CHAPTER: 17

13 1 1
                                    

Xander's Point of View

"B-Boss?" Parang nabigla pa siyang nakita ako.

"You're late." Kalmadong sabi ko sa kanya.

"B-Boss?" Lumapit pa siya ng kaunti sa'kin.

"Sabi ko nahuli kana. And guess what?" Taas kilay na sabi ko pa.

"B-Boss? Ano yun?" Kabadong tanong nito.

"Tsk, boss ka nang boss! Tapos na ang meeting!" Sabi ko sabay talikod at nag lakad palayo.

"Ehh? Teka lang!" Rinig kopang sabi niya.

Tumakbo pa siya at naramdaman ko nang nandito na siya sa likod ko.

"Sorry po." Usal niya.

"Pshh." Singhal ko at nag dali daling pumasok sa kumpanya.

"Sorry po talaga!" Hinabol pa talaga ako, tsk humanda ka sa'kin.

Sinundan niya ako sa office ko.

Pag pasok ko sa loob ay agad din siyang nakapasok.

"Sorry po talaga Boss!" Sinusundan niya pa talaga ako.

"Ano? Uupo ka din ba?" Sabi ko na tinignan siya ng seryuso at napatingin nga sa kabuoan niya at sa'kin. Dahil parang uupo din siya sa swivel chair ko.

'Anong nangyari sa babeng 'to?'

"Tsk! Mag sosorry ka na nga lang, parang uupo ka din sa inuupoan ko. Galing!" Sarkastikong pagkasabi ko.

At naupo nga siya sa harapan ko at tinungtong pa talaga ang kamay niya sa table ko.

"Oh, ano? May sasabihin kapa ba?" Taas kilay na tanong ko.

"E, panong naging tapos na ang meeting? E, diba nga 10 payun?" Kalmadong sabi nito.

"And so what? May choice ba ako?" Kunot noong tanong ko.

"S-Sorry naman, e, kasi--"

"E, kasi may kalandian kapang lalaki sa labas? Kaya ka na-late? Diretsong tanong ko.

"Anong may kalandian? At sino namang lalaki?" Parang di niya talaga alam na may kasama siya, at parang di niya ATA alam na nakita ko sila.

'Tsk, sinungaling.'

"Yung lalaki, yung nag hatid sayo, na naka kotse!" Pag lilinaw ko, baka kasi na amnesia na naman.

"Ah! Yun pala!" Sabi niya na napa-palakpak pa. "Si Kurt yun!" Dagdag niya pa na nakaturo sa'kin.

"Kurt?" Taas kilay na tanong ko.

"Oo si Kurt!" Pag uulit niya sa pangalan.

'Hmmm, familiar.'

"Kurt, who? What's his full name?" Tanong ko na inilapit pa ng bahagya ang upuan ko sa table.

"Ewan, diko alam yung full name, e. Basta ang alam ko lang is Kurt pangalan niya--gwapo siya no?" Diretso pa talagang pagka sabi nito.

"Gwapo? San banda? Sa paa?"

"Anong paa? Bakit? Nakita mo ba paa niya, ha?" Taas kilay at pag tataray sa tono ng boses niya.

"HAHAHA! baka gwapo lang yun, mula paa hanggang leeg! HAHAHAHA--aray!" Hiyaw kopa dahil bigla niya akong binatokan gamit ang newspaper.

"Ayan, bagay yan sayo! Tsk!" Sabi niya sabay talikod at lumabas!

"Humanda ka sa'kin Talia!" Sigaw ko pa, sapat nayun para marinig niya mula sa labas.

"Aray, ang sakit. Ang lakas mambatok!" Pag rereklamo kopa.

My Boss, My Loverजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें