CHAPTER: 18

9 1 1
                                    

Talia's Point of View

"Humanda ka sa'kin, Talia!" Rinig ko pang pahabol na sigaw niya.

'Tsk, ako pa talaga ang humanda? Loko talaga.'

Nang makalayo layo na ako sa office ni Xander ay may balak talaga akong pumunta sa comfort room.

Nag lakad pa ako sa hallway.

Nang biglang...

"Sino kayo!" Tanong ko sa dalawang tao na biglang tinakpan ang bibig ko at pinapasok sa comfort room.

Nakita ko pa ang reflection ng dalawang taong ito sa salamin na nag dalawa sa'kin dito.

Babae sila.

Bigla nila akong tinulak dahilan kung bakit ako naupo sa sahig at nabagok ang ulo ko sa pader.

'Ang sakit, sobrang sakit.'

"A-Ano ba! Anong kasalanan k-ko!?" Sigaw ko sa kanila.

"Manahimik ka!" Sabi naman ni Alie sabay takip sa bibig ko.

"Ehm!" Usal ko dahil hindi ako makapag salita dahil sa pag takip sa bibig ko.

'It's Alie and Kristen!'

"Anong sabi mo?" Taas kilay na sabat naman ni Kristen.

Lumapit pa siya sa amin ni Alie, tapos ibinaba niya ang katawan niya para magpantay kami.

Nakaluhod ang isa niyang tuhod kagaya ni Alie.

Tinignan nila ako ng seryuso.

Iniwala na ni Alie ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"Anong pinag sasabi mong... Anong kasalanan mo? Ha? Alam mo madami, e!" Sabi pa ni Kristen na bahagyang itinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya.

"Hindi k-ko alam pinag sasabi mo!" Napasigaw pa ako.

"Wag kang sumigaw!" Sabay sigaw nilang dalawa sa pag mumukha ko.

"Gago ka!" Sabi ni Alie, sabay sampal sa'kin.

Bahagyang natabinge ang ulo ko pa kanan.

Nag init buong mukha ko.

Humihikbi na ako, dahil sa ginagawa nila.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Parang sarkastikong tanong pa ni Kristen . "Wala pa tayo sa exiting part." Pabulong na sabi niya sa mismong tenga ko.

"A-Anong g-gagaw-win m-mo?" Nanginginig pang tanong ko sa kanya. Mata sa mata.

"Alam mo ba kung anong kasalanan mo?" Tanong sa'kin ni Alie na nakataas pa ang kaliwang kilay.

"W-Wala akong alam sa p-pinag sasabi n-niyo!" Humihikbing sabi ko.

"Meron!" Si Kristen. "Malandi ka! Pati ba naman si Sir Xander? Ha?" Sabi niya na lumapit na sa'kin at kwenilyuhan ako. "Boss natin? Lalandiin mo? Ang kapal mo!" Sabi niya tapos bigla akong sinampal.

Tumabinge na naman ang ulo ko pa kaliwa at natumba ako sa pag kakaupo.

Nakahiga na ako sa sahig.

Ramdam kong lumapit silang dalawa sa'kin at...

"Aray! Masakit! Tama na!" Pag mamakaawa ko sa kanila dahil pinag sisipa nila ako.

Sa tiyan,

Sa heta,

At sa ulo.

Sobrang sakit.

Umiiyak na akong nakahiga at pinag sisipa nila.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now