CHAPTER: 21

17 1 0
                                    

Tan's Point of View

Dirediretso lang ako sa pag lalakad dahil ramdam kong nakatitig silang lahat sa'kin.

Ayaw ko ng gulo kaya hangga't maaga pa ay kailangan nang malaman ni Talia ang totoo.

Ayaw ko na pati siya ay mapahamak at mapatay ni Dalla.

Kilala ko si Dalla, kilalang kilala.

"Tan!" Pasigaw na tawag sa'kin ni Talia kaya napalingon ako sa kanya.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa harden.

At siya naman ay ramdam kong nakatitig na siya sa'kin.

"Ah.. B-Bakit mo ako gustong makausap? At saka bakit t-tayong dalawa lang? M-May problema ba?"

Psh, daming tanong.

Hindi ko parin siya tinignan.

"Uhm--"

"May sasabihin ako." Diretsong pag kasabi ko sa kanya sabay na hinarap siya.

Kita ko naman sa mukha niya na nagulat siya sa pag harap ko at nabigla.

Nong makarecover ay napataas pa ang kaliwang kilay niya. "Kaya mo nga ako pinapunta dito, diba? Kasi may sasabihin ka sa'kin? Alangan naman pinapunta mo lang ako dito para mag pahangin lang tayo?"

"Psh, pilosopo."

"Tsk, okay sige ano naman yun?" Takang tanong pa niya.

"Alam mo bang dilikado ka dito?"

Napatabinge naman ang ulo niya.

"B-Bakit? May masama ba kayong g-gawin sa'kin? Pero parang hindi n-naman kayo masasamang tao, ah..."

Seryuso parin talaga ang mukha niya.

Napansin ko lang kanina pa ay parang may kakaiba sa kanya.

May kakaiba sa babaeng 'to.

Napa buga ako ng hangin. "Hindi masasamang tao? Dimo sure, Talia." Sabi ko at hindi ko na siya tinignan.

Nakatingin na ako sa harapan ko.

"P-Pero, bakit mo ba ako pinasunod sayo? Ano ba ang sasabihin mo sa'kin? Diretsohin mo nalang ako, pwede?"

Tsk, kung makautos...

"Dilikado ka nga kasi dito--"

"Bakit nga!?" Biglang galit na sa tono ng boses niya.

Kaya napatingin ako sa kanya.

Nabigla ako!

Hindi ko inaasahan na marinig ko sa kanya MISMO ang ganitong boses!

Ang boses niya, familiar sa'kin.

"T-Talia, gusto kong lumayo kana dito, gusto kong lumayo kana kay Christof. Mapapahamak kalang."

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now