Chapter Nineteen

100 15 2
                                    

Daisy

Sakit. 'Yun ang una kong naramdaman.

  Ang sakit sakit ng ulo ko.

  Maingat kong binuksan ang aking mga mata, ang bigat kasi sa pakiramdam. Madilim din ang paligid, pero malamig. Ang comfortable ng hinihigaan ko, taliwas ito sa higaan ko sa boarding house.

  Sandali.

  Agad akong napabangon nang mapansin kong wala nga talaga ako sa kwarto namin ni Jane.

  Jusko lord!

  Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng magarang kwarto, medyo malaki ito ngunit parang medyo walang kabuhay-buhay ang loob. Napaka-minimialist ata ng may-ari.

  Speaking of that, agad kong tinignan ang katawan ko.

  Hindi naman siguro ako nakipag-one night stand noh?

  Jusko lord! Ayaw kong magtaksil kay Miss...

  Si Miss!

  Mabilis kong naalala ang ibang nangyare kagabi. Medyo blurry na, pero naalala kong nakita ko ito sa labas ng bar, hinatid niya rin ako sa amin hanggang sa mapadpad kami dito.

  Jusko, makakasuhan na talaga ako ng attorney na 'yun! Ang dami ko nang kasalanan sa kanya.

  Mabuti pa siguro itigil ko na lahat at lalayas na ako sa mundo at tsaka mamumuhay ng tahimik sa probinsyang walang makakakilala sa akin.

  Joke lang.

  "Daisy?"

  Agad akong napahiga muli sa kanyang soft bed. Ayaw kong maabutan ako nitong gising, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya! Nakakahiya ang mga pinaggagawa ko!

  Lupa! Lamunin mo na ako!

  Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang mga yabag nito sa loob.

  Mas lalo lang tuloy akong kinabahan dahil naamoy ko na ang kanyang pabango. Ang lapit lapit niya na siguro sa akin!

  "Hey, I know you're awake. Nakabukas na ang mata mo ng konti," tugon nito at tsaka naramdaman kong naupo na rin ito sa higaan. "I prepared us breakfast."

  Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at napasinghap ako nang magtama ang tingin naming dalawa.

  Nakakakilig! Walang hiya!

  "Why are you looking at me like that?" taas kilay nitong tanong.

  Nahihiya akong bumangon mula sa higaan niya. "Uhm, miss? Hindi ka po ba galit sa akin?" tanong ko. Baka kasi bigla nalang itong pumutok.

  Kibit-balikat lang ang kanyang sagot. "Get up and brush your teeth, may inihanda akong extra nandoon sa sink sa CR. Then samahan mo ako sa labas. Let's eat breakfast together." Pagkatapos nito ay walang paalam itong lumabas sa kwarto.

  Okay?

  Ang weird.

  Himala at hindi ako nito pinagalitan.

Daisy Is Under Her SpellWhere stories live. Discover now