CHAPTER: 08

35 4 0
                                    

Talia's Point of View

Nakaramdam akong nauuhaw ako.

Kaya naimulat ko ang mata ko at napatingin sa paligid.

"Nasan ako?" Biglang nasambit ko.

Biglang bumukas ang pinto.

"Uy, gising kana pala?" Napalingon ako sa pumasok at nakita ko si Angel.

"Bakit ako nandito? Diba nasa k-kompanya d-dapat ako?" Nanginginig pang tanong ko.

"Wala kabang na alala?" Takang tanong niya.

Akmang nag iisip naman ako.

"Hmm, ano nga ba?" Pag iisip ko. "Ay alam kona!" Biglang napataas naman ang kilay niya.

Lumapit pa siya sa'kin nang kaunti.

"O, ano?" Nakapamewang na tanong niya. "Ayan, ikaw kasing babae ka, sugod ka nang sugod. Ayan tuloy nangyari sayo. Tsk!" Naka cross-arm pa na umirap siya sa'kin.

"Hindi ko naman alam na y-yun gagawin nila, e." Nakayuko nang sagot ko.

"Tsk! Para kang lalaki, e. Walang takot. Kahit na may baril yong mga taong yon!"

"H-Hindi ko naman kasi a-alm na sila may dala baril, e." Pag dedepensa ko sa sarili.

"O, sya sige, kumain kana muna--"

"Nasan ba si Boss Xander?" Biglang naitanong ko at nakita ko naman sa mga mata niya na parang nanunukso.

Tsk.

"Sus, ikaw, ha!" Kinurot niya tagiliran ko.

"Aray! Grabe ka naman makakurot! Katawan mo? Katawan mo?" Nakahawak pa sa bewang na tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya at tumalikod sa'kin.

"Ang sabi pala ni Boss." Sabi niya na humarap sa'kin pero nakahawak na ang kamay niya sa doornub. "Dito kana raw muna at susunduin ka niya dito, ang sabi niya pa ay mag pahinga ka." Sabi niya na may halong pang aasar na tingin sa'kin.

Tsk, kaloka ang babaeng 'to.

Hindi na ako sumagot pa.

Ngumiti siya sa'kin.

Ngumiti nalang din ako, at yumuko.

"Okay, bye." Paalam niya pero hindi kona siya tinignan.

Isinara na niya ang pinto.

Biglang kumati noo ko kaya napakamot ako rito.

"Aray!" Naisigaw ko.

At kinapa ko pa ang noo ko, at may bandage na nakalagay.

"B-Bakit ako meron nito?" Napahawak pang tanong ko.

Bigla namang nag flashback sa'kin ang pangyayari kanina.

Tsk, bakit ba ako sinampal Ng lalakeng yun? Ayun tuloy nabunggo ako sa may kahoy don sa gilid.

"Pero sino kaya ang mga yon? Bakit sila nandon sa Kompanya ng mga Mondragon? May masama ba silang balak o plano sa mga Mondragon?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nito.

Napalingon ako sa right side ko at nakita kong may water bottle don kaya kinuha ko yun at ininom ang tubig.

Kinuha ko nalang din ang mansanas don sa plastic at kinain.

"Grabe nakaka gutom pala pag nasa ospital ka, tsk." Sabi ko pa na ngumunguya.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Boss President Sir.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now