CHAPTER: 16

24 1 1
                                    

Xander's Point of View

Nauna pa akong nagising sa alarm ko, dahil sa kabang nararamdaman.

"Pano nalang kung hindi ko ma-handle ng maayos yung meeting? Ano na naman kaya ang sasabihin sa'kin ni Dad. Haysss."

Kasalukuyan akong nandito sa banyo at tapos na ngang maligo.

Nag angat ako tingin at tinignan ang mukha ko sa salamin.

'Hindi ko din alam ang kung anong mga nararamdaman ko kahapon, halo halo ito at alam ko sa sarili kong nagugulohan ako.'

"Haysss, ano ba itong iniisip ko." Sabi ko at nag hilamos ulit.

Lumabas na nga ako sa banyo at kinuha na sa closet yung susuotin ko.

And guess what?

Si Mommy lang naman nag handa sa suit na susuotin ko.

It's a black tuxedo with a black tie.

Kinuha kona ito at isinuot na.

Pagkatapos kong suotin yun ay humarap na ako sa salamin.

Napangiti ako at hindi ko alam kung bakit ako napapangiti.

'Tsk, baka pati ako nagwagwapohan sa sarili ko. Sino bang hindi?'

"HAHAHA!" Natawa pa ako sa naisip.

Nag baba ako ng tingin at kinuha sa drawer ko yung hair gel at perfume.

Yung gel na gustong gusto ko ay yung BLU ATLAS HAIR GEL at ang perfume naman na sobrang bango ay ang IMPERIAL MAJESTY.

Pagkatapos kong mag lagay sa buhok ay nag pabango na ako, pagkatapos non ay sinuot kona ang relo ko.

Napatingin pa ako sa salamin habang sinusuot ito.

Nong nasuot kona nang tuluyan ay inayos ayos kopa ang necktie ko.

Nang natapos ay lumabas na ako sa room ko at bumaba na.

Nagulat pa akong nakita si Mom and Dad na nasa sala.

Nag uusap sila.

"Hi Mom. Good morning." Bati ko sa kanya at lumapit ako at humalik sa pisnge niya.

"Good morning, baby--ang bango mo naman." Sabi pa niya na ngumiti sa'kin.

"Ehh..." Parang napapahiya pang nayuko ako at napakamot sa batok.

"At isa pa, ang ayos ayos ng buhok mo, ah?" Sabi niya pa na parang inuusisa ako.

'Si Mommy talaga...'

"Psh." Si Dad. "Syempre binata nayang anak mo." Sabi niya na humarap kay Mommy. "At isa pa may importanting ka meeting yan ngayon." Dagdag niya pa.

"Ayy! Oo nga pala! Nakalimutan ko may ka meeting ka nga pala ngayon." Si Mommy.

"Tsk, hindi lang basta may ka meeting yan." Si Dad.

Napatingin naman ako sa kanya, dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Nagugulohang napatitig ako sa kanya.

"Baby?" Tawag sa'kin ni Mommy at tinignan ako ng parang gusto niya na may sabihin ako.

"Ahh... Hindi kopo kayo maintindihan." Baling ko kay Daddy.

"Tsk! E, hindi ka naman ganyan ka porma pag may mga ka meeting ka diba?" Parang sarkastikong pagkasabi niya na tinignan ako, mata sa mata.

"I still don't get it, Dad." Nakunot na ang kilay na tanong ko.

Nakita ko naman si Mommy sa gilid ng mata ko na nag palit palit siya ng tingin sa'min ni Dad.

"Ano bayan! Pati ako hindi ko kayo maintindihan." Pag rereklamo ni Mommy.

My Boss, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon