CHAPTER: 03

63 6 0
                                    

Xander's Point of View

Nakapasok na nga ako sa loob ng opisina ko at kasama ko ang bobo at abnoy kong sekretarya!

"Wow ang ganda! Ang ganda-ganda!" Namangha pang usal niya.

Hindi ko alam nakasunod pala talaga siya sa'kin. Pumasok siya ng kaunti at nilibot ang paningin.

Anong ginagawa niya? Ngayon lang ba siya nakapasok sa ganitong kagandang opisina?

Nag tataka akong nakatingin sa kanya.

Una niyang tinignan ang mini-sala ko at alam kong nakatingin siya ngayon sa sofa ko! Napatingin din siya sa bandang kaliwa niya dahil nandon din ang coffee-table ko.

Nakatayo parin ako sa gilid ng table ko at nakakunot ang kilay at noo na nakatingin sa kanya!

Pumasok pa siya para makita ang kabuuan ng opisina. Nakatingin na siya ngayon sa aircon ko! Bahagya pa siyang ngumiti.

Anong ningiti ngiti mo diyan? Abnormal!

Tumingin siya sa bandang kaliwa at tumingin din ako don. May makikita kang lalagyan ng libro. Tumingin din siya sa bandang kanan at tumingin din ako don. May makikita kang maliit na table na may nakalagay na mga folders pero yung folders.

Lumapit pa siya sa mga table at ipinahid ang kamay niya don!

Hoy abnoy! Anong ginagawa mo? Gusto kong itanong yan at sigawan siya pero diko manlang magawa!

Naiinis na ako! Peste!

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at hindi kona talaga mapigilan 'to!

"Tapos kana bang mag-CHECK sa mga gamit KO?" Tanong ko dito na may halong diin at bigat sa tono ng boses.

Pumunta siya sa harapan ko. Pero nakatayo at nakatingin lang siya sa'kin.

Naupo naman ako sa swivel chair ko.

Ningisihan niya ako.

"Mahalig ka sa BLACK a'no? Vampire kaba?" Tanong niya sa'kin na naka-tabingi pa ang ulo at ngising-ngisi pa! Peste!

"Ano?!" Inis na tanong ko sa kanya!

"Mahalig ka sa BLACK a'no? Vampire kaba?" Pag uulit niya pa! Tsk abnoy talaga!

"Tsk! Ba't mo pa inulit? Narinig ko naman." Inis na tanong ko dito.

"Nag tatanong ka, e." Sabi niya pa sabay tungo.

"Pero wala akong sinabing ULITIN mo!"

"Sabi mo kasi.. ANO.. Kaya inulit ko." Inangat niya ang ulo niya at nagtama paningin namin!

Iniwas ko naman agad paningin ko.

"Akala ko kasi hindi mo narinig, e." Malungkot pang dagdag niya.

"Tsk!" Singhal ko. "Ang sabi kolang naman ay "ANO" at ang ibig sabihin non ay ANO.. ANG.. IBIG.. MONG.. SABIHIN.." pandidiin ko pa. "Maganda nga bobo naman." Bulong ko pa.

"Nag tatanong lang, e. Galit agad ikaw sa'kin?"

What the, bakit ganyan siya mag salita? Palibhasa kasi, isip bata!

"Umatake na naman ba ka-abnormalan mo?" Deretsong tanong ko.

"Oo." Maikling sagot niya pero ramdam mong seryuso nga siya!

Natigilan ako at napatitig sa kanya!

"A-Ano?" Utal na tanong ko pa. Sabay tayo!

"Syempre joke lang." Sabi niya sabay ngiti. "Peace." Dagdag niya pa na nag peace sign.

My Boss, My LoverDove le storie prendono vita. Scoprilo ora