CHAPTER: 01

225 11 1
                                    


Talia's Point of View

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakatapat na ngayon sa maganda kong pagmumukha.

Napatingin ako sa orasan.

"Hala! Ako late na ako!" Sigaw ko naman nang makita ko ang oras sa wall at malapit na ngang mag 7 o'clock.

Napabalikwas ako ng bangon dahil male-late na ako sa trabaho ko na kahapon ko palang pinasukan.

Nag dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at nong natapos nga ako ay nag luto na ako ng almusal ko.

Pagkatapos kong kumain ay nag bihis na ako kaagad hindi kona hinugasan ang pinagkainan ko, hinanap ko pa muna ang eyeglass ko pero hindi ko ito mahanap-hanap.

"Takte naman o, late na ako nito, e!" Kinuha ko nalang ang bag ko at lumabas na sa bahay, maigi kong ni lock ang pinto at gate dahil dito sa amin maraming mga magnanakaw.

Habang nag lalakad ako ay parang may sumusunod sa akin pero hindi ko lang ito pinansin at nag dali-dali nalang ako sa pag lalakad.

Pero parang may sumusunod talaga sa'kin, e.

May kaba parin akong nararamdaman.

Pag lingon ko...

Wala?

Naku naman baka guni guni ko lang 'to.

Kaya naman nag lakad na ako ng maayos at nag hintay din na may dadaang masasakayan.

Nong makakita ako ng jeep na palapit sa'kin ay agad akong napahinto sa pag lalakad at pumara.

"P-Para, ako sakay a-ako!" Kaway-kaway ko pa at huminto na nga siya sa tapat ko at agad na akong sumakay don.

Nakayuko akong naka upo dahil panay ang lingon ng mga tao sa'kin dito sa jeep.

Ako ang nasa pinakadulo kaya nililingon nila ako.

Napaisip naman ako...

A-Ano naman k-kaya nilingon lingon nila sa'kin d-dito?

Napabuntong-hininga nalang ako sa naisip at umayos nalang sa pag upo.

Maya-maya pa...

"K-Kuya m-manong driver, ako dito na a-ako!" Sigaw ko dito kaya napatingin silang lahat sa'kin! At inihinto na niya ang jeep at bumaba na nga ako.

"Hoy miss! Bayad mo!" Pahabol na sigaw ni kuya manong driver nong makalayo na ako ng kaunti sa jeep niya.

Kaya naman napapahiya akong bumalik at pumunta sa harapan ng gilid ng jeep niya.

"P-Pasensya na po ako kasi nag mamadali kasi ako po, e." Paliwanag ko dito na nakayuko.

"Kay gandang babae tatanga-tanga naman."

"Oo nga, e. Sayang yung ganda niya tanga naman. Hahaha."

"Oo nga at yung pananalita niya nakaka turn off psh!"

Bulongan nong mga pasaherong babae.

"Oh, ano? Mag babayad kaba? O ipapupulis kitang bata ka?" Galit na tanong ni kuya manong driver. Kaya gulat akong napatingin sa kanya at taas kilay naman niya akong tinignan.

Napapahiya akong binuksan bag ko at...

"Sus ikaw nandito lang pala ikaw sa bag ko?" Tukoy ko sa eyeglass ko at kinuha ko yon at isinuot na.

"Bayad mo miss nag hihintay ako!" Pigil ang inis na sabi ni kuya manong driver. Kaya dali-dali akong kinuha wallet ko at kumuha ng pera pambayad.

"Ayy hehe ito n-na bayad ko po." Abot ko sa bayad ko. At pahablot naman niyang kinuha yon at inis na ini-start niya ang jeep niya.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now