dahil sa sinabi ni Giovanni.

"Sa'n tayo pupunta? H'wag mong sabihin na isasakay mo na naman ako sa motor mo?!"

Nahuli ni Cyan na nakatitig ang lalaki sa mapupula niyang labi. Muling binasa nito ang sariling labi gamit ang dila bago siya diretsong tinitigan sa mata. "Isang reklamo mo pa, wife. I'll take you here--"

"Subukan mo! Baka gusto mong--"

"Gustong gusto 'kong halikan ka ulit. Nagtitimpi ako, Cyan. Kanina pa, kung hindi mo napapansin. Cease fire muna tayo, alright? Just until we reach the hotel--"

Pinanlakihan ni Cyan ng mata ang lalaki.

"What?! Alangan naman sa bahay n'yo tayo mag-honeymoon? Gusto mong pagpiyestahan ng mga kapit-bahay mo ang pagsigaw mo sa kali--aray!"

Inirapan lang ni Cyan ang asawa. "Can't you be a little discreet, Giovanni? I really hate your mouth!"

"You'll like it later, darling my love." Nakangising balik naman nito sa kanya.

Isang tapik sa balikat ang nakapagpalingon kay Giovanni. Pansamantalang ibinaba niya si Cyan sa upuan ng motor habang nakaalalay pa rin ang isnag braso rito.

"Mabuti naman at hindi ka mukhang napipilitan, Kuya!" Bati ni Gio.

"Oo nga, kuya. You look like you're very much in love with ate." Segunda naman ni Gelo.

"Darling, si Gio at Gelo, mga nakababatang kapatid ko." Pakilala ni Giovanni sa dalawa.

"Welcome to the family, ate!" Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ng dalawa kay Cyan.

Halos matumba na nga ang motor, kung hindi lang naagapan ni Giovanni ay baka natumba nga iyon.

"Papalapit na si Gob sa'tin. Can we go already?"

Tumango lang si Giovanni kay Cyan saka mabilisang nagpaalam sa mga kapatid.

Bago pa makalapit si Gobernor Giovan ay humarurot na paalis ang motor na sinasakyan nila.

May kalayuan rin ang RSV Hotel--kung saan nag-book si Giovanni ng honeymoon suite nila.

Kulang sampung minuto rin ang itinagal ng byahe nila bago makarating doon.

Sa harap ng hotel lang ipinarada ni Giovanni ang motor. Isang valet ang kumuha ng susi niyon sa kanya bago sila nag-check in.

Sinamahan pa sila ng isang staff hanggang sa kwarto nila.

"Tawag ka lang, sir kung may kailangan pa kayo."

Sumenyas lang si Giovanni kaya tuluyang umalis na ang staff. Ito na rin ang nagsara ng pinto.

Pabagsak na nahiga sa kama si Giovanni.

"Parang ikaw pa ang mas napagod sa'ting dalawa ah! Ikaw ang naka-heels?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cyan.

"Come here, wife. Kanina mo pa 'ko binabanatan eh. Hindi lang ako makaporma dahil maraming tao."

Hindi pinansin ni Cyan ang asawa. Naupo siya sa velvet na sofa saka pilit inaabot ang lock ng suot na heels. Nang hindi niya iyon maabot ay matalim na tumitig kay Giovanni.

Tumawa lang ang huli bago siya tinulungan sa pag-aalis niyon. Tumalungo sa harap ni Cyan ang asawa hanggang sa magpantau ang mga mukha nila.

"Can I kiss you properly now? Kanina pa nangangati ang labi 'ko--"

Nakasibangot na tumayo si Cyan. "Kanina pa rin ako nangangati sa dress na 'to!"

Humalaklak si Giovanni. Nag-echo iyon sa buong kwarto nila.

Muling tinitigan ng masama ni Cyan ang kaharap bago nito ibinaba ang zipper sa likod.

Hindi na napigilan pa ni Giovanni na hapitin ang maliit na bewang niya at pumisil ng mariin doon.

"Kanina mo pa ako binibitin, wife. Hindi--"

"Maghintay ka! Init na init na 'ko, kanina pa! Sino ba kasing nagpauso na magsuot ng wedding dress?!"

Isa isa ng tinanggal ni Cyan ang damit panloob bago tuluyang makarating sa banyo.

Si Giovanni naman ay nagmamadali ring naghubad ng damit saka kumatok sa pintuan ng banyo.

"Can I join, darling? Init na init na rin ako!"

"Maghintay ka, husband!"

Wedding Disaster: Cyan And GiovanniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon