CHAPTER: 02

111 7 0
                                    

Xander's Point of View

Masaya akong nag mamaneho nang biglang..

Hindi ko siya napansin!

Nagulat ako at bahagya ko pang inilabas ang ulo ko sa pintuan ng kotse ko. "H-Hoy! Ano ba? Bulag kaba? Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo, ha?" Galit na sabi ko dito sa babae.

Dahan-dahan siyang tumayo. "B-Bulag? A-Ako bulag ako? Ikaw nga itong n-nakabunggo sa akin tapos ako pa bulag ako?" Turo-turo pa niya sa sarili niya.

''Anong pinag sasabi ng babaeng 'to? Hindi ba siya marunong mag salita ng maayos?"

Inis akong lumabas sa kotse ko at hinarap siya.

"Hoy ikaw!" Tinuro ko pa siya. "Sa susunod wag ka kasing haharang-harang sa dadaanan ko!" Sigaw ko sa mukha niya.

"B-Bakit? Ako ba alam ko na dadaan k-ka dito?!" Sigaw din niya sa'kin.

"Aba ang lakas ng loob mo na sigawan ako, ah!"

"Ikaw! Sigaw ka din sa'kin! Kaya ako din sigaw sayo! Para tayo dalawa patas lang!"

What the?

"Hindi mo ba ako kilala, ha?" Tanong ko na tinuro pa sarili ko.

"B-Bakit kailangan pa ba k-kitang makilala, ha?" Utal pa na tanong niya.

"Oo!" Sigaw ko naman sa makapal niyang mukha!

"P-Pwes w-wala ako pake sayo kung sino ka man h-hindi a-ako interesado s-sayo! Bakit sino kaba, ha?"

Wala daw pake? Hindi interesado? Pero tinatanong kung sino ako? Ha! Bobo!

Napatingin ako sa paligid ko at ang dami ng tao na nag titinginan sa amin.

"Ano tingin-tingin niyo diyan? Alis!" Baling ko sa mga tao na nag titinginan sa amin.

At nag sialisan nga sila.

Humarap naman ako ulit sa babaeng ABNOY! Nakakunot na ngayon ang kilay at ang noo niya.

Abnoy talaga!

"Ikaw!" Tinuro ko pa siya. "Sino kaba, ha?"

"Ako? Tinuro niya din ang sarili niya. "Sino ako? Anak ako ng nanay ko! Ikaw sino k-kaba?"

Pilosopo ang abnoy!

Pinandilatan ko siya ng mata at hindi ko na siya pinansin pa at nag lakad na ako palayo at pumasok na ng tuluyan sa Building.

At sinundan niya ako!

"Hoy ikaw! Ako hindi pa ako tapos sayo!" Sigaw niya.

Kaya inis ko siyang nilingon.

"Papansin kaba, ha?!" Pigil ang inis na tanong ko sa kanya!

Nagtinginan na naman ang mga tao sa paligid namin.

Mga bwesit! Mga chismosa! At chismoso!

"Ako hindi ako papansin! Ikaw papansin! Hindi ako papansin ikaw papansin!" Sigaw niya na nakaturo pa sa'kin.

Bahagya pang nag sitawanan ang mga tao sa loob ng Building.

"Ano tinatawa-tawa niyo diyan? Go back to your work!" Sigaw ko sa mga taong kulang-kulang!

At bumalik na nga sila sa pag tatrabaho.

"Hoy ikaw!" Turo ko sa babae. "Halika dito!"  At agad naman siyang tumayo at lumapit sa'kin.

"Y-Yes Sir?" Utal na tanong niya pa.

"Pakilala mo nga ako sa babaeng 'TO." Diniianan ko talaga ang 'TO' sabay turo sa kanya. "Kung sino AK--"

My Boss, My LoverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant