Chapter Five

116 11 1
                                    

Daisy

Kasalukuyan akong nakatambay ngayon sa library kung saan ako nagpapalipas oras. Mamayang hapon pa ang susunod kong klase kaya napagdesisyunan ko nalang na magpalamig dito sa library. Baka sakaling mahawaan ako ng mga masisipag na nag-aaral dito. Baka sakali lang.

  Nakabukas ngayon ang libro ko ngunit hindi pagbabasa ng article ang inaatupag ko. Nakabukas din kasi ang cellphone ko at naka-open sa instagram kung saan ko stina-stalk si Miss Cassandra.

  @cassyvenicesy
Cassandra Venice Sy
  6 posts   676k  followers  53 following

  Madami siyang followers sa instagram kahit ang konti lang ng post niya. Anim na post lang, tapos ang tatlo pa ay puro nature at building. May picture din naman siya rito. 'Yung una ay ang isang group photo niya kasama ang iba't-ibang tao. Mukhang mga kaibigan niya ito. 'Yung isa naman ay photo niya habang naka-pose ito sa harap ng isang pamilyar na restaurant. At ang panghuli, isa itong bikini photo at nakalagay sa location ay Maldives. Pak! Maldives. Kami niyan kahit beach lang dito sa gilid hindi pa mapuntahan.

  Pero teka, ang hot niya sa suot niyang two pieces red bikini. Para itong model kung maka-pose. Perfect posture, perfect body, perfect face, perfect as a person! Ang ganda niya talaga... I wonder ano kaya ang feeling...

  "Tigilan mo na 'yang kakastalk kay miss. Para kang timang."

  Napasimangot ako sa sinabi ni Daniel. "Ano ba? Eh sa gusto kong makilala siya."

  Natawa itong bakla. "Aysus! At bakit naman? May pagnanasa ka na sa kanya? Huwag mo sabihing nang mamanyak ka sa picture ni Miss kasi ako talaga ang sasampal sa'yo"

  Malakas na hinampas ko ito dahilan kung bakit pinagtinginan kami ng mga tao sa loob.

  "Baliw ka ba? Pagnanasa? Pangmamanyak? Sa mukha kong ito. Hindi ba pwedeng I admire her lang?" pabulong kong sigaw.

  Inirapan naman ako nito. "Oh? So crush mo nga?"

  Napaisip ako bigla sa tanong nito. Crush? Crush ko na ba si miss? Hmm, pwede naman? I mean, she's crushable. Hindi lang siguro ako ang may crush sa kanya. I'm sure marami kami sa klase.

  Agad kong inilapit ang upuan ko sa upuan ni Daniel, at tsaka nag tanong. "May kilala ka pa bang students na may crush sa kanya?"

  "Marami, baliw. Kita mo naman siguro sa mukha at estado nun, marami talaga magkakandarapa sa kanya." Nag-pause ito saglit bago nagpatuloy, "Based lang sa alam ko, may apat na students na 'yang binasted sa fourth year. This month lang 'yan at mga taga department lang din natin. Hindi ko na alam ang chika sa ibang dept kasi wala na akong kachismisan sa kanila. Pero 'yun nga, may nga students talaga na nanliligaw sa kanya. "

  Napakunot ang noo ko sa narinig. "Pwede ba 'yun? Hindi ba't bawal ang ganyang relasyon? Tsaka paano naman nila nililigawan eh baka ma report sila?"

  "Syempre sa labas nila nililigawan si Miss Cassandra. 'Yung iba nagpapadala ng kung ano-ano sa restaurant niya. Tapos may iba rin na iniiwan ang mga bagay-bagay sa kotse niya. That's how they do it. Tsaka wala namang pakialam si Miss sa kanila. Hindi nga sinasagot ni Miss sa mga dms at chat nila. "

  Nagpigil tawa naman ako. "Deserve, siguro makukulit 'yan sila."

  "Pero yeah, most of them talaga ay hanggang pagkagusto lang kay miss. Wala talaga silang pag-asa lalo na ngayon na maraming speculations na jowa niya raw ang sikat na actor na si Johan McRay, 'yung FilAm. Maraming beses na silang nahuhuling nag-date at mind you, last time nag Korea sila, silang dalawa lang. Ang bongga noh?"

Daisy Is Under Her SpellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin