CHAPTER: 20

9 1 1
                                    

Talia's Point of View

Pagka tapos naming kumain ay niligpit na ni Tan ang pinag kainan namin.

"Hayss, nabusog talaga ako. Buti nalang may yayo tayo." Natatawa pang pagka sabi ni Jacob.

"HAHAHA!" Tatawa tawa ding singit nitong dalawa sa tabi ko. Sina Christof at Alex.

"Anong yayo pinag sasabi mo?" Biglang singit ni Tan.

Nakabalik na pala siya, galing kasi siyang dining room.

Nandito kasi kami sa sala nag meryenda.

"Ha? Dimo ba alam na isa kang YAYO? HAHAHA!" Halakhak pa nito.

"Yaya kasi yun!--HAHAH!" Biglang singit ni Alex.

Nag taka naman akong napatingin sa kanila.

Partner in crime talaga tong dalawang 'to.

"B-Bakit yayo?" Biglang singit ko.

"Kasi." Natatawa pang sabi ni Jacob. "Diba pag may yaya, dapat may yayo din? HAHAHA--aray!" Bigla siyang napahawak sa batok niya.

"Loko loko ka talaga, Jacob!" Si Tan. "Wag mong pansinin yan, Talia." Biglang baling niya sa'kin.

"Ehh? Diba ang pangit naman ata pakinggan pag yayo ang tawag diba?" Si Alex na naman.

"So, ibig sabihin yaya tawag sa kanya? So bakla siya? Ganun?" Seryuso namang sabat ko.

"HAHAHAHAH!" Tawa pa nitong tatlo, except kay Tan.

Bigla naman ako nakaramdam ng hiya.

"Ah-Eh-Ano, joke lang! Peace!" Sabi ko na nag peace sign sa mismong harapan ni Tan.

"Psh!"

"Change topic." Biglang seryusong singit ni Christof. "Sino may gawa sayo niyan?" Tanong pa nito na itinuro pa ang pag mumukha ko.

"Ah.. Ano, sila ni ano--"

"Ah, ano, ano?" Sarkastikong sabi pa nito.

Inirapan ko nalang siya.

"Sino nga!" Biglang sigaw niya pero mahina lang iyon dahil magka tabi naman kami.

Napatingin naman ako sa kanilang apat na sobrang seryuso makatingin sa'kin. Halatang nag hihintay talaga sila sa isasagot ko.

"Yung ka trabaho ko, sila may gawa nito sa'kin. Pero okay naman na ako--"

"Okay? Okay bayan sa palagay mo nayan?" Biglang nagalit na tanong pa niya, halata lang kasi sa tono ng boses.

"Oy, kalma lang pre." Si Alex.

Napatingin naman sa kanya si Christof.

Inirapan naman siya nito.

Psh, parang bakla!

Napairap nalang din ako.

"Oh, ano? Sino nga?" Pag uulit na tanong nito kaya bigla akong napatingin sa kanya.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now