Prologue

244 12 0
                                    

It was raining hard, alam kong mali ko talaga na hindi ko dinala ang payong ko kasi sobrang kampante kong hindi uulan. But now I'm feeling cold, it's one in the morning at tatlo nalang kaming tao ang narito sa 7-eleven.

  Bakit pa kasi ako nagmatigas na lumabas sa boarding house para bumili ng pagkain? Walang hiyang gutom ito.

   Napatingin ako sa cashier, nakaupo na ito ngayon at mukhang inaantok na. Inilipat ko ang tingin ko sa dalawang customer na parehong busy sa kanilang cellphone, mukhang naglalaro at tsaka nanood ng video.

  Hindi naman ata sila mukhang apektado ng ulan.

  Napasimangot ako. Paano ako nito makakauwi? Kailangan ko pa naman bumalik sa boarding house para makatapos na ako sa pagliligpit ko. Kakarating ko lang kasi sa city para sa start ng first semester namin. Two years akong purely online sa school dahil sa pandemic, but ngayon ay tapos na, balik na ulit kami sa normal set up. Which means kailangan ko na rin pumunta rito sa city at dito na muna mag stay dahil malayo-layo ang bahay namin from the city itself.

  Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at tinignan ang oras. 1:17 AM .
 
  Biglang nagbukas ang pinto at napansin kong pumasok ang isang may katangkaran na babae, nakaitim ito at nakasuot ng cap. Nakasuot  rin ito ng jacket at mukha siyang artistang nagtatago sa get up niya.

  Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya hanggang sa nakapunta ito sa counter. Nagbayad ito at pagkatapos ay naglakad papunta sa tables. Dalawa lang ang table sa branch na ito, maliit lang kasi. Sa isa ay doon nakatambay ang dalawang naglalaro sa kani-kanilang cellphone. Tapos sa akin naman ang may vacant kaya for sure, dito 'yan uupo.

  "Excuse me? Pwede maki-share?"

  Natigilan ako. Ang ganda ng speaking voice! Agad akong tumango. "Yes, opo!"
 
  Tumango ito at naupo sa kabilang banda ng mesa. Napansin kong hinubad nito ang kanyang jacket, patinang kanyang cap. Kaya sinubukan kong sumilip.

  Agad akong natigilan. Ang ganda. Like, as in. 'Yung tipong gusto mo talagang titigan dahil sobrang dala mo lang makakita ng ganitong klaseng kagandahan. Tsaka teka, bakit parang pamilyar ang mukha nito?

  "Is there anything wrong, miss?"

  Agad akong napaiwas sa hiya. Napansin ata nito na nakatingin ako.

  "Ah, wala po."

  "It's rude to stare that long to a person you know."

  Mas lalo lang akong nahiya sa sinabi niya. "S-sorry po. Familiar ka po kasi."

  Narinig ko itong suminghap bago sumagot. "Really? Paanong familiar?"

  Sinubukan ko itong tignan ulit pero hindi ko na tinagal. "Just familiar po." Nag kunware akong tumingin sa oras mula sa cellphone ko. 1:28

   Walang hiya. Baka abutin pa ako ng alas tres dito. Susulong nalang ako sa ulan.

  Good idea, para makaiwas rin ako sa hiya baka ano pa ang gawin ko.

  Tumayo ako at nag-excuse sa babae sa mesa, at tinahak ko ang pinto. Shocks, ang lakas pa rin sobra. Napayakap ako sa paper bag ng binili kong pagkain. Ayan, deserve mo magdusa kasi crave crave ka pa ng wala sa oras.

  "Wala ka bang payong, Miss?"

  Napatalon ako sa gulat nang mapansin kong nasa tabi ko na ulit ang magandang babae. Nahihiya man ay napailing ako.

  "Ito, hiramin mo nalang ang sakin. " Inilahad nito ang kulay itim na payong.

  Napakunot naman ang noo ko. "Sure ka miss?"

  Tumango ito at tinignan ang relo niya sa wrist. "Yes. Take it and go, I have an extra umbrella in my car. "
 
  "Sure ka talaga miss?"

  "I'm not fond of repeating what I just said, miss. Take it. I'm sure we'll be seeing each other soon. "

  Pagkatapos nito sabihin ang mga katagang nagpagulo sa akin, umalis na ito at tumakbo papunta sa isang itim na sasakyan sa harap ng store.

  Yayamanin pala, kaya nag-give away ng payong.

  Pero teka, anong ibig-sabihin niya na magkikita kami soon? Kilala niya ba ako?

  Ang mysterious at weird naman. Minumulto ba ako? Pero may sasakyan siya. Wala namang multo na may sasakyan, hindi ba? Tsaka ang ganda niya naman sobra para maging multo.

  Or baka naman ito na ang sinasabi nila sa mga palabas na biglang magpapakilala saiyo ang the one in the most unpredictable time?

  Okay, delulu ka lang talaga Daisy.
  Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa payong na ipinahiram niya. Okay, siguro aabangan ko nalang kung kailan ang soon para masauli ko ito? I can't wait!

  I guess see you soon nga, Miss Ganda na Mysterious in Black.

 

Daisy Is Under Her SpellWhere stories live. Discover now