CHAPTER: 15

10 1 1
                                    

Talia's Point of View

Nang mabuksan ko na ang gate ay nag dalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba siya o hindi.

Pero ramdam ko naman na paalis na siya, kaya tuloyan nalang akong pumasok sa loob.

Nang marinig kong pinaandar na niya ang motor niya ay napasilip pa ako sa gate.

'Hayss, bakit pa kasi nag tanong, ayaw na ayaw kong pinag uusapan ang tungkol sa pag pasok ng mga magnanakaw dito sa bahay.' Sabi ko nalang sa isip at hindi ko na namalayan na nakalayo na pala siya.

Pumasok na lang ako sa bahay at maiging ni-lock ang pinto.

Napaupo naman ako sa sofa dito sa sala at kinuha ang phone na nasa bulsa.

Pag tingin ko sa oras ay malapit na palang mag 9.

"Grabe naman, sobrang bilis lang ng takbo ng oras." Pag rereklamo ko.

Napatayo na ako at agad na tinungo ang banyo para makaligo.

Pagkatapos kong maligo ay umakyat na ako para makatulog.

Nahiga na ako sa kama at napatingin sa phone ko. "Maaga pa ako bukas, dahil may meeting si Boss President Sir."

-KINABUKASAN-


Napabalikwas ako ng bangon nang mag ring ng napakalakas ang phone ko.

Bigla ko itong kinuha sa side table ko at pag patay ko sa alarm ay agad kong nakita ang oras dito.

"Hala! Bakit 6:30 na?"

Biglang nag flashback sa'kin yung nangyari kagabi.

Tinignan kolang yung oras ng phone ko at naligo na, pagkatapos non tinignan ko yun ulit bago matulog.

"Tsk! Hindi ko napalitan yung dapat na alarm, e. Dapat 5 yun, para makapag prepare ako. Di bale na nga lang!"

Tumayo na nga ako at tinungo na ang banyo para makaligo na.

Nang nasa banyo na ako ay sobrang malas ko ngayong araw na ito!

"Bwesiiiiittttt! Bakit walang tubig na lumalabas sa gripo na'to!" Parang maiyak iyak na hiyaw ko.

Pano na'to? Papasok ako na walang ligo? Gagi. No! Hindi pwede!

Agad akong nag isip ng paraan para lang makaligo.

Lumabas na muna ako sa banyo at tinungo ang lababo baka may lalabas na tubig galing sa gripo.

Pero sa kasamaang palad walang tubig na lumabas!

Tsk, minsan kasi ay kung walang tubig na lalabas sa gripo don sa banyo ay meron lang dito sa lababo. Pero hindi ako makapaniwalang wala ding tubig dito! Napailing iling nalang ako.

Biglang nahagip ng paningin ko ang dalawang gallon ng mineral water.

Napangiti ako...

What a brilliant idea, Talia.

"Ang talino ko talaga!"

Agad kong binuhat ang isang gallon at agad na tinungo ulit ang banyo.

Binuksan ko dali dali yung gallon at binuhos sa balde.

Nag dali dali ako sa pag ligo dahil alam kong late na late na ako.

Mga ilang minuto pa ay natapos na ako sa pag ligo at lumabas na sa banyo.

Kinuha ko ang phone ko sa kwarto at pag tingin ko sa oras ay 7:20 na.

Biglang nanlaki mata ko. "Jusko! Late na talaga ako!" Parang nataranta pang sigaw ko at dali dali sa pag baba at kinuha na ang bag ko.

My Boss, My LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ