CHAPTER: 07

55 4 0
                                    

Talia's Point of View

"Talia." Rinig kong tawag sa pangalan ko. Pero nakapikit parin ako. "Gising na, nandito na tayo." Pag kasabi non ni Boss President Sir, ay agad kong naimulat mata ko at napatingin sa kanya ng diretso.

Napatingin pa ako sa likod niya dahil kasalukuyan siyang nakatingin dito sa'kin.

Nakita ko naman ang building.

"Ah.. Bye!" Sabi ko at agad na binuksan ang pinto.

Bumaba na nga ako at dali dali pumasok sa building.

Ano ba ginagawa ko?

Agad ko namang nakita si Angel.

"Angel!" Patakbong tawag ko sa kanya.

"Hindi kita bati!" Sabi niya na naka pout.

"H-Ha? Baket?" Nakangiwing tanong ko.

"Ikaw kasi, e. Hindi mo ako hinintay! Sabay sana tayong kumain!" Nag pout siya ulit!

'Tsk! Parang bata!'

"I-Ikaw, k-kasi hinanap ko kita kanina pero ikaw w-wala dito. Hindi ko nakita ka dito."

"Ha?" Takang tanong niya tagala!

Napayuko ako at pilit na nilalabanan ang pagka nginig ko.

Bakit ba kasi ganito ako mag salita pag kinakabahan?

"Ang sabi ni Talia." Sabay kaming napalingon sa likod ko.

At nakita namin si Boss President Sir.

"Ang sabi niya hinanap ka naman niya pero wala ka daw dito. Kaya ayun umalis nalang siya para makakain. Sumakit kasi yung tiyan niya kanina, e. Gutom na gutom siya." Pag paliwanag niya.

Hays, buti nalang nandito ka.

"Ay ganun ba Talia?" Nakangising tanong niya. "O, sya sige mauna na ako may ipinautos kasi sa'kin si Boss Zander.

"Ano naman?" Tanong ni Xander.

"Ito Boss, oh." Sabi niya ipinakita ang maraming papel. "Ilalagay ko lang sa file book."

"Aww, okay. You can go now." Pag uutos ni Xander.

At umalis na nga si Angel.

Hindi parin ako humarap sa kanya nanatili akong nakatalikod.

Nag lakad ako palayo papuntang opisina niya.

"Talia, wait." Pahabol na tawag niya.

Napahinto ako.

At lumingon sa kanya.

"Ano yun?" Kabadong tanong ko.

"Sino yong kasama mong lalaki kanina?" Hindi ko siya maintindihan pero isa lang nasisigurado ko, nag seselos ba siya?

Sa tono palang ng boses niya.

Tsk! Ang akala mo siguro'y wala akong alam na kinausap mo si Christof kanina? Tsk.

"Kaibigan ko siya." Naisagot ko nalang.

Napa atras siya ng kaunti.

"Oh, okay. Follow me to my office may ipapagawa ako sayo." Napauna na siyang maglakad at ako naman ay sumunod lang sa kanya.

Nang marating namin ang office ay agad siyang naupo sa swivel chair niya.

"Maupo ka." Pag uutos niya. Umupo nalang din ako.

"Bukas yung meeting ko diba?" Tanong niya sabay buklat ng dyaryo.

"Oo, po." Pormal na sagot ko.

"Anong oras at saan?" Seryusong tanong niya na nakatuon parin ang paningin sa dyaryo.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now