CHAPTER: 12

60 5 0
                                    

Talia's Point of View

Nakaramdam ako ng sakit sa puso na parang tinusok ng karayom.

Hays ano ba itong nararamdaman ko?

Hindi ko alam, pero bigla ko nalang tinungo ang comfort room.

Kasalukuyan akong nasa labas nito.

At nakaramdam nalang din ako na naiihi ako, kaya pumasok nalang ako dito.

"Alam mo ba yung balita, sis?"

Rinig ko mula sa labas ng cubicle.

Kasalukuyan silang nandito sa loob ng  comfort room, at ako naman ay nandito sa cubicle.

"Ha? Anong balita?" Tanong naman ng isa pang babae.

"Psh! Sila ni Sir Xander at yung bagong sekretarya niya! Tsk! Mas maganda pa ako don!"

Sabi naman nong babae at bigla lang akong napatakip sa bibig ko dahil sa narinig ko.

Ano kayang balita ang tungkol sa'min ni Sir Xander ang tinutukoy niya?

"Ha? Ano ba pinag sasabi mo?" Takang tanong naman nito.

"Tsk! Diba isipin mo, kanina pang umaga 'yun nakapasok dito sa kompanya ni Sir Xander."

"O, tapos?"

"Tapos kung umasta siya, parang matagal na silang magkakilala! Tsk! Napaka sip-sip, e'no?"

Ano? Anong sip sip pinag sasabi neto?,

"Bakit mo naman naisipan na tawaging sip-sip yun?" Parang natawa pang tanong nito sa kausap.

"E, kasi alam mo diba kung umasta parang matagal na silang magkakilala. At ito pa, kanina sinugod daw sa ospital pero nakalabas lang din kaagad. For sure si Sir Xander pa bumayad sa bill non sa ospital. Pansin mo naman yung suot niya pang-MAHIRAP!"

Bigla ako nakaramdam ng inis.

"Golddigger!"

"Hoy! Hinaan mo nga yang boses mo, baka may makarinig satin!"

"Tsk! Don't me, Kristen! Totoo naman diba?"

"Hoy Alie, bakit kaba nag kaganyan? Nag seselos kaba? Or naiinggit ka kay Talia?" Sarkastikong tanong nito kay Alie.

Alie pala pangalan mo, ha! Humana ka sa'kin.

Sabi ko nalang sa isip ko dahil naiinis na ako sa babaeng 'to!

"Both!" Sagot kaagad nito.

"HAHAHA! Si Talia kaiinggitan mo? Really, huh?" Sarkastikong sabi naman ni Kristen.

Hindi ko din maintindihan ang Kristen na 'to kung kampi ba siya sa'kin o hindi.'

"Why are you laughing?" Mataray na tanong ni Alie.

"Kasi you know, nakakatawa ka. Satingin mo ba mag kakagusto si Sir Xander kay Talia? Just think about it." Sarkastiko na namang sabi nito.

Ha? Akala ko ba ay mabait tong Kristen nato? Tsk! Pareho lang pala sila ng ugali! Mga inggetera.

"HAHAHA, you're right! Sa pagmumukha ba naman non? Walang magkakagusto don! At siya lang? Kaiinggitan ko? Hah! No way, girl. No way!" Mataray na saad nito.

"HAHAHA, tara na nga." Pag aaya ni Kristen.

Bigla na ngang bumukas ang pinto at lumabas na sila.

Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko pagkatapos kong marinig mga pinagsasabi nila tungkol sa'kin.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now